Four.

29 0 0
                                    

POINT OF VIEW:

KEN PAOLO SUAREZ

Hindi kami natuloy sa pagpunta sa mall, at nagsarili kaming gala ni Cyrille. Hindi ko na rin pinapunta yung girlfriend kong 'kuno' na si Bea. Baka madismaya lang ang bestfriend ko. Oo, bestfriend ko lang si Bea. Nagselos nga ako, diba? Ayoko magsama ng kung sino mang babae, kasi aside kay Cy, kay Bea lang ako kumportable. At, pinagseselos ko lang talaga si Cyrille. At minsan, napipilitan lang ako sumama sa ibang babae, kasi nga, may mga kuya silang siga. -____-

Maya-maya lang, pakiramdam ko, may nakasunod sa amin na kung sino. Feel ko, kilala ng isa sa aming dalawa.

"Ken, tokneneng, gusto mo?"

"Sige lang, Cy, bili ka, hintayin kita rito."

Habang nagmamasid ako kung nasan na yung sumusunod sa amin, biglang may nagtakip ng aking mata.

"Cy.." sabi ko, "di magandang biro yan ah, sabi mo bibili ka ng tokneneng? Sige na bumili ka na."

"Puro ka Cyrille eh! nakakaselos na bes."

"Bea?"

Tinanggal niya ang takip sa aking mata. Si Bea nga, nakasimangot, nang bigla-biglang ngumiti at nagsabing, "Joke lang!"

Kakaiba talaga to si Bea. Di ko na rin siya maintindihan minsan. Palagi niya na lang ako sinusundan. Parang baliw na eh. Di kaya mahal na nya ako? Hmm. Nah.. Hindi. bestfriend lang talaga ako nito.

"Anong ginagawa mo dito Bea? Diba sabi ko, kuwentuhan na lang tayo mamaya sa bahay eh.."

"Di ako mapakali sa bahay eh, boring dun. Teka, asan si Cyrille? Gusto ko siya makitaaa~" sabi niya with a glad tone.

"Ayun, nabili ng tokneneng. Gusto mo punt--"

"Sinong pupuntahan niyo?"

"Si Cy-- ANAK KA NG TOKWA!" Si Cyrille na pala yung kausap ko. Buwisit. nakakagulat naman eh! -_____-

"Ah, eh, este, ikaw. Cyrille naman eh! Wag ka naman naggugulat!"

"Bakit, may ginagawa ka bang masama?"

Kastress naman, oo nga naman! Wala naman akong ginagawang masama ah. O.O

"Ahh, wala. Hehe. Uy, Cyrille, si Bea pala, gusto ka daw niya makilala. Bea, this is Cyrille Tolentino. My Friend."

FRIEND nga lang ba talaga? Whoooo Ken. -___-

"Girlfriend mo?" tanong ni Cyrille sa akin.

At dahil sa pilyo ako, "OO" ang sagot ko. >:D

"Oh, sya pala yung niyaya mo." Is it just me, or malungkot talaga yung pagkakasabi niya nun?

"Oo eh. Hehe, medyo makulit nga eh, sabi ko pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila mamaya kaso nasundan ako. Dibadibs baby?"

"Ah, oo. Ayoko kasi sa bahay maghintay, nakakabagot. Ikaw naman kasi, ang tagal mo," sakay ni Bea sakin. Isa pa to. Namumula ba siya? Imahinasyon ko na naman ata.

"Ah, okay.. Buti masaya ka dyan sa kaibigan ko. Di ka ba niloloko niyan?" sabay ngiting-aso sa akin.

Buwisit, kahit kelan, hindi talaga mawawala sa kanya ang pagiging alaskadora nya. -____-

"Masaya naman kami eh, don't worry! Hehe." Yan na lang nasabi ko sa kanya.

Nawalan na rin ako ng gana na gumala pa kaya inaya ko na umuwi si Bea.  "Baby, hatid na kita, feel ko naboboring ka na eh, balik na lang ako agad ater kong ihatid si Cyrille," sabi ko. "O sige baby, medyo inaantok na rin kasi ako eh, napagod ako kakahanap sayo," tugon niya.

