Zyon Dawn and Mark--
A/N: Hindi ko sana pagsasamahin. Pero naisip ko kailangan ng mahaba-habang update.
So enjoy madlang werewolves
-*-
Third Person’s Pov
Naalimpungatan ang diwa ni Yhuna dahil sa maiinit na haplos sa kanyang pisngi. Ang sarap sa pakiramdam nung bagay na humahaplos sa kanyang pisngi kaya hinuli niya iyon at niyakap.
Para siyang idinuduyan dahil sa kasiyahan. Pati ang wolf niya na si Ysa ay parang nasa cloud nine dahil sa bagay na iyon.
Nakarinig siya ng tawa, mas lalo siyang napangiti dahil parang musika sa kanyang pandinig ang tawa na iyon.
Naisip niya agad ang King’ T-teka? B-bakit ko nga ba iniisip iyon? Tss!
Tinaboy niya sa kanyang utak ang King. At dahil parang nanaginip siya, nakaamoy siya ng mabangong scent. Napakagat labi siya nang unti unting may naramdaman siyang presensya na lumalapit sa mukha niya.
Oh! Moon Goddess! Nanaginip nga lang ako kanina at mukhang totoo nga dahil nakilala ko na yata ang totoo kong Mate!
Napalunok siya ng may maramdaman siyang mainit na bagay na dumadampi sa pisngi niya.
Parang ibig niyang kunin ang bagay na iyon at idampi sa mga labi niya.
"My Queen" mahinang anas ng kung sino
Idinilat niya ang mga mata at ngumiti. Itinaas niya ang kanyang kamay upang abutin ang lalaking iyon.
"My Queen" ulit nito then he held her hand then kiss it
Wait! Wait! Wait!
’My Queen?’
Then realization hit her.
Napabalikwas siya ng bangon at gumitgit sa isang side ng kama.
Nakita niya ang King’ na nakaupo sa gilid nang kama habang nakatingin sa kanya ng matiim. Kitang kita niya ang magaganda nitong mata at ang panga nito na parang sinadya dahil akmang akma sa kanyang mukha. Ang mga labi nitong mapupula na parang ang sarap tikman--
Sinampal niya ang bibig niya dahil sa kung ano anong pumapasok sa utak niya.
Nakita niyang ngumisi ang King’
Gayunpaman, pinilit niyang magtaray.
"Anong ginagawa mo ditong Rogue ka hah!" iritado niyang sagot.
Nagdilim ang paningin nito at unti unting lumapit. Hindi umatras si Yhuna dahil sa prinsipyo niya at hindi niya babaliin un.
’Ang umatras, duwag, Ang umalis, Talo’
BINABASA MO ANG
The Rogue's Mate (Completed)
Werewolf-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang kanyang magiging mate But Destiny is a player. A one damn cheater. Nagtagpo sila in a wrong time...