SKYLAR'S POV
Nandito ako sa shed at iniintay si Cody. Sabi niya kasi dito daw niya kukunin yung compass niya. Makikita ko na naman siya di ko mapigilang ngumiti.
"HOY!"
"Anak ng.."
Sinamaan ko agad ng tingin si Damon.
"Kung yang pagtitig mo nakakamatay, paniguradong patay na ko."
"Kung pwede nga lang sana 'nu edi patay ka na nga talaga."
Hindi na siya umimik pa at umupo nalang sa tapat ko. Nakatitig ako sa cellphone ko iniintay ang text ni Cody.
"Sino naman yan? May iniintay kang magtext?" sabay kagat sa banana que nya.
"Yung hiniraman ko ng compass kanina."
Kung i-text ko nalang kaya sya ulit? Pinindot ko na yung messages ko at magta-type na ng biglang may sinabi si Damon sa'kin.
"May quiz daw sa trigo mamaya, nakapag-review ka na?"
Napatigil ako sa ginagawa ko. Bakit naman biglaan?
"Ah, di ka nakapag-review. Sige good luck nalang sayo mamaya."
Tatayo na dapat siya nung bigla kong hawakan ang bag nya.
"Uy Damon turuan mo naman ako dun. Wala akong alam na may quiz ngayon."
Bat kasi sa lahat ng makakalimutan mo Skylar yung quiz pa sa laging nagbabagsak na prof? Tinitigan nya muna ako pagkatapos e sa relo naman nya.
"Tara sa lib malamig dun. Meron pa tayong one and a half hour para makapag-review."
"Di ba pwede dito? Ibabalik ko pa yung compass e."
"Bahala ka na dyan. Basta ako sa lib ako magrereview."
Tumayo na sya at umalis sa harapan ko. No choice talaga ako dito itetext ko nalang si Cody na di ko ito maibibigay ngayon at mamaya nalang.
"Basta tandaan mo lang yung soh cah toa."
"Okay sige sige."
"Fast learner ka naman pala e. Punta na tayong room."
Madali dali pa pala ito kaya yan. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko umalis na kami.
"Ano nga bang room natin dun?" Tanong ko kay Damon.
"305."
Tipid nyang sagot sakin. Si Damon ang una kong naka-usap at ka-close sa room namin. Hindi ako friendly at sya din naman kaya siguro kami naging magkaibigan dalawa. Matangkad sya at ako naman ay maliit. Minsan nga e nakatingala akong kausap sya. Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin nung isang araw.
●
"San ba tayo kakain? Gutom na gutom na ko!" Reklamo ko sa kanya. Kanina pa kami naglilibot kung san pwedeng kumain. At dahil dito nag-high school si Damon madami syang alam na makakainan.
"Ikaw liit manahimik ka nalang ha. Kapag ganitong maraming kumakain dito sa mall tayo didiretso."
"Wala akong perang pang mall!"
Tinitigan ko sya ng masama. E talaga naman wala akong pera pang mall gusto kong magtipid. At ito namang si Damon nakipagtitigan din sakin. Isang minuto akong nakipagtitigan sa kanya at ako ang unang bumigay. Nakakangawit tumingala ang tangkad kase.
"Sakay na ng jeep ako na bahala sa pagkain." Ano daw?
"Pero ikaw magbabayad ng pamasahe natin."
•
"Baliw."
"Huh?"
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Wala."
Tapos na ang quiz namin. Salamat sa Diyos at nakaraos ako.
"Pano ginawa mo sa number 3? Ang hirap! Dalawa ang hinahanap!"
Ganyan halos maririnig mo sa kanila. Medyo mahirap ang quiz namin kanina at halos lahat parang mga ewan. Pero tignan mo 'tong si Damon parang walang pinagdaanan na quiz.
"Tara kakain!" Aya sa'kin ni Damon
"Game basta ba libre mo e." nakangiti kong sabi sa kanya. Yes libre na naman.
"May pera ka kaya bumili ka." Kuripot nito. Bigla ko namang naramdam ang pag-vibrate ng cellphone ko.
From: Cody
Kita nalang tayo sa shed. Need ko yung compass ko. Thanks :)
Si Cody kailangan na nya yung compass.
"Damon!"
"Oh?"
"Daan tayo sa shed may iaabot lang ako." Tumango lang sa'kin si Damon.
"Kuya!"
Tawag ko sa kanya kahit malayo palang ako. Nandun sya nakaupo kasama ata ang mga classmate nya.
"Uy 'kaw pala." Ngumiti sya sa'kin at ako naman nginitian ko sya.
"Hi! Ito na nga pala yung compass."
Inabot ko sa kanya yung compass.
"Thanks ulit." Sabi ko.
"No problem."
"Cody!" Sabay kaming napatingin ni Cody sa babaeng tumawag sa kanya.
"By!" Sagot ni Cody sa kanya.
By? As in Baby? Naningas buong katawan ko or should I say di ako nakakilos. Di ko alam kung ano ang ire-react sa nangyare. Nakita ko nalang si Cody na kumaway sa'kin at pinuntahan ang babaeng tumawag sa kanya.
Sobrang tamlay ko hanggang sa pag-uwi. Kasabay ko nga pala si Damon pag-uwi lagi kaya napagkakamalan tuloy kaming magsyota nito.
"Pwede bang umayos ka."
Sinulyapan ko lang sya at agad na binalik ang tingin ko sa daan. Pano ba naman kase ang upo ko talagang sakop yung upuan ng jeep para lang makaharap sa bintana.
"Hindi lang ikaw ang uupo 'no!"
Wala akong pake! Tsaka ang lawak pa ng space dito sa Jeep. Sinong engot ang tatabi sa'kin?
Matagal ding hindi nakaimik si Damon. Buti naman kung ganun. Feel na feel ko ang hangin na humahampas sa mukha at kulang nalang ay kanta at para na 'kong gumagawa ng musiv video ng pang senti.
"Malapit ka ng bumaba."
Tumingin ako sa paligid kung dito na ba talaga pero hindi pa naman.
"Pfft!"
Arrrrg!! Damooooon!!!
Hinampas ko sya ng bag ko. Isang barangay pa bago ako baba. Ang layo pa.
"Feel na feel mo ang hangin Sky hahaha."
"Damon naman e."
Tinigil ko na ang paghampas sa kanya at ako din nahawa sa pagtawa nya. Ibang klase naman kase ang tawa, wagas kung wagas. Di ko maiwasang di mapatitig sa kanya. Ang tagal na namin magkasama halos dalawang buwan na pero ngayon ko lang sya nakita ganito kung tumawa.
"O bakit Sky?"
"Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan. Yung parang..." hmm ano nga ba?
"Parang ano?"
"Parang ginawa mo kong comedyante at sobra ka kung makahalakhak." Parang iba kasi Damon.
At ayun na naman sya sobra na naman kung makatawa. Pabayaan na nga lang. Pero para kasing may mali. Iba yung nararamdam ko sa pagtawa nya. Dati naman di sya ganun kung tumawa. May problema ba? May problema ka ba Damon?