BTS III (Min Yoongi)

19 0 0
                                    

Min Yoongi say's he likes me

--

"Parang ang energetic nyo ata." Puna ko

"Nalimutan mo na ba? Eto parang di kasama ng concert. Diba niyaya ako ni V na magpakasal sumagot ako I will." Sabi ni Autumn sabay tili.

"Gagers! Assuming pinapunta ka lang ng FM feelingera to kala mo talaga." Sabi ko sabay irap.

"Eh ano naman sana wag ka ngitian ni Suga." - Autumn

"Aba bastos to ah. Pasmado ba bibig mo Autumn Kim?!" Sabi ko

Inirapan lang ako ni gaga.

Nag asikaso naman ako ng gamit ko. Pagtapos ay pinuntahan ko sila at nag punta kami sa airport para pumunta sa Korea at dumalo sa FM ng BTS.

--
*Korea

"Hi Korea welcome mo ko." Bulong ko ng makarating kami sa airport ng Korea.

"HI KORYAAAA AKO NGA PALA SI AUTUMN KIM ANG NIYAYA NI KIM TAEHYUNG NA PAKASALAAAAAAN!" Sigaw ni Autumn.

"Di ko kilala yan." Sabi ni Celine sabay layo.

Ganon din ako.

--

3 days na kami dito sa Korea at bukas na ang Fan Meeting kinakabahan ako.

"Lalabas ako may papabili ba kayo?" Tanong ko kay Autumn at Celine.

"Wedding gown, Shan para bukas kelangan ko yun." Autumn

Napairap nalang ako at lumabas na.

Dumeretso ako sa Starbucks para umorder ng kape. Habang inaantay ko yung kape ko eh nag check muna ko kung may update ba sila sa Twitter.

Tapos nag post din ako sa twitter ng waiting for coffee. Hehe.

"Two Chocolate Chip Cream for Sugasugar" sabi ng babae sa counter.

Napakunot ang noo ng sabihin nyang two. Eh isa lang order ko. At mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko ng may kasabay akong kukuha ng order.

Binigyan kami tag isa ng babae, kaya napatingin ako sa katabi ko.

Balot na balot sya, eh hindi naman malamig ngayon sa Korea.

Nagmamadali syang lumabas kaya sinundan ko sya ng tingin.

Maya maya napaisip ako "Shit!" utas ko sabay labas at habol dun sa kasabay kung nag kuha ng order.

Kasi may kamuka sya eh, kaya mabilis akong tumakbo at nakita ko syang papaliko, teka sa likod ng bldg ng BigHit ba sya papasok?

Mas binilisan ko pa ang takbo ko at ng malapit na ko hinawakan ko sya sa braso at marahas na hinarap sakin. Medyo rude oo pero kelangan ko lang maconfirm ang pag dududa ko.

Kelangan maalis nya ang mask sunglass at cap nya para makita ko muka nya.

"Ahmm. Maseukeu, seongeullaeseu mich kaeb-eul jegeo hal su issseubnikka?"

Napaatras naman sya at umiling.

Oo alam kong rude at nag mumuka akong sasaeng fan pero gaad gusto ko lang talaga makasigurado.

"Naneun geugeos-i mulyehadaneun geos-eul algo issjiman danji mueongaleul hwag-inhago sipseubnida."

(I know it's rude but I just want to confirm something.)

Tinanggal naman nya ang cap at salamin nya.

--

Hays. Bagsak balikat akong umuwi. Kala ko talaga sya kumbakit kasi makapag disguise si kuya daig pa artista trainee lang pala sya -__-"

"FM NA BUKAAAAAAAS AAAAAHHHH!!" Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni autumn at celine.

Napailing nalang ako at pumasok sa kwarto matutulog ako maaga.

--

"Shan di ako makahinga malapit na tayo 2 lines nalang tayong 3 na. Ano gagawin ko?" Di mapakaling sabi ni Autumn

Nilingon ko naman si Celine, gusto ko matawa si gaga namumutla mukang natatae na ewan.

Pero kasi ako din kinakabahan talaga ang sakit ng tyan ko nasusuka ata ako.

After 1 hour kami na.

"Shit. Shit. Shit. Kinakabahan ako. Huli si Suga, sana mabigay ko sa kanya tong kwintas na pinasadya ko." Pinagpapawisan akong malamig.

"AaaaaAAaaaAaa!!!!" Napalingon ako kay Celine

"Napano ka?!" Tanong namin ni Autumn.

"Tayo na next tawag na tayo. Kinabahan lang sorry. Hehe." Celine.

Tangina lalo akong kinabahan.

Kanya kanya kami ng makarating dun.

Naging maayos ang FM namin sa BTS, mababait sila at tinanggap ang mga bigay namin.

Ngayon si Suga na ang kasunod. Kinakabahan ako.

"H-Hi" Utal na sabi ko.

Ngumiti sya bes gummy smile. Teka maluwag ba garter ng panty ko baka mahulog.

"Hi, name? "Tanong nya

"My Wife" Sagot ko.

Natawa sya nagets ata nya.

"Sorry. My name is Shan and my bias is you. Please accept my gift." Nanginginig na inabot ko yung regalo ko.

Binuksan nya at binalik sakin.

Nalungkot ko ayaw ba nya.

Hinawakan nya kamay ko at pinahawak yung kwintas at nilapit sa leeg nya.

Ah! Pinapakabit nya pala.

Edi kinabit ko hehe enebe.

Lumapit na yung Manager tapos na hays ambilis nakakalungkot.

Malungkot akong tumayo at lumakad palayo pero bago ako makalayo narinig kong tinawag ako ni Suga.

May hawak syang Starbucks coffee.

"I bought this for you Sugasugar." Tipid syang ngumiti saka inabot sakin yung Starbucks habang nakaka nga nga pa din ako.

Di ko madigest yung mga nangyayare.

"A-ahm.. T-Thank y-you." Damn! I am freaking stuttering.

"No worries. I always saw you buying that so I bought one for you. Ahm you got my attention specially when you try to chase someone wearing weird clothes thinking it was me, I was there and from that moment I'm always waiting for you in the Starbucks hoping you'll notice me so ahm this is getting way too long prolonging the FM so ahm I-I ah I like you. A lot."

Syempre bida bida ako lumapit ako at niyakap sya de, joke lang nakatayo pa din ako naka nga nga nag aantay ng papasok na langaw sa bibig ko.

Ikaw ba naman mag confess sayo ang isang Min Yoongi di ka mapapa nga nga?

Pero dahil antagal kong naka nga nga tinawag na sya ng manager nya para ituloy yung FM na naudlot.

Tinignan ko yung kape na hawak ko at ngumiti. Saka tumingin kay Suga na nakangiti sakin.

He mouthed "See you there."

Ngumiti ako at tumango.

End.

Follow.Vote.Comment 😘

BTS Short Stories CompilationWhere stories live. Discover now