Chapter I (03|13|16)

18 3 0
                                    


Cecilia

Papauwi na ako ng bumagsak ang malakas na ulan. Hindi ko alam ano gagawin ko. Wala akong payong na dala. Maghihintay ba akong matapos ang ulan? O tatakbo ako papunta sa waiting shed? Nagdedebate ang utak ko kung ano gagawin ko. Ayoko namang maghintay kasi alam kung ako lang naman yung mapapagod sa kakahitay na matapos ang ulan. Tsaka ayoko ring tumakbo kasi ako lang yung mababasa sa ulan tapos baka madudulas pa ako. At pag nadulas ako, ako lang yung masasaktan. Tsaka di porquet may payong kang dala, di ka na mababasa ng ulan. Ganun din sa pagibig. Di ibig sabihin na mahal ka niya, di ka na niya kayang saktan. Ganun naman talaga ang buhay eeh. ANG MASAKTAN.

Bitter ba pakinggan? Pero para sakin, hindi bitter yun kasi lahat ng mga sinabi ko ay totoo. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng magmahal. Sana magka amnesia nalang ako para makalimutan ko lahat ng sakit ng naramdaman ko. Pero hindi lahat ng gusto ko ay natutupad. Katulad na din sa mga taong gusto ko, di rin ako yung taong gusto nila. Teka, ba't napunta sa pagibig yung usapan? Dapat nagpo-problema ako kung paano ako uuwi.

After a few minutes na kinakausap ko sarili ko, napagpasyahan kong tawagan si Kuya ko.

Kringg~ Kringg~ Kringg~ (A/N: ringtone po yan. xP)

"Ano problema mo, Upuan?" unang sinabi ni Kuya sakin.

"Wow, Hi Kuya. Musta na? Wala man lang bang 'Hello'?" sarcasm kong sagot.

"Wala akong time para mag 'Hello'. Ano problema mo? Ba't ka napatawag?"

"Busy? Trip ko lang tumawag." sabi ko with peace sign kahit di nya kita.

"Hay naku kang bata ka. Ba't ka pa tumawag kung wala ka palang kailangan? Busy ako."

"Naman. Si kuya oh. Sorry kung tumawag ako pero may problema kasi ako eeh."

"Ano nga problema mo. Tsaka bilisan mo kasi may Customer akong kausap."

"Ehh, kasi. Wala akong payong na dala. Nakalimutan ko tignan yung weather kaninang umaga. Kaya ayun." sabi ko with pout na parang bata.

"Oh, Tapos? Ano gagawin ko?" Sarcastic na sagot ni kuya.

"Hay naku si Kuya. Ano pa ba? Edi sunduin mo ako dito sa school." Sabi ko sabay lapad na ngiti.

"Kasalanan ko pa ba na di ka naka dala ng payong? Ayoko nga. Tumakbo ka nalang."

"Naman oh." with pout. "Nahulog ako sa hagdanan kanina kaya di ako makatakbo. Please. Sge na kuya. Kahit ngayon lang." with duck face.

"Ha? Nahulog? Bakit? Ano nangyari? Ba't ka nahulog?" pagaalalang tanong ni kuya. Hahaha. Natatawa ako kay Kuya. Di naman totoo yung sinabi ko pero ganyan na sya kung makapag react. Nagsinungaling lang ako para sunduin nya ako. Pinaka ayaw ni Kuya yung nasasaktan ako kaya sya lagi yung resback ko pag nasaktan ako. Mahal na mahal kasi ako ng Kuya ko eeh. Sya na kasi ang tumayong Nanay at Tatay ko mula nung sumalangit na sila mama at papa.

"Mamaya ko na iexplain kung susunduin mo ako dito."

"Sige. Hintay ka lang dyan. I'll be there in 10 minutes."

"Ok po. Ingat." Inend call ko na.

Di talaga ako matitiis ni Kuya. Sobrang maalaga nya sakin. Mas maalaga pa sya sakin kesa sa mga EX Boyfriends ko dati na niloko lang ako. Di naman kasi porquet gwapo na sila, kaya na nila manloko. Kahit gwapo, maganda o panget, payat o mataba man, dapat di sila nanloloko ng mga tao. Dapat di nila pinapaasa yung mga taong seryoso magmahal. Kawawa naman yung mga taong seryoso magmahal, laging nasasaktan. Tulad ko.

By the way, Ako nga pala si Cecil. Short for Cecilia Kyle Videl Cain. 19 years living in this world. Tinatawag ako ni Kuya na "Upuan" kasi 'Cilia' pangalan ko na katunog ng 'Silya' as in Upuan. In english 'Chair'. Tinatawag nya akong 'Upuan' kung wala sya sa mood. Nakakainis nga na tinatawag nya ako ng ganyan. Yan kasi yung panunukso nila sakin nung elementary pa ako. Pero minsan pag nasa mood si Kuya, tawag nya sakin ay 'Lia'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I WISH THATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon