SKYLAR'S POV
"Busy ka naman dyan sa pagbabasa"
"Pwede ba tigilan mo ko =__="
"Oh! Chill ka lang Skylar"
Di ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.
"May dala kang compass?"
"Wala"
"Kailangan mamaya yun meron ka pang extra?"
Meron ba kong compass na dala? ._. Patay wala ata akong dala.
Umiling na lang ako kay Damon.
"Tsk! Tsk! Tsk! No tools absolutely absent pa naman ang motto ni architect" umiling iling pa nyang sabi.
"Asar naman oh meron ka pa ba Damon?"
"Ano ba sinabi ko sayo kanina? Tsk! Makaalis na nga at maghahanap pa ko ng mahihiraman"
Pagkasabi nya nun umalis na siya agad. Makabili na nga lang sa canteen siguro naman mayron pa doon.
Kung minamalas ka nga naman nagka-ubusan pa. Kanino naman ako pwede manghiram? Wala naman akong iba pang kakilalang mahihiraman dito kundi mga classmate ko lang tas panigurado gagamitin din nila yun. Naman oh bakit ngayon pa?
Nakarating nalamang ako sa room ng walang hawak na compass. Nagmadali akong kunin ang gamit ko para umalis na at baka sermonan pa ko dito ng mabait naming prof.
"Ay anak ng...argh!" nahulog pa yung ballpen ko. Naman oh MALAS!
Yumuko na ko at kukunin na yung ballpen ng magsalita yung isang student nakaharap ni sir kanina nakinatuwa ko.
"Sir yung compass ko di niyo na po naibalik sakin kanina"
Compass? "Aray!" dahil sa pagmamadaling tumayo ayun na untog tuloy.
"Geez! Mag-ingat ka nga sa susunod. Nasasaktan yung mesa eh"
"Salamat ha. Napaka-caring mo sa mesa at hindi sakin Damon"
"Welcome" at pinagpatuloy na nya yung ginagawa niya kanina.
Nakita ko pang nasa may pinto pa yung lalaki. Lumingon siya kay Sir at nagpaalam bago umalis.
>///< kyaaa bakit siya pa?
Huwag na nga lang manghiram. Napalingon ako kay Damon na-alala ko yung sinabi niya kanina. Ano ba Skylar? Hihiramin mo lang naman eh. Hindi ka naman magtatapat sa kanya.
Breath in! Breath out! Kaya mo to Skylar!
Sinundan ko na siya at tinawag pero sawi hindi lumingon.
"Kuya! Kuya!!" tawag ko doon sa lalaking lumabas kanina sa room.
hinga ng malalim...
"KUYA!!!" hindi na ko nakatiis sinigawan ko na siya. At salamat naman lumingon siya.
Tsk! Mayroon palang nakasuksok sa tenga kaya hindi niya ko marinig kanina.
Lumingon siya sa kaliwa't kanan at sabay turo sa sarili niya. "Ako ba yun miss?"
Syempre ikaw lang naman ang tao dyan di ba? Pwera nalang kung may nakikitang kang iba. Iyan dapat ang sasabihin ko sa kanya pero wag na lang.
"Ou eh. Pwede ko bang mahiram yung compass mo?" tanong ko sa kanya. Sa sobrang hiya eh nakayuko lamang ako habang sinasabi iyon.
Narinig ko na lang na may bumukas na zipper tsaka may inabot sa akin.
"Oh ito..." kinuha ko naman.
"Sa-salamat." shocks di ako makatingin sa kanya. >///<
"Ibabalik ko rin ito sayo pagkatapos kong gamitin." and again nakayuko lang ako.
"Anung oras naman?" tanong niya sa akin.
"Ah.. eh..." anung oras ba kami matatapos sa subject na yon?
"May cellphone ka naman di ba?" tanong ko sa kanya.
"Ou naman."
"Kunin ko na lang number mo. Text na lang kita pag natapos ko ng gamitin tong compass mo." Kinuha ko yung cellphone sa bulsa sabay abot sa kanya. Kinuha naman niya at pinindot na yung number niya.
"Ayan save mo nalang." abot niya sakin nung cellphone ko.
"Pangalan?" kahit alam ko naman.
"Cody." and then he smirk. Napatingin ako sa kanya OMYGULAY!!!
"Okay. Cody." pipindutin ko na sana eh bigla siyang nagsalita.
"Sige kaylangan ko ng umalis" sabay talikod niya sakin
"Ah eh salamat ulit"
Bumalik ako sa room ng tuwng tuwa. At dahil inspire ako ngayon ako ang highest sa drawing namin ngayon hihihi ^____^. Hindi pala ako minamalas sinuwerte pala ako.
THANKS FOR READING THIS
VOTE.COMMENT.