Draft #3

345 15 5
                                    

Dear Crush,

Sheeeettt! Nakakahiya kaninang umaga! Di ko talaga inexpect yun na mangyari. Late na nga ako tapos nadapa pa pagpasok ng classroom. Buti na lang di nakita shorts ko eh.

Tumawa lahat ng classmates natin. Pati nga ikaw natawa eh. Natawa na din tuloy ako sa katangahan ko. Tumabi ako sayo at binati kita ng good morning pero nginitian mo lang ako. Nalungkot tuloy ako. Pero at least magkatabi tayo. Ayieeee~ Ahahahaha.

Nung recess kasama ko si Dani. Umupo kami sa may malapit sa inyo ng grupo mo. Pinag uusapan niyo ata yung gagawin niyo this next weekend. Hindi ko naman sinasadyang makinig eh. Hehehehe, sorry.

Pinagusapan namin ni Dani na alisin na daw yung cap na suot ko at bawasan ang pagiging boyish para daw mapansin mo ako. Hay.. Itatry ko pa rin para sayo. Para mapansin mo naman ako.

Nung hapon naman, pumunta ako nang palihim sa gym at nakita kong nagpapractice kayo nang basketball. Alam mo bang palihim akong nagchecheer sayo. Go Vie! Go Vie! Kaya mo yan! I love you! Go Vie! Yan yung cheer ko sa isip ko.

Hindi ko alam na papasok pala ang coach niyo sa basketball kaya nahuli niya ako. Nirason ko na mahilig ako sa basketball at gusto ko din maglaro. Mahal ko din ang basketball diba, alam mo yun eh. Madalas tayo nun maglaro.. DATI.

Pinapasok niya ako sa gym at inutusang magshoot. Syempre grabe yung kaba ko nang moment na yun kasi nanonood yung mga kateam mo at nandoon ka. Ang intense nga ng titig mo eh. Yung iba mong kateam tinatawanan ako at yung iba naman seryosong tumitingin saakin.

Nag 3 points shot ako. Akala ko pasok pero di pala. Ayun, palpak yung pagpapasikat ko sayo. Pero alam mo bang nagulat ako nung lumapit saakin si Josh. Tinuruan niya ako ng tamang pagshoot at ayun! Nakashoot! Sumulyap ako sa direksyon mo pero nagwalk out ka. Hindi ko alam kung walk out or may kukuhanin ka lang sa bag mo. Nadisappoint ako nun pero binale wala ko na lang.

Napasalamat na ako kay Josh at sa Coach niyo saka umalis. Parang gusto kong umiyak nun.

Bye Crush. Hanggang dito na lang muna.


Love,

Rie

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon