Chapter 5

3K 49 1
                                    

Chapter 5

NAMAMANGHA na nailibot na lang ni Andrea ang kanyang paningin sa kabuuan ng Italian restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Leon. Hindi niya kasi akalain na dadalhin siya nito sa ganito kagara na lugar. Parang kanina lang kasi ay namamasyal sila sa Quezon City Circle at kumakain pa sila ng fishball doon tapos ito ngayon at nasa restaurant na sila. Isa pa ay napakaganda ng lugar at very cozy ang dating. Bagay na bagay para sa mga nagde-date. Pero teka, nagde-date na ba sila ni Leon?

"Andrea, here," pinaghila pa siya ni Leon ng upuan nang makarating sila sa designated table na binigay sa kanila ng receptionist ng restaurant.

"Thank you, Leon." Nakangiting sagot niya.

Ilang sandali pa ay um-order na sila ng kanilang kakainin at sa kalagitnaan ng pagkain nila ay biglang nagsalita si Leon at hindi akalain ni Andrea na magtatanong ito ng tungkol doon.

"Sino pala ang dinalaw mo sa sementeryo noon?"

Mula sa kinakain na pasta carbonara ay napaangat ng tingin si Andrea kay Leon saka tumitig dito. Napalabi siya. Kailangan pa ba niyang sabihin na kaibigan niya ang dinalaw sa sementeryo? Na kaya niya ito dinalaw ay dahil sa sumpa nito na gusto niyang maalis sana sa pamamagitan ng pagkausap dito. At masasabi niya kaya na kaya siya inaway ng dalawang babae ay dahil sinisisi siya ng mga ito kung bakit namatay si Lemuel.

Napabuntong hininga tuloy siya saka naibaba ang hawak na kobyertos.

"I'm sorry. Masyado na yata akong nanghihimasok sa buhay mo. Galit ka ba?" May pag-aalala sa tono ng boses nito. Bahagya din itong humilig sa kanya upang makita ang reaksyon niya. Ngumiti na lang siya para hindi na ito mag-alala.

"Hindi ako galit. Don't worry. Anyway, 'yong dinalaw ko sa sementeryo ay ang dati kong bestfriend. Si Lemuel. Nagpakamatay siya nang dahil sa akin." Malungkot niyang kwento dito. Pinili na lang niya ang maging matapat dito.

"I'm sorry to hear that. Anyway, huwag na lang natin pag-usapan iyon. I'm so sorry talaga, Andrea. Kumain na lang tayo, okay?"
"No, I'm fine. Saka three years ago na iyon. Hmm, gusto mo bang magkwento ako ng tungkol amin? Okay lang ba?"

"Sure! No problem."

Napangiti naman si Andrea at nagsimula na siyang magkwento.
"Lemuel was my bestfriend. Mula pa noong college hanggang sa nagtapos kami at nagkaroon ng stable job ay magkasama kami. Siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko. Itinuring ko na siyang parang kapatid ko, isang nakakatakdang kapatid ko. Wala kasi akong mga kapatid kaya sa kanya ko nakita 'yong brother material na gusto ko. Mabait siya sa akin saka parehas kami ng mga hilig kaya, hayon, compatible kami."

"I think he's nice. You are lucky to had him."

Ngumiti naman si Andrea.

"Until one day, nagtapat siya ng pag-ibig sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya kasi hindi ko talaga akalain na maaari niya akong mahalin bilang isang babae. Akala ko ay hanggang bestfriend lang kami."

"And?" Excited na sabi nito.

"Tinanggihan ko siya. That time kasi ay may boyfriend na ako. Kakasagot ko lang doon sa manliligaw ko noon. Kinausap ko si Lemuel nang masinsinan na hindi ko puwede tanggapin siya sa puso ko dahil hanggang kaibigan ko lang siya para sa akin, na hindi na lalagpas pa doon ang turing ko sa kanya. Para ko na siyang kapatid. Hindi ko matutugunan ang pagmamahal niya sa akin bilang isang babae. Akala ko ay okay na iyon sa kanya pero hindi pala." Malungkot siyang napabuntong hininga.

"Andrea," untag sa kanya ni Leon pagkuway hinawakan ng masuyo ang kanyang kamay. "I already know the next part. Hindi mo na kailangan pa na ituloy ang kwento. Alam ko na masasaktan ka."

Curse Of Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon