Kim Taehyung Noticed Me
--
"Babae bilisan mo, padating na daw sila. Kum bakit naman kasi ngayon ka pa na tae. Talagang sinakto mo pa na padating na sila."
"Eto na nga patapos na, kalma ka lang kasi. Makikita mo din naman sila."
"Makikita ko nga, pero dahil sa letcheng pwet mo di ko na sila makikita."
"Ano ba yan, high na high ka sa koryanong yun. Di ka naman napapansin."
"Pakyu!"
Sa sobrang inis ko iniwan ko sya, kainis alam na minsan lang maka tyempo ng pag aabang sa airport tinawag pa ng kalikasan pwet nya.
Antagal ko pa namang inantay tong pag kakataon na to tapos bulilyaso pa! Peste!
Habang palabas ako ng rest room naka rinig ako ng hiyawan, malayo palang alam kong sila na yun.
Syempre iba iba na agad nasa isip ko that time kinakabahan pa ko.
Tumakbo ako ng mabilis kahit na halos madapa na ko maabutan lang sila.
Pag karating ko nakita kong huling bumaba si Suga sa van tapos nag tilian na sila nakitili din naman ako pero may part saken na disappointed. Di ko nakita si V.
Kakainis naman, baka dumaan na yun kanina nung nasa CR pa ko. Hayy! Iyak.
Aalis na sana ko ng makarinig ulit ako ng hiyawan, lumingon ako at nakita kong may dumating na isa pang van at nasa loob si V (di tinted yung van) halos tumalon ako sa tuwa. Tengene may pag asa pa kong makasilay shet!
Pinilit kong sumingit sa unahan kasi nakita kong inaabot nya kamay ng ibang Army. Kaso wala di ako maka singit.
Gaad di ko alam gagawin ko gusto ko syang makita.
But I need to do something so he can notice me.
So naalala ko yung viral na fan boy na sobrang lakas sumagaw and talagang napapansin sya so dahil bida bida ako ginaya ko sya.
Pero bago yun minake sure ko na makikita nya ko so nagmakaawa ako dun sa babae na katabi ko na pahiramin nya ko ng upuan nakatayo kasi sya sa upuan habang nag pipicture. Pumayag naman sya kaya tumayo ako dun at,
Huminga ng malalim and shout on top of my lungs "YAH KIM TAEHYUNG!! DON'T EVER FORGET THAT AUTUMN KIM REALLY LOVES YOUUUUU!!"
Tangina parang medyo rude ako dun sana di sya ma offend.
Dumilat ako pag katapos ko sumigaw, kaso nakita kong dere deretso sya ng lakad so I don't think narinig nya ko o nakita manlang. Fvck.
"Autumn ano, nakita mo ba sya?"
"Oo" matamlay na sagot ko.
"Halika na, uwi na tayo. Makikita mo din naman sya bukas sa concert. VIP tayo remember."
*sigh
Oo nga pala nasa concert din pala nila ako bukas, nakalimutan ko na dahil busy ako kakaabang dito sa Airport.
----------
*Concert Day
"Autumnnnnnn !!!!!"
"Babaita di ako bingi wag mo ko sigawan. Ano bang problema mo kanina ka pa di mapirmi sa upuan mo." tanong ko
"Eh kasi naman, feeling ko panget ng pwesto naten. Feeling ko di sila kita dito."
"Sa Gen Ad kitang kita sila baka gusto mo makipag palit sa kanila." Sarkastic kong sagot.
"Joke lang, sabi ko nga tatahimik na ko eh"
Tumahimik naman sya, after ilang minuto nag iingay na ulit sya kasi nag start na.
Unang set palang ng song nila high na high na agad mga Army, syempre isa na ko dun.
Halos lumipad na Army bomb ko kaka wagayway. Etong katabi ko naman kulang nalang tumalon papuntang stage sa sobrang hyper.
Napa irap nalang ako sa hangin, parang kahapon lang galit na galit sya sakin dahil high na high kuno ako sa koreano, oh eh anong ginagawa nya ngayon? Mas hyper pa nga sya sakin eh.
After ng ilang kanta nag sasalita na sila for intro.
"Kamusta kayo, ako si Jimin tanda nyo pa ba?"
"OO PUTANG INA BUNTISIN MO KO JIMIN"
"YESSSSS!"
"WOOOOO! PARK JIMIN!!"
Expectation PH Army Vs. Int'l Army. -__-'
Kanya kanya silang pakulo sa pag tatagalog at nakakatawa talaga dahil alam mong napaka trying hard.
Nakita kong si V na ang may hawak ng mic. Akala ko mahalaga sasabihin nya kaso "Hi"
The heck?! =__=
After nila mag intro eme eme kantahan ulit at walwalan. Maya maya nag solo songs na sila.
Ganda talaga ng Mama ni Jhope. Naiiyak ako pag kinakanta nya yun. Arte ko.
After ng solo songs balik ulit sa walwalan na kanta. Hanggang sa yung pinaka aayaw ko na part.
Yung 2!3! Last song nila bago matapos ang concert, naiyak talaga ko literal.
After nung song nag pasalamat na sila. Tapos di ko ini expect sunod na nangyare.
Oo taena talaga di ko ini expect futa diba.
Si V kasi parang nakatingin sakin, parang lang naman at ayoko mag expect kasi diba alam mo na. Madaming tao dito sa concert nila. Baka isa sa knila ang tinitignan pero syempre nag aassume din naman ako haha!
Tapos nagulat ako ng bigla silang mag salita. Tapos mas nakakagulat yung sinabi ni V tengenee.
"ARMY thank you for your never ending love. And Autumn thanks for loving me. No worries, I will continue to love you as well. Please come to our fan meeting."
OoO
Literal na jaw drop to mga beks! English kasi haha! Joke!
A-ako talaga yun diba?
Ay shet ako nga nakaturo saken.
Ano ba irereact ko? Tangna! Unexpected.
"Autumn wag kang ngumanga, hawakan mo tong mic at sumagot ka."
Napa 'huh' look ako.
"Gaga, ano di ka titino hampas ko sayo tong mic." akmang hahampasin na nya ko hinawakn ko kamay nya at kinuha mic.
Ano ba to shet.
Kelan pa nagkaroon ng gantong event na magbibigay sila ng mic sa audience? Gaaad litong lito ako.
"Autumn yes lang sasagot mo wag mo pag antayin buong arena na anytime pwede kana kuyugin."
Pag lingon ko lahat sila nakatingin saken pati yung pito sa stage.
"Ahmm. Yes I will." nalang nasagot ko.
Lakas maka marriage proposal tangina.
Nakita ko, oo nakita kong ngumiti si V at nag good bye wave sabay sabing "See yah Autumn, see yahh Army. Till we meet again."
Gago? Tinawag nya ko sa pangalan ko ulet? I mean alam nya ba na ako yung sumigaw? Tangina.
Unexpected experience, but atleast I got a chance, a 0.0000000001 chance to be noticed by Kim Taehyung.
At masaya na ko kahit yun lang yun. Bahala na sa fan meeting. Aja! Korea wait for me! Este DFA, penge muna passport. Hahaha!
End.