POINT OF VIEW:
KEN PAOLO SUAREZ
Sorry. Kahit anong gawin natin, wala pa ring kwenta. 'Di talaga tayo para sa isa't isa. Tama na.
Yun ang huli kong narinig noong huli kaming nagkita. 'Di ko maintindihan ang nararamdaman ko noon. Halos ikabagsak ng buhay ko iyon. Siya na lang kasi ang nasa tabi ko noon. Noon 'yon.
Ako si Ken Paolo. Bigla kong naalala ang mga katagang 'yon habang nanonood ako ng telebisyon at ipinakita ang isang telenobela sa patalastas. Natawa na lang ako noong naalala ko kung gaano ko siya kamahal noon. Si Cyrille. Isang kababata, classmate ko mula elementary hanggang high school, naging mag-bestfriends kami, na nauwi rin sa childhood sweethearts. Masaya naman kami noong una, hanggang sa nagkaroon na kami ng problema. Akala namin ay nasolusyunan, ngunit lumala ito nang lumala, hanggang sa umabot sa panahon na nawala na siya sa akin. Pagkatapos nun, nawala na ang lahat. Nahirapan akong mag-adjust pero naka-survive naman ako pagdating ng huli. Pagkatapos ng tatlong taon, maayos na rin ako. E siya kaya? Kamusta na kaya siya?
Wala na akong narinig dito simula noong kami ay naghiwalay. Ano na kaya ang pinagkakaabalahan nya ngayon? Nasaan na sya? Doon pa rin kaya siya? Panigurado, oo, andun pa rin sya. Maliban na lamang kung tumigil sya sa pag-aaral.
"Jed, sa tingin mo, kamusta na si Cyrille?"
"Ken, ano? Siya nanaman? Akala ko ba naka-move on ka na sa kanya? Tama na dude, di na uso martyr ngayon. Tatlong taon na ang nakalipas eh! Ibaling mo na lang sa mga babae mo yang pagkahumaling mo."
Si Jed, ang naging kasangga ko nung maghiwalay kami ni Cyrille. Hindi niya kilala ito, pero kung magbigay siya ng advices eh parang kilala nya.
"Alam ko, tinatanong ko lang naman. Syempre, iniisip ko na lang ang kalagayan nya ngayon. Kung maayos lang sya," tugon ko. "Parang may gusto kang ipahiwatig, dude. Alam ko, may gusto kang gawin," sabi naman ni Jed sa akin, na may halong pagdududa.
"Oo. Gusto ko siyang makita. Gusto ko rin sya makausap."
"WHAT? E bakit? Para saan? Para sabihing mahal mo pa rin sya? Ang corny mo ah!" Panay na naman ang banat ni Jed kay Ken. Sermon, pep talk, lahat na.
"Hindi. Hindi ko na gusto si Cyrille," mariing sabi ko.
"Patunayan mo sa akin yan. Tignan mo nga ngayon, wala ka pa ring matinong relasyon simula nang magbreak kayo. Puro ka na lang paglalaro." tugon ni Jed, na para talagang naghahamon.
"Ewan. Parte na ata ng buhay ko yon, Jed, sabi ko. "Sus. Tatlong taon na nakalipas, di ka pa nagkakaroon ng matinong girlfriend. Di ka ba nagsasawa?"
Oo nga, tama siya. Apat na taon na ang nakalipas noong huli akong manligaw nang matino. Sa loob ng apat na taon na yun ay isang taon naging kami ni Cyrille. Ang natitirang tatlo, ginugol ko sa pagiging playboy ko. Nang maisip ko iyon, hindi ko na alam ang gagawin dahil hindi na rin ako marunong manligaw.
"By the way Ken, magpapakilala ka ba dun sa chicks sa minor subject natin?" natatawang sabi ni Jed. "meron ba? Di ko alam yun ah. Pero, ewan, Jed. Parang wala ako sa mood."
"Magpapakilala ka ba? O uunahan na kita?" tanong ni Jed. "Bahala ka."
Makalipas ang isang linggo, minor subject na namin. At tama nga si Jed, kaklase nga namin yung magandang chicks sa school. Oo, maganda siya, pero wala talaga akong makitang ikagugusto ko sa dalaga. Natapos na ang klase namin, nilapitan namin ito ni Jed. "Hi miss!" agad ang sigaw ni Jed habang papalapit sila.
BINABASA MO ANG
SHOOTING STARS
Teen FictionMeet Ken, isang napakadakilang playboy na minumulto ng nakaraan niya kay Cyrille, ang kanyang ex-girlfriend three years ago. Ngayong nagbalik ito, ito na kaya ang makakapagpabagong muli sa kanya? O ito pa ang magpapalala sa kanya?