Isang magandang dalaga ang bumihag sa'kin.
Isang napaka ilap na pangyayari ang nangyari sa'kin.
Di ako maka paniwala na ito'y umiibig na pala.
Sa halip ay pigilan ko ito.
Dahil di pwede magsama ang mayaman at mahirap.
Mamahalin ko siya , ngunit maraming sagabal sa buhay ang hahadlang sa'min.
Pamilya , kaibigan at ang karibal.
Pano namin'to mabibigyan ng hustisiya kung ito'y pinipigilan ng mga nagmamahal sa'kin.Ako nga pala si Dominic Sebastian , hasyendero at nag iisang anak ng pinaka mayaman na hasyendero sa lugar namin na sina David Sebastian at Devine Sebastian. Sila ang hahadlang sa pagmamahalan namin ni Diana , ang nagpahulog sa'kin.
Third Personal POV
January 24 1985
Nanganganak ngayon ang asawa ni Don David sa pribadong ospital sa kanilang panganay. Hindi mapakali at ito'y pa ikot-ikot at wari ba'y di niya mahintay ang paglabas ng bata. Hanggang sa narinig niya ang sigaw ng bata sa loob ng ICU at lumabas na ang doktor.
"Congrats Don David , your wife is done laboring your first child. It was a boy." Bati ng doktor kay David.
Nagsigawan ang mga kamag-anak at kapatid ni David dahil sa balitang iyon. Makalipas ang panganganak ni Devine , pinasok na siya sa kanyang kwarto kung saan siya mamamalagi muna. Nag isip ang dalawa kong ano ang ipapangalan nila sa una nilang anak.
"Mahal , kung Dominic kaya ?" Suwesyo ni Devine.
"Sige mahal , Dominic ang ipapangalan natin sa kanya." Pag sangayon ni David.Taon ang lumipas at lumaki na si Dominic. Mapilyo ito at subrang gwapo. Palaging pinapa-iyak ang mga katulong nila dahil sa sobrang pilyo nito. Parating nawawalan ng katulong dahil hindi kinaya ng mga ito ang kapilyohan ng batang Dominic.
"Ma'am , pero aalis na ako rito dahil di ko na kaya ang anak niyo." Umiiyak nitong pahayag ng katulong.
"Patawad talaga Aurora sa kapilyohan ng anak ko. Ito , ibaon mo to sa pag alis mo at sana'y makatulong ito sa'yo." Binigay ni Devine ang maliit na halagang pera at agad umalis ang katulong.Nakita ni Devine ang napakapilyo na anak nila na si Dominic at ito'y hinabol.
"Andyan kalang pala hah !" Hinabol ni Devine si Dominic at itong bata nama'y gusto ring magpahabol.
"Waaaah !"
![](https://img.wattpad.com/cover/64898564-288-k135064.jpg)