----

Change of POV:

CYRILLE TOLENTINO

Haaaay. Haaaaaay. Haaaaaaaaaaaaaay. -____-

Akala ko solo ko na si Ken. Biglang dumating yung girlfriend niyang si Bea. Kakainis! Haaay. Well, kaibigan ka lang kasi Cyrille, tanggapin mo na. Sarap mo kutusan eh. -___-"

Kakahatid lang namin kay Bea. May pahalik-halik pang nalalaman to si Ken! May first kiss na kaya 'to? Si Bea naman, halatang kilig na kilig. Helloooooo? May kasama po kayo dito! Wag po kayo PDA (Public Display of Affection)! -__-

"Ano, Cyrille, tara na?"

"Tara na, hatid mo na ako sa amin." 

O_o

WHAT DID I JUST SAID? -_____-

"Weh? Di nga? Di kaya ako tagain ng magulang mo?"

"Hay naku, ano ba nakain ko at nagpapahatid ako sa'yo. Wag na nga."

"Eh bakit? Dati ko na rin namang ginagawa yun sayo diba?"

"Eh, basta. Wag na. Ako na bahala sa sarili ko. Dyan ka na lang sa Bea mo." 

"Sige na, hahatid na kita. Hindi ako nakikiusap, pinapaalam ko lang sa'yo."

Ang arogante talaga nya grabe! -____-"

Habang naglalakad kami pauwi, panay ang tingin sa kanya ng babae, habang siya eh, wala naman sa kanya. Ganun na ba siya kagwapo ngayon? 

Oo. Gwapo siya, mas gwapo siya ngayon. Pero di ko alam na ganun kagwapo.

Naalala ko bigla yung dating Ken na best friend ko. Siya yung tipong nerd pero bully rin. Yung maginoo na bastos. Lahat talaga nagcocompliment sa pagkatao nyang halos perpekto. Napakasakit lang na kailangan ko siyang iwan noon, sobrang sakit kasi nakipaghiwalay ako sa kanya kahit iba ang dahilan, kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin siya, magpa sa hanggang ngayon. :'(

Nasa tapat na kami ng bahay. Nagpaalam na ako sa kanya nang biglang----

*o*

Niyakap niya ako. I've never felt this for so long. Yung saya, yung feeling ng butterflies sa stomach. Yet.. May iba. Nag-iba bigla yung pakiramdam ko. Then, I felt my shoulders getting wet..

Naiyak si Ken.

For so long, ngayon ko na lang talaga naramdaman yung emotion ni Ken habang naiyak. Sa pagyakap nya sakin, naramdaman ko bigla yung nasa puso niya. Naramdaman ko yung sakit. Yung sakit na kinimkim niya para sa akin sa loob ng tatlong taon.

"Ken, bakit ka naiyak?" tanong ko, to confirm what's inside my mind.

"Cy, hindi ko alam eh. Mahal pa rin ata kita. Mahal na mahal."

At dahil dun, naiyak na rin ako.

Now Playing: Why Can't It Be by 3rd Avenue

"Why can't it be? why can't it be the two of us?"

Magkayakap lang kami the whole time.

"Why can't we be lovers? Only friends?"

Gusto ko bumitaw sa yakap na ito. Ayoko na. Sobrang sakit. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi siya ng totoo..

"You came along at the wrong place, at the wrong time.."

Masakit kasi.. He became a playboy. Still, I love him.

"Ken.. stop this. Please. Tell me that you're joking, that you're just playing tricks on me.."

Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap at tumitig sa akin, habang hawak pa rin niya ang magkabilang balikat ko.

"Stop this. Sige na, papasok na ako sa loob," sabi ko.

Naglakad na ako papasok sa bakuran,but before I open the door, I looked back to him, at nakita ko na siyang naglalakad paalis.

I thought, sincere siya. I never thought it would be heartbreaking. I never thought that this would be heartbreaking.

"You came along at the wrong place, at the wrong time...

...Or was it me?"

Ken Paolo Suarez... Mahal din kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHOOTING STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon