Chapter 3

3.4K 62 1
                                    

Chapter 3

KINABUKASAN ay maga ang mga mata ni Andrea. Hindi kasi siya nakatulog kakaisip kay Leon. Hindi siya pinatulog ng lalaking iyon. Ewan ba niya pero naiisip niya ang matamis na ngiti nito pati ang mainit nitong kamay na kahit sandali lang niya naramdaman ay parang nanuot na iyon sa kanyang buong sistema.

And yes! She want to feel his heat again. Pero paano naman kaya iyon mangyayari ulit? Napabuntong hininga na lang siya. Bakit ba niya nakalimutan? Heart breaker pala ang lalaking iyon. Ibig sabihin ay katulad ito ng mga lalaking nagtangkang makipagrelasyon sa kanya. Oo nga at hindi ito bakla at pamilyadong tao pero ang isiping darating ang panahon na sasaktan siya nito ay nangangamba agad siya. Isang senyales lang iyon na hindi ito nararapat sa kanya dahil masasaktan lang siya.

Urgh! Umaariba na naman kasi ang sumpa ko sa katawan!  Marahas siyang napabuntong hininga saka padabog na naupo at nangalong-baba.

"Sus! Ang aga-aga! Nakaganyan ka agad. Malas kaya 'yan." Nakangiting sita sa kanya ni Shana na kakapasok lang ng shop. May dala-dala itong bagong hand bag. Bago kasi ngayon lang niya nakita. Nang ilapag ni Shana ang bag ay inusisa niya iyon agad at ganoon na lang ang tili niya nang malaman na isang Hermès bag pala ang kanyang hawak. "Padala 'yan ni boyfriend. Kahapon ko lang nakuha. Ang ganda, 'no?" Sabi nito na tila ba nahulaan nito ang itatanong niya.

Napatango na lang si Andrea bilang sagot. Sa totoo lang ay gustong-gusto rin niya ang mga ganitong bags. Palagi nga siyang tumitingin sa mga trusted online sellers ng mga luxurous bags na tulad nito pero hindi nga lang afford ng budjet niya. Masyado kasing mahal at kasalukuyan ay nag-iipon pa lang siya ng pambili pero ang kaibigan niya, sa isang pitik lang ng daliri ay meron na. Hindi niya tuloy maiwasan ang mainggit.

"Ang swerte mo naman." Sabi niya saka binigay sa kaibigan ang bag.

"Well," tila ay kinikilig nitong sabi, "Ikaw kasi, maghanap ka na ng online boyfriend para magkaroon ka rin ng ganitong bag." Natawa na lang si Andrea sa sinabi nito. "Ikaw din, maraming guwapo online." Dagdag pa nito pero muli ay tinawanan lang niya ito. Ilang sandali pa ay nagpaalam ito sa kanya na pupunta lang ng restroom.

Nang mawala ito sa paningin niya ay napapikit na lang siya pagkuway isinandal ang likod sa swivel chair. Pakiramdam niya kasi ay lalong humapdi ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay hindi na niya napansin ang oras. Basta nagising na lang siya nang biglang may tumapik sa kanyang pisngi. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya si Leon. Bigla siyang napangiti. Hanggang dito ba naman ay ang lalaking pa rin na iyon ang nasa isip niya?

"Are you okay? Mukhang hindi yata maganda ang lagay mo." May pag-aalala sa baritono nitong boses.

Biglang naimulat ni Andrea ang mga mata. Gulat pa nga siyang napatayo. Ano na naman ang meron at nasa harapan niya ang lalaking ito? Masyado ba siyang matagal na nakapikit kaya hindi na niya namalayan ang pagpasok nito sa shop?

"A-ano ang ginagawa mo dito?" Nabubulol niyang tanong dito.

Ngumiti naman ang lalaki pagkuway napakamot pa ng ulo.

"Gusto sana kitang maging kaibigan, e." Nahihiyang sabi nito.

Napakunot-noo si Andrea. Kaibigan daw? Agad-agad? E, kailan lang naman niya ito nakilala.

"Alam ko na medyo mabilis dahil ngayon lang tayo---"

"'Buti at alam mo. Oo, masyadong mabilis nga." Puno ng pang-uuyam na putol niya sa ibang sasabin nito. "Noong nakaraang linggo at kahapon lang tayo nagkakilala. Pangalan nga lang natin ang alam natin pareho tapos gusto mo na maging kaibigan ako agad? Ah! Gusto mo siguro ako na isama sa mga collection mo ng babaeng pinaiyak sa restaurant kahapon."

Curse Of Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon