Chapter 53 - At the bus

20.9K 734 95
                                    

Chapter 53 - at the bus

---------------------


Nakasakay kami ngayon sa kotse ni kuya, di pa din ako makapaniwala sa sinabi ni joanna kahapon na bukas na yung tour namin

"Teka kelan dadating sila pa?"  Tanong ko

"Ewan ko ba dun, and daya-daya sabi nila 2 days lang sila, pero wala pa din sila ngayon? Hmphh hindi nila malalaman yung tour natin bukas tsaka yung prom nyo!"  Sabi naman ni joanna

"Itext nyo kasi" 

"Wala akong number eh!"  Tapos tumawa si joanna

"Ei? Ikaw ba kuya?"  Tanong ko ulit

"Wala din, ikaw kaya magtext!"

"E-eh? Wala din akong number nila eh hahahah"  ( ̄^ ̄゜)  sariling magulang walang number?

"Tsk bahala kayo! Baumaba na nga kayo, maaga ko kayong susundin mamaya mag-gagayak pa kayo lalo ka na cake-pig, 2 days pala kayo dun!" Eekkkk cake-pig

"Tse, cake-pig ka dyan! Tara na nga joanna"  napatingin ako sa pwesto ni joanna nakababa na pala siya, hindi man lang marunong maghintay

Pagbaba ko ng kotse bigla akong nakaramdam ng lamig, ganun pa din pala yung panahon na makulimlim tapos mahangin pa din, hayy sana naman mag-enjoy kami bukas. Hinanap ko si joanna wala na pala siya, bwiset talaga yung babaeng yun kahit kelan, biglaan na lang mawawala

Pumasok na lang ako dito sa loob habang naglalakad ako pinagtitinginan nanaman nila ako, psh ano bang problema nila sakin? Habang naglalakad ako may sumalubong saking tatlong babae hindi ko sila kilala pero 4rth year din sila tulad ko, ang kapal ng make-up sa sobrang kapal naging clown na

"Look girls, naalala nyo pa ba siya? She stole the first kiss of my fiance!"  Huh? Teka fiance?

"Yah I know right"  sabi naman nung isang kasama niya, hindi kami masyado kita dito kasi nandito pala kami sa gawing sulok

"Bitch you girl, bakit mo ginawa yun ha?"  Sigaw niya tapos dinuro duro niya yung muka ko, hindi na lang ako umimik kasi hindi ko sila maintindihan

Bigla siyang umikot sa katawan ko tapos tinignan ako mula ulo hanggan paa, nung nandito na siya sa harap ko hinawakan niya yung balikat ko tapos pinisil niya ng madiin

"Aray, inaano ko ba kayo?"  Tapos naglakad na lang ako palayo pero hinablot nanaman nung isa yung kamay ko

"Tinatakasan mo ba kami?"  Tapos ngumisi siya, hinawakan niya nanaman yung balikat ko pero nagulat na lang ako nung may humampas sa kamay niya, nakita ko si perry na nagpunta dito sa pagitan namin, nakajacket siya tapos ang bango niya pa

"If you'll do that again I'll kill you, touch her and I'll send you straight to hell!"  0__0

napatulala na lang kaming apat sa sinabi niya, teka bakit niya sinabi yun? Napatingin ako dun sa tatlong babae nakatulala pa din sila tapos bigla silang tumakbo palayo, napatingin ako kay perry tapos tinignan niya ako ng seryoso

"Psh! Stupid"   sigaw niya sakin tapos umalis na din siya, teka anong kasalanan ko? Napatingin ako sa paligid ko may mga tao nanamang nakatingin

Naglakad na lang din ako papuntang room tapos pag-pasok ko umupo na ako sa upuan ko, ang gugulo nila grabe lang! Pero grabe nga eh kasi hindi na ako pinagti-tripan nitong sila pam tapos si yannah? Aishhh bakit ba ganun, bakit ba naging ganyan ugali ni yannah? Hinanap ko si joshua wala naman dito eh

Accidental Kiss with Sadist (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon