Kinabukasan.........araw ng Linggo.
Maaga akong nagising.
Si Dianne pala sinamahan akong matulog kagabi kahit na sinabi ko naman na hindi ako natatakot pero nagpumilit syang samahan muna ako. Pinayagan ko na rin para walang makulit.
Napag-usapan namin kagabi na sasamahan niya akong mamili ngayon ng mga gagamitin ko at mga pagkain.
Ginising ko na din siya para makapaghanda at maaga kaming makapamili.
Nagpa-service na kami ng tricycle kung maghihintay pa kasi ng kasabay e matatagalan pa. Sayang naman ang oras ng pag-eenjoy.
At dahil na rin sa taga rito siya, iginala niya ako at kung saan-saan iniikot para naman daw makapamasyal na din ako.
Grabe ang energy ng babaeng ito, parang hindi nauubusan; parang kiti-kiti na nga sa likot; parang batang ngayon lang ata nakapamasyal.
At dahil nga sa napagod na ako sa kakaikot, inaya ko na siyang kumain muna para na rin makapagpahinga ako.
''Ate, ba't hindi ka natatakot sa multo?'' Gulat ko naman sa dami ng pwedeng itanong e yun pa talagang tungkol sa multopa.
''Hindi pa kasi ako nakakakita.''
''e kung makakita ka?... maniniwala ka na?''
Parang hinhamon ata ako nito ah?
''ewan ko malalaman ko yan pag nakakita na ako''
Bigla ko tuloy naisip yung nangyari kagabi.
''sino nga pala yung sinasabi mong Tata Rado kagabi?'' bigla kong naitanong kay Dianne.
''Kilalang albularyo sa amin yun. Mahusay talaga sya, ispiritista din yun'' sagot niya sken.
''Pa'no mo nasabibg mahusay?''
Para tuloy gusto kong makilala at makita ang taong yun. Parang gusto ko kasing makakita ng mga sapi-sapi... yung nasasapian ba?.... Feeling ko kasi arte lang yun ng iba...at sinasamantala ng mga albularyo o ispiritista.
''Bakit magpapatingin ka o magtatanong tungkol dun sa nangyari sa'yo kagabi?..... oo, sige, itanong mo ate kung totoo yung pag gutom e kinukuha ng multo yung ispiritu.'' nakakatawa talaga siya.
'' nagpapapaniwala ka sa mga yun.... hindi totoo yun... naghihintay lang ng bayad ayaw kasing magtrabaho ang mga ganong tao''
'' Hindi!... talagang magaling sya at totoo sya...promise.'' pagtatanggol pa niya. Parang pinupromote lang!
BINABASA MO ANG
THE ATTIC (completed)
Paranormalin my extraordinary eyes BOOK 1 The story of this book is all about a woman who has given a gift from a stranger.............a third eye. And she not only see them but she also experienced them, she can see them, she feel what they feel, she can h...