PROLOGUE
"Kuya! Kuya!!" tawag ko doon sa lalaking lumabas kanina sa room.
hinga ng malalim...
"KUYA!!!" hindi na ko nakatiis sinigawan ko na siya. At salamat naman lumingon siya.
Tsk! Mayroon palang nakasuksok sa tenga kaya hindi niya ko marinig kanina.
Lumingon siya sa kaliwa't kanan at sabay turo sa sarili niya. "Ako ba yon miss?"
Syempre ikaw lang naman ang tao dyan di ba? Pwera nalang kung may nakikitang kang iba. Iyan dapat ang sasabihin ko sa kanya pero wag na lang.
"Ou eh. Pwede ko bang mahiram yung compass mo?" tanong ko sa kanya. Sa sobrang hiya eh nakayuko lamang ako habang sinasabi iyon.
Narinig ko na lang na may bumukas na zipper tsaka may inabot sa akin.
"Oh ito..." kinuha ko naman.
"Sa-salamat." shocks di ako makatingin sa kanya. >///<
"Ibabalik ko rin ito sayo pagkatapos kong gamitin." and again nakayuko lang ako.
"Anung oras naman?" tanong niya sa akin.
"Ah.. eh..." anung oras ba kami matatapos sa subject na yon?
"May cellphone ka naman di ba?" tanong ko sa kanya.
"Ou naman."
"Kunin ko na lang number mo. Text na lang kita pag natapos ko ng gamitin tong compass mo." Kinuha ko yung cellphone sa bulsa sabay abot sa kanya. Kinuha naman niya at pinindot na yung number niya.
"Ayan save mo nalang." abot niya sakin nung cellphone ko.
"Pangalan?" kahit alam ko naman.
"Cody." and then he smirk. Napatingin ako sa kanya OMYGULAY!!!
"Okay. Cody." pipindutin ko na sana eh bigla siyang nagsalita.
"Sige kaylangan ko ng umalis" sabay talikod niya sakin
"Ah eh Salamat ulit"