My Girlfriend/Jungkook's Girlfriend
--
"Waaaaa excited na ko sa concert!!!!!!" Sigaw ko"Excited na excited Celine?" Tanong ni Autumn
"Oo gaga kasi kayo lang ni Shan naka punta ng Concert dati eh kaya babawi ako ngayon. Sakto special daw ang concert ngayon."
Inirapan lang ako hmp. Palibhasa na invite sa Fan Meeting. Hmp!
"Teka asan pala si Shan?" Tanong ko.
"Andito ako Celine." Si Shan na kararating lang.
Mag rereact pa sana ako kaso nag papapasok na sila.
--
*VIP SeatHindi ako mapakali. Teka lalabas ko na muna Army bomb ko. Check naten kung maayos iwagayway.
*winagayway Army bomb
"Para kang tanga Celine. Anong winawagayway mo dyan di pa nga nagsisimula." Kunot noong tanong ni Autumn.
"Tinitest ko lang." Sagot ko.
"Ano yan mic?" - Shan
Again mag rereact sana ako kaso mag start na.
"Waaaaaaaaaa tangina intro palang sabog na obaryo ko!!!!!" Sigaw ko
Enebe (>_<。)
"V!! AKO TOOOOO SI AUTUMN!!!!! "Sigaw ni Autumn napapatayo Pa sa upuan
"Luh papansin ka Autumn?" Tanong ni Shan
Di naman nya kami pinansin kaya nag kanya kanya na kami.
Sunod sunod yung naging kanya nila at sobrang hype ng mga Army.
Syempre pati kaming tatlo sa kakawagayway nag kakatamaan na ng Army Bomb.
After nung 6 na kanta huminto na sila para daw sa special event.
Maeexcite na sana ako kso kanina ko pa napapansing sad ang Jungkook ko.
"Celine eto naaaaaaa ang special event!!!!!" Sbay na sigaw ni Autumn at Shan.
Na explain naman ng host na magraraffle at mabubunot na number eh yun ang mananalo. Number sa ticket ang basehan.
Naka 6 na sila dun isa nalang ang kelangan.
Nagdadasal kaming 3 na sana isa samin makuha.
"Our next winner is number 4402!" Sabi ng host
"Ang swerte naman ng 4402." Sabi ni Autumn
"4403 ako. Sino ang 4402?" Tanong ni Shan
"Malay." Sabay naming sagot ni Autumn.
"4402?" Tawag ng host
"4401 pala ako si Shan 4403 so ang 4402 .. " nakatingin sakin si Autumn kaya agad kong tinignan ang ticket ko at nanlaki mata ko.
"4402?!!!! Meeeeee!!! Akoooo!!!! Akooo!!!" Sigaw ko sabay takbo pababa ng stage kinlimutan na may kaibigan.
"Alright, now we're ready." Sabi ng host inisa isa kami ng tanong sino bias at good thing wala akong kaparehas.
Iniinterview sila ng BTS bawat partner pinapakilala at may ginagawa silang game sabay picture.
Ang saya lang sobra. Pero kami na pala next hala kinakabahan ako natatae ata ako.
Hawak na ni Jungkook yung mic hihimatayin ata ako.
"Hi. " Sabi Ni Jungkook
"H-hello."
"What's your name?" Tanong nya
Syempre bida bida ako kaya ang sinagot ko. "My Girlfriend." Nagtaka naman itsura ni Jungkook pero ngumiti pa din at inakbayan ako.
"Hey guy's I would like you to meet My Girlfriend." Sabi ni Jungkook sabay tingin sakin.
Bigla namang tumahimik ang buong Arena na akala mo may dumaang anghel.
BTS: .......
BIGHIT STAFF: ......
MOA'S STAFF: ....
HOST: ...
ARMY'S: ...
TROPA KO: WOOOOO POTANGINA KAIBIGAN NAMIN YAN (Habang nag wawagayway ng army bomb)Taena ang adik nila.
Maya maya naka dinig kami nang tumatawa.
Nilingon namin si Suga pala tawa ng tawa. Nagets nya ata sinabi ni Jungkook.
Nagsalita sya Koryan di ko nagets basta naintindihan ko lang my girlfriend.
Maya maya nagtawanan na sila lahat pati BTS at host yung Army's na kala mo nakakaintindi tumawa din.
Syempre para di ako mag mukang OP tumawa na din ako.
Maya maya nagtanong sakin si Jungkook kaso Koryan ulit. Naintindihan ko lang My girlfriend.
Pero kahit di ko naintindihan nag "Yes." Pa din ako. Tapos humalakhak sya kala mo wala ng bukas. Ano ba yung sinabi nya?
Syempre para di ulit mag mukang di nagets yung tinanong nya tumawa nalang ulit ako.
"Para kang tanga!" Dinig ko pang sabi ni Autumn at Shan.
Tapos naramdaman ko na pinat ni Jungkook yung ulo ko kaya tiningala ko sya tangkad eh.
Nakangiti na sya uwaa~
"Thank you for making me smile today. Your My Girlfriend joke is hilarious pfft." Tawang tawa talaga sya mga bes.
"Thank you." Sabi ko
"For what?" Sabi nya
"For liking me." HAHAHAHAHAHAHA! Tangina kapal ng muka ko. Sagarin na naten kakapalan pero kakahiya. "Just kidding." Sabi ko.
Tumawa naman sya. Tapos ginulo buhok ko. "Jungmal Jowahaeyo." Sabi ni Jungkook.
Sa narinig ko kumabog ng malakas dibdib ko.
Hihimatayin ata ako.
"My girlfriend hey!" Dinig kong tawag ni Jungkook bago ko mawalan ng malay.
End.