Chapter One

20 0 0
                                    

Tugs.
Natigil si Kyle sa paglalagay ng kanyang mga libro sa locker nya dahil sa tumamang basketball sa ulo nya na bigla na lamang nagmula sa kung saan. Sapo-sapo ang nasaktan na bahagi ng bumbunan, nilingon nya ang direksyon na pinanggalingan non.
Hindi na sya nagulat pa nang ang makita nya ay si Alec, kasama ng mga "goons" nito, na pinagtatawanan pa ang nangyari sa kanya.
Pinigilan nya ang magpakita ng inis. Nagpanggap na lamang siya na parang walang nangyari at bumalik sa paglalagay ng mga gamit nya sa locker.
Pero narinig nyang suminghal sa kanya si Alec, "Hoy! Ibalik mo yung bola."
Lumaglag ang mga balikat nya habang lihim syang nagpakawala ng inis na buntong-hininga. Saka nya dinampot ang bola mula sa kanyang paanan at maayos na ipinasa pabalik sa sigang schoolmate nya.
Nakangisi naman nitong nasalo iyon sabay patawang nambuska, "Loser!", bago tuluyang dumeretso na ng lakad sa hallway kasama ng mga kapwa nito varsity players.
Napailing-iling na lamang sya sa sarili habang isinasara na ang locker nya. Tutal isang karaniwang araw na lamang ito sa St. Albertus Magnus Academy para sa kanya, kung saan ang mga kagaya ni Alec na mula sa may kayang pamilya at star player ng basketball team ang naghahari-harian, at ang mga hamak na scholar at "Team Sunog-Kilay" na kagaya nya ay mga busabos lamang sa kaharian.
Saglit syang napahinto sa paglalakad sa hallway nang bigla ay tumambad sa kanyang tanaw ang mahal na reyna...
Si Sofia...
Slow-mo sa paningin ni Kyle ang lahat. Ang paghawi ng mga estudyanteng nakaharang sa hallway upang magbigay daan sa pang-modelong mga hakbang nito. Ang pagsunod sa galaw ng mahabang buhok nito, na akala mo'y palaging may kasalubong na electric fan dahil may "hangin effect" na talo pa ang sa shampoo commercial. Ang paghampas ng mahahabang pilikmata sa bawat kurap ng maniningning nitong mga mata. Ang matatamis na ngiting sumisilay sa mapupula nitong mga labi.
Ngunit kagaya ng nakagawian, nilampasan lamang siya nito...
Pakiramdam nya mas invisible at see-through pa sya kesa sa plastic cover.
Nakangiting napakibit-balikat na lamang sya at tumuloy na sa paglalakad patungo sa susunod na klase nya.. Basta kumpleto na ang araw nya, dahil at least nakita nya ang long-time crush nya.

_____________

"Hey, babe.", bati ni Sofia kay Alec habang pilit ang ngiti at halatang pinipigilan ang pagtaas ng kilay nang sa wakas ay magpang-abot sila sa hallway.
"Hey, gorgeous!", mula sa pakikipaghalakhalakan sa mga ka-team ay binalingan rin siya nito sa wakas, "What's up?"
Napatiklop-braso sya habang pwersado pa rin ang ngiti, "May nakalimutan ka yatang sunduin this morning?"
"Oh...", nanatiling kaswal ang binata, "Sorry, babe. Ang aga kaming tinawag ni Coach for practice eh. Di na tuloy kita nadaanan."
"I understand.", aniya, "You could have at least texted me though. Naghintay ako sayo eh.--"
Bago pa man makasagot si Alec ay biglang tumunog ang school bell. Patay-malisyang nginisian lamang sya nito, "Gotta get to class, babe. See you na lang later pag lunch break.", at bago pa man sya makapalag ay umalis na ito tangay ang mga alipores nito.
Di mapigilang mapasimangot ni Sofia.
"Trouble in paradise?", biglang untag naman ng kararating lang na bestfriend nyang si Jackie.
Napabuntong-hininga sya nang magsimula silang maglakad, "I think he's cheating on me..."
Mukha namang di makapaniwala si Jackie, "Agad?? Grabe ka naman, paano mo naman nasabi?"
"Tingnan mo naman, parang ang saya-saya nya eh. Blooming eh!"
"Oh, eh ano naman? Di ba pwedeng dahil sayo kaya sya blooming?"
"Sus, anong dahil sakin, eh lately nga lagi nyang ini-echapwera ang beauty ko?", napairap sya, "Basta iba yung saya nya eh. Alam kong may ibang pinanggagalingan eh. Tuwang tuwa sa galak si mokong eh. Basta! I really am smelling something fishy..."
"Ay, ganon kalala? Na-trigger ba ang alarm ng woman instincts mo, sissam?"
Napatango-tango sya, pagkwa'y puno ng determinasyon na napatanaw sa malayo, "I swear, di ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung kaninumang talaba nanggagaling yung naaamoy kong malansa..."
Natatawang inarkuhan sya ng kilay ng kaibigan, "Ay, iba. Teleserye levels ka dyan, sissam!", pabiro itong nag-slow clap.
Pabiro nya itong inirapan, "Ewan ko sayo! Tara na nga! Male-late na tayo sa Chem!"

Not My Type Of GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon