Draft #28

109 11 1
                                    

Dear Crush,

Alam mo ba kanina nang binisita kita sa hospital agad akong yinakap ni Tita nang makita niya ako. Sobra niya daw akong namiss. Buti pa nga mama mo namimiss ako, eh ikaw? Hays.


Hindi ako pumasok ng kwarto mo dahil nahihiya pa rin ako. Pinipilit nga ako ni Tita at Tito eh kaso hindi talaga ako pumayag. Gustong gusto ko man kaso nahihiya ako sa'yo. Sobrang stress sila Tito at Tita sa paghahanap ng heart donor mo. Jusko naman Arvie! Bakit hindi mo sinabi sa'min na may ganyan ka palang karamdaman.


Naiyak ako sa harap nila Tita at Tito nang malaman kong may sakit ka sa puso. Diba sabi mo walang iwanan? Wag mo naman kaming iwan oh. Miss ka na namin agad. Pagaling ka ha. Be strong, katulad ng sinasabi mo sa'kin kapag may problema ako.


Sinilip kita sa may maliit na clear glass ng pinto ng room mo. Mas lalo tuloy akong naiyak. Ang himbing ng tulog mo at maraming nakakabit na kung anu ano sa katawan mo. Please, be strong Vie. I love you.


Oo! Mahal kita kaya magpagaling ka! Magiging tayo pa! Ikakasal pa tayo! Magkakaroon pa tayo ng anak! Kaya magpagaling ka please. Marami ang nagmamahal sa'yo Arvie.

Love,

Rie

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon