Chapter 4

2.8K 43 2
                                    

Chapter 4

ILANG ARAW pa ang lumipas ay nakalimutan na ni Andrea ang tungkol kay Leon, well, kahit paano naman. Lalo ngayon na busy sila sa shop. Dumadami na ang mga orders na bulaklak sa kanila kaya naman todo din ang pagkuha nila ng mga supply. Parating na kasi ang Valentine's Day kaya naman naghahanda na rin sila ng mga pakulo para sa mga 'in a relationship' ang status.

Maya-maya lang ay naging abala na siya sa pag-aasikaso ng mga designs nila nang biglang pumasok si Leon sa loob ng shop. Malawak ang ngiti nito at nangingislap pa ang mga mata habang palapit sa kanya. May dala din itong bungkos ng mga bulaklak. Binigay nito iyon sa kanya pero tinitigan lang niya iyon.

"O, para saan naman 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong niya habang nakanguso doon sa bulaklak.

"A friendly flower. Don't worry, binili ko itong mga bulaklak dyan sa labas ng shop mo." Nakangiting sagot nito saka kinuha ang kamay niya at inilagay doon ang mga bulaklak kahit hindi naman niya tinatanggap. "Look, ang fresh ng mga bulaklak na 'yan. Parang ikaw lang."

Sa sinabing iyon ng lalaki ay biglang pinamulahan ng mukha si Andrea. Bakit ba parang iba ang naging dating niyon sa kanya? Parang naging sensual? Napailing siya. Sensual agad?

"Ikaw---"

"Please, gusto ko talaga na makipagkaibigan sa 'yo. Hindi kasi ako mapakali na hindi mo tinatanggap ang friendship na inaalok ko."

"Alam mo, medyo nakakatakot ka na. Mukha ka ng nagiging stalker sa paningin ko." Prangka niyang sabi dito pero natawa na lang si Leon sa kanya saka naglabas ng ilang mga ID's sa wallet nito at inipresinta iyon sa kanyang harapan.

"Look, puwede mo itong kunin para ipa-verify. Authencated ang mga ID's ko pero puwede mo pa rin na ipa-check para ma-verify. Pero ngayon pa lang ay sinasabi ko na wala akong criminal record. Malinis ako. Promise." Itinaas pa nito ang kaliwang kamay na akala mo ay nanunumpa sa kanya.

Masuri na pinagmasdan ni Andrea ang lalaki. Naiinis siya sa kakulitan nito pero hindi naman niya maiwasan ang... well, ang medyo makaramdam ng kaunting kilig.

Kaunting kilig lang ba talaga? Okay! Hindi na siya magpapa-impokrita pa! Kinikilig siya dahil sa kakulitan nito!

"Please, let's be friends. Promise, mabait akong tao. Hindi ako 'yong budol-budol na sinasabi mo. Hindi ako masamang tao." Pinagdikit pa nito ang mga palad na akala mo ay nagdadasal sa kanyang harapan. Nagpa-cute pa ang lalaking ito at talaga namang natutuwa siya sa paglalambing nito.

"Naku, Andrea, tanggapin mo na nga ang friendship ni pogi." Natatawang buyo sa kanya ni Shana na hindi na niya napansin na nakalapit na pala sa kanya. "Saka may ganyan ba kagwapong kriminal?"

"Shana!" Mahinang sita niya sa kaibigan.

"At saka, 'te! Valentine's Day na in two next weeks! Ano 'to? Ibuburo mo na naman ang beauty mo?" Dagdag pa nito.

Natatawang napailing na lang si Andrea, hindi na talaga niya mapigilan si Shana sa speech nito. Tinitigan niya si Leon na kitang-kita sa mga mata ang pag-asa at excitement sa kung ano ang magiging sagot niya. Napabuntong hininga naman siya.

"Sige na nga. Friends na tayo." Sa huli ay pumayag na siya. Ang rude naman kasi kung tatanggihan niya ang friendship nito. Oo nga at stranger ito pero lahat naman ng magkakaibigan sa mundo ay nagsimula sa pagiging estranghero sa isa't isa, 'di ba? Tapos kapag nagtagal na ang friendship ay doon na nakikilala ang bawat isa.

Curse Of Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon