My Other Half : Chapter 14

7 1 0
                                    

Chapter 14

"Ano 18 ka lang?" napatayo si Eros sa kinakatayuhan niya.

"Sabi ko sa iyo Sandro maggugulat siya eh" - Esy

"Pwede bang umupo ka Eros at nakakahiya sa nakapaligid natin" - Francis, nakaupo ulit sila banda sa window side, nasa cafe shop kasi sila ngayon.

Umupo na si Eros at hinigop ang kape na inorder niya si Esy naman ay mukhang nageenjoy lantakan yung extra fudge sundae.

"Kaya nga sasamahan ko si Sandro mamaya sa derma" - Esy

"Teka lang tuloy pa yun?" - Francis

"Oo naman" - Esy

"Teka kung 18 ka lang edi 1 and a half year ang tanda mo sa akin" - Eros

Di kasi makapaniwala ni Eros sa edad ngayon ni Francis. Mukhang kahit anong gawin niya ay di pa rin siya makapaniwala.

"Ubusin ninyo na lang yung mga inorder ninyo at aalis na ako." - Francis

"Bakit ako?" - Esy

"Di ka sasama sa akin" - Francis

"Ehhhh! Sama mo na ako Sandro please please" - Esy

"Wow kailan ka pa natutong magplease Esy" - Eros

"Shut up" - Esy

Nakipagtinginan ng masama si Esy kay Eros. At habang nagtitigan sila ay umalis na si Francis at naglagay ng pera sa counter at tinuro yung dalawa. Ningitian lang ng cashier si Francis at umalis na ito.

Napadaan naman si Esy sa bintana at nakita niyang pasakay na si Francis ng kotse niya.

"SANDRO!" - Esy

Tumayo siya at hinabol niya si Francis.

"Sandro" - Esy

Hinawakan ni Esy sa braso si Francis.

"Bakit?"

"Sama ako"

"Bawal"

"Bakit?"

"Bawal doon minor de edad"

"Edi pupunta na lang ako sa tabing establisment nun"

"Kaya mo ba?"

"Ha? Bakit?"

"Malapit doon dun yung pinagtratrabahuan ng father ni Psyche"

"Ayus lang"

"Ay di pala malapit, sobrang lapit"

"Sumakay ka na lang"

Napangiti si Esy at sumakay sa front seat.

"Oy oy oy, Bakit ka dyan uupo?"

"Sige na! Para di ka naman magmukhang driver ng isang kaganda ko"

Napafacepalm na lang si Francis. Bago siya pumasok ng tuluyan ay napasilip siya ng di sinasadya sa cafe.

Nakita niyang nandoon si Eros nakatayo at tumitingin ng masama sa kanya, Ngitian na lang niya ito at

"Seloso"

"May sinabi ka ba Sandro?"

"Wala ah"

Nagdrive na lang papunta sa derma si Francis at binigyan niya si Esy ng pera pangbili ng kung ano ang magugustuhan niya para di naman siya mabored.

Sabay silang lumabas ng kotse nauna namang umalis si Francis. Napatingin na lang si Esy sa paligid at nakita niya ang kompanyang pinagtratrabuhan ng tatay ni Psyche.t

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon