Draft #20

145 15 3
                                    

Dear Crush,

Nakakahiya! Di ko kayang ibigay yung letter sayo kaya itinapon ko na lang sa basurahan. Sayang nga ng effort ko doon eh. Hayyysss.. Yaan na nga lang.


Alam mo ba crush na may nagbigay sa'kin ng isang love letter tsaka tatlong chocolates na may nakasulat na I love you, I miss you at tsaka I'm sorry. Ang weird nga eh. Tapos sa letter naman ang nakasulat ay; Please forgive and forget me.


Yan lang yung nakasulat. Ang weird weird nga eh. Halaaa~ May stalker ata ako, charr! Joke lang. Ang pangit ko kaya. Pero sino ba talaga yun? Impossible namang ikaw yun. Ano yan? Two timer ka? Ahahaha! Halata namang mahal mo si Mishka eh.


Sa pagkakaalam ko ay wala namang umaway sa'kin na lalaki eh. Hay naku! Di man lang kasi naglagay ng clue.


O siya, paalam na muna crush. Matutulog na'ko eh. Goodnight and sweet dreams. Yieee ~ Hahahaha. Mwuah! Happy Valentines Day! Labyuuu ~


Love,

Rie

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon