Chapter 1

20 3 0
                                    

"Tay tulong po.."

sigaw nito habang hinihila ang patay na katawan ng lalaking nkita sa dalampasigan.
Lumabas naman ang ama nito sa bahay at laking gulat sa knyang nkita.

"Susmaryusep anak! Ano ba iyang ginagawa mo? At sino itong lalaking ito?" Tanung nito na mukhang di mapakali

"Tay, mamaya ko na sasagutin
yang mga tanung mo. Tulungan niyo ho muna ako."

Tinulungan nman ng matanda ang kanyang anak hanggang sa maipasok ang binata sa loob ng bahay nila at inihiga ang katawan nito sa mhabang upuan ng gawa sa kawayan.

"tay, siya ho si Dylan Ford. Anak ng isa sa pinakamayaman na negosyante dito sa pilipinas. At hinahanap ang nawawala niyang ktawan at kung sino daw ang makakakita nito ay may pabuyang dalawang milyong dolyar." Aniya nito

Napasinghap nman sa gulat ang matanda.

"Napakalaking pera nman niyan anak. Pero d natin kelangan ang perang iyan sa pagsasauli lamang ng bangkay ng isang tao. Mas maganda iyong magkakaroon tau ng ganyan kalaking pera mula sa dugo't pawis natin. Hindi sa paraang ganito."

Hindi na lamang umimik si Sheila. Dahil may punto naman ang kanyang ama. Ngunit kelangan niya ang ganong kalaking pera para maipagamot ang kanyang itay.

Kumuha siya ng puting kumot at itinakip ito sa patay na katawan ng binata. Ng magpaalam ang kanyang itay upang mangisda. Ayaw na sana niya itong pagtrabahuin pero di pumayag ang matanda dahil daw malakas parin daw ito.

Habang kinukumutan niya ito ay di niya maiwasang mapatitig sa gwapong mukha ni Dylan. Nasabi niya sa isip niyang, "sana buhay pa ito at mahalin siya." Natawa naman siya sa naisip niya. At naisipang kumuha ng damit at palita ito dahil madumi na ang damit nito baka kapag kinuha ng kamag anak nito ay magalit dahil sa maduming hitsura ng kanilang anak.

Pinalitan niya ito ng mga damit habang pumipikit ang kabila niyang mata. Hanggang sa ibaba. Ngunit d niya naman ito inalisan ng boxer. Only the pants.
At ng mabihisan na kumuha siya ng naligamgam na tubig at pinunasan ang katawan nito.
Napamura siya sa kanyang isipan.
Tangnaman napaka macho mo pala. Sabay hagikhik nito.
Ng matapos na niya lahat ay tinignan niya ang binata at nagsalita.

"Alam mo d kana mukhang patay tulad noong kanina. Haha pasalamat ka sa akin. Kahit papaano ay tumino narin ang gwapo mong mukha." Sabi nito
Nang kukumutan na sana niya itong muli ay agad na dumilat ang lalaki.

Nagulat naman ito at napaatras sabay sumigaw ng

"AHHHHH!!! TULONG!!!!" Hanggang sa mamaos ngunit ni isa walang nakarinig sa kanya dahil nalalayo ang mga bahay bahay sa kanila.

Dylan Ford's CorpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon