Ang pagkakamali

38 2 4
                                    

Gawin mo na kasi ang mga bagay bagay na gusto mong gawin bago mo pa ito pagsisihan, may balak ka palang gumawa ng kanta pero hindi mo magawa gawa dahil pakiramdam mo hindi maganda, maging pintor pero na-iintimidate ka dahil madaming mas magagaling na pintor kaysa saiyo, balak mong magsulat ng libro pero feeling mo hindi ka naman magaling na manunulat gaya ni Bob Ong o marcelo santos..  Kaya tayo nagsisisi sa bandang huli eh, dahil sa takot na subukan ang mga bagay bagay na gusto pala nating gawin.. At dahil sa takot unti- unti mo na palang nakakalimutan ang mga gustong gusto mo talagang gawin sa buhay.. Pumunta ka sa sementeryo, diba ang daming mga nakahimlay na mga patay doon, kung titignan mo, hindi lang ang mga katawan nila ang mga nakalibing doon, kundi ang mga pangarap nilang hindi natupad, mga kanta sanang naisulat, mga arts na sana naipinta, mga bahay na dapat naipatayo.. Kung san ganito, kung sana tinapos ko lang ang pag-aaral ko, kung sana sinunod ko ang mga gusto hindi sana ganito ang buhay ko, well kung heto ka binabasa mo pa itong salaysay ko, ibig sabihin buhay ka pa, ibig sabihin may magagawa ka pa.. Hindi ka nakapag-sorry sa mga nakaaway mo, e di mag-sorry ka na ngayon. Sampung taon mo ng hindi nayayakap o nasasabhihan ang mga magulang mo ng "I Love you" e di sabihin mo na ngayon. May gusto ka pala sakanya pero nahihiya ka, e di sabihin mo.. Passion mo pala ang pagsusulat, e di magsulat ka.. Huwag sana tayong matakot sumubok sa mga bagay bagay, lalo na't hindi naman natin ito ikakamatay. atleast nasabi mong nasubukan ko, kaysa sabihin mong sana ginawa ko.. Mahirap mabuhay sa "sana"

Huwag kang matakot, madaming bagay kang hindi magagawa pag puno ka ng takot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gawin Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon