POINT OF VIEW:
KEN PAOLO SUAREZ
“I'd rather have bad times with you, than good times with someone else..”
Tumugtog ang kantang I’d Rather, habang nag uusap kami ni Jed. “Mahal mo pa sya 'no?” tanong ni Jed sakin. “Di ko alam dude,” tugon niya. “Kitang kita naman sa inyo e, kapwa nangungusap ang mga mata nyo ni Cyrille, at hindi maipagkaila yun.” “Oo na, oo na.. Huli mo na ako dun. Paano ba ang gagawin ko? Parang mahal ko pa rin sya na hindi, pare.”
“Ang gulo mo Ken! Mahal na hindi? Ano yun? Baliw ka ba?” galit na tanong sa akin ng aking kaibigan.
“Kasi, parang bumabalik yung galit ko sa kanya nung iwan nya ako dati. Pero parang nangingibabaw sa akin yung kasabikan nung nakita ko sya,” paliwanag ko sa kanya.
“Natural lang yun, dude. Ngayon mo lang kasi sya nakita pagkalipas ng tatlong taon, pagkatapos ka nya iwan,” paliwanag ni Jed.
“Hindi ko rin kasi lubos akalain na iiwan nalang nya ako sa ere pagkatapos ng pagpoprotekta ko sa kanya, sa pamilya nya, at sa pamilya ko. 'Di ko alam.” Sumbat ko.
Biglang nag flashback sa akin ang pangako namin sa isa't isa.
“Kaya ba natin harapin lahat ng problemang ito?”
“Oo naman, kaya natin 'to, basta't magkasama tayo,”
“Kahit tutol pa ang magulang mo at magulang ko sa relasyon natin?”
“Oo naman, kahit tutol pa sila sa atin, ayos lang!”
“Thank you Ken, hindi ko aakalain na ganun mo ako kamahal. Maraming salamat sa'yo Ken. I love you.”
Biglang napuno ng galit ang nararamdaman ko. Parang sasabog ako at napasigaw sa sobrang galit. Hinayaan lang ako ni Jed dahil alam nito ang pinagdadaanan ko. Alam ni Jed na mahirap ang bawat sandali na maaalala ko ang nakaraan, dahil pinilit kong itago iyon at kalimutan sa loob ng tatlong taon. At sa isang iglap, biglang nagmulto sa akin ang lahat ng ito.
“Ken, gimik tayo, may nag imbita sa akin sa isang club e,” aya ni Jed.
Dati, hindi ako sumasama sa kanya sa mga gimik na ganon. Pero ngayon, hindi ko na inintindi ang sinabi nito at um-oo na lang ako. “Seryoso ka dyan?? Yes! Sa wakas! Pumayag din sya! Yahoo!” laking tuwa ni Jed.
“Sino ba yung nag imbita sayo?” tanong ko sa kanya.
“Sikreto na lang yun pare. It's for me to know and for you to find out..” sagot nya.
Sino kaya yun?
***
Noong Third year High School pa kami ni Cyrille, sobrang lapit namin sa isa’t isa. Malimit kaming kinakantiyawan ng mga kaklase namin dahil para na raw kaming mag nobyo at nobya. Kantiyaw dito, kantiyaw doon. Hindi naman namin masyadong pinapansin dahil alam naman namin na mag ‘bestfriends’ lang talaga kami.
“I love you Ken! Hahahahaha!”
“I love you too Cyrille! Hahahahaha!”
Pinagtatawanan lang namin yang mga yan noon. Hanggang sa napag isipan namin na, itaas pa namin ang relasyon namin sa pagiging mag nobyo. Masyado kaming mapusok noon. Akala namin kasi, para lang manatili yung pagkakaibigan namin kaya namin ginawa iyon. Ngunit, akala lang pala namin iyon.
Saka lang namin napagtanto ang lahat na malaking pagsubok pala ang pinasok naming dalawa noong umabot sila ng anim na buwan. Tumagal pa kami ng higit sa walong buwan na hindi birong abutin lalo sa edad namin. Pero lahat ng nararamdaman ng nasa relasyon na tumatagal ng dalawang buwan ay ngayon lang namin nararanasan. Minahal ko na rin si Cyrille nang higit sa pagkakaibigan, at gayun din si Cyrille sa akin. Akala namin, okay na ang lahat. Di pa pala.

BINABASA MO ANG
SHOOTING STARS
Roman pour AdolescentsMeet Ken, isang napakadakilang playboy na minumulto ng nakaraan niya kay Cyrille, ang kanyang ex-girlfriend three years ago. Ngayong nagbalik ito, ito na kaya ang makakapagpabagong muli sa kanya? O ito pa ang magpapalala sa kanya?