S.A 4 "She Looks like You

78 5 5
                                    

*LUNA*

"WOW"

Hindi ko alam kung saan ako titingin. As in wow talaga! Ang gaganda ng mga tao dito. Ang ganda din ng lugar.

"Ang ganda naman dito"

Napatakip ako ng bibig at tinignan ang mga kasama ko nakatingin sila sakin na mukhang natutuwa except sa lalaking mayabang na si Frost.

Tss.

"masyado ka naman naaamaze sa mga nakikita mo Babe!" sabi ni Storm sabay akbay sa akin. -_-
Pinitik ko ang kamay niya dahilan para mapangewe siya.

"Joke lang yun!" - Storm

Napakalandi naman ng lalaking to!

"pag-pasensyahan mo na sila AL. By the way new student ka ba? Saang bayan ka ba galing?" tanong ni Sea.
Wait.. Bayan? Hinihintay nila ang sagot ko. Hindi ko magetz. Bakit bayan?

"alam ko na! Maybe she's from Athens" - Thunder

"Athens ka diyan! Hindi naman siya mukhang Bampira eh!" - Summer

"Water Land?" - Forest

"Hindi! Baka taga Air Land siya!" - Storm

"No.. I think she's from Spiritual City.. She's like a Nymph" - Cloud

Hindi maprocess sa utak ko ang mga pinagsasasabi nila. Ano daw? Anong mga lugar yun!

"AL..?" tinignan ko si Sea na mukhang nag-aalala.

"Oh my god.." gulat na bulalas niya at nagtakip pa ng bibig.

"Don't tell me.." - Frost

Gusto kung matuwa dahil nagsalita din yung lalaking yun pero parang may mali eh!

"She's from the mortal world.." - Frost
*****************************
*Mailey*

"kamusta na?"

Napalingon ako sa nagsalitang yun. Ang tagal na din na hindi namin siya nakita.

"Luke"

Lumapit siya at binigyan ako ng yakap. Wala pa ding pinagbago dumaan man ang maraming taon ganun pa din kami.

"Ang dami ng pinagbago ng Wonderland City"
Tinanguan ko siya. Madami na ang nagbago sa buong Wonderland City simula ng matalo namin si Azlia. Hindi mo iisipin na eto ay ibang mundo dahil na din sa mga naisip namin na gawin na din etong parang mundo ng mortal ngunit Wonderland pa din. Nagpatayo kami ng paaralan para sa mga batang may mga kapangyarihan at gusto pang mapalakas ang kanilang kapangyarihan.

"Asan nga pala si Alliyah?"

Malungkot siyang tumingin sa akin.

"Nasa Spiritual City pa din kasama ni Karen at Airey.. Hinihintay niya ang resulta.."

Gusto kung malungkot. Ang Resulta..

"Pinagtataksilan niyo na ba ako?"

Sabay kaming napalingon ni Luke sa likuran.
Ngumisi si Luke ng nakakaloko at umakbay sa akin.

"Pwede din pare,pinaguusapan na nga namin kung saan kami pupunta"
-___-
Lumipas na ang panahon ganito pa din sila.

"Tss. Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ng asawa ko"

Humalakhak ng malakas si Luke. Sinasabi ko na nga ba. Iba din ang trip ni Luke.

"Pare seriously? Pinagseselosan mo pa din pala ako!" - Luke

Lumapit sa amin si Zeon at hinila niya ako papunta sa kanya.

"Hahaha sige na aalis na ako. Pupuntahan ko pa si Alliyah"
Tumalikod samin si Luke at tsaka naglakad papalayo.

"Hindi mo ba titignan ang bagong studyante?"

Napatigil si Luke sa sinabi ni Zeon.

"Why do i need?" - Luke

Hinila na ako ni Zeon papunta sa Auditorium.

"She looks like you"
****************************

Konti na lang ^____^

SPELL ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon