ALEXIS POV'S
hindi ko namalayan nakatulog ako matapos kung kumain kanina pag tingin ko ng oras seven pm na ... kaya naman bumaba ako... himala wala yung monster dito.. papasok sana ako ng kusina pero nakita ko syang kumakain, kaya bumalik ako sa kwarto..medyo busog pa naman ako eh.. mamaya na ko kakain.. nagbasa basa lang ako ng mga notes ko para malibang at may gawin dito sa kwarto ko …. Tinignan ko yung relo ko ten na kaya naman tinamad na ko magbasa tatlong oras na rin kase akong nagbabasa… nahiga na lang ako…. Gusto ko ng matulog…. Pero di ako dalawin ng antok ko.. idagdag mo pa yung ingay ng TV sa baba … naririnig kase dito sa kwarto eh … hanggang ngayon ba naman nanunuod parin yung kumaw nay un… feel na feel niya talagang tumira dito eh.. ang kapal talaga ng muka parang pader… ilang oras din akong nakahiga at paikot ikot sa kama ko…
"arggg!!! Nakakabanas na " inuntog untog ko ung ulo ko sa unan .. (alangan naman sa pader…masakit yun)
Hindi pa rin ako makatulog .. tinignan ko uli yung relo ko.. alauna na .. maya maya pa hindi ko na narinig yung TV… kaya dahan dahan akong bumaba...nagugutom kase ako.... at wala na nga sya sa living room.. pumunta ako sa kusina para kumain… alam ko may tira pa dun sa niluto ni mama kanina… pero pagbaba ko … wala akong nakitang pagkain..
"ubos na"
Nakakabanas talaga … ang dami pa nun ah … alam kong yung kumaw na yun ang may kagagawan nito… humanda ka …. Humanda ka bukas ….. buti na lang may mga stock akong cookies…. Yun na lang kinain ko.. asar talaga yun ah… pati yung binake ni mama na cookies inubos niya ….kahit yun lang naman sana tinira niya .. ang bwiset naman oh……….
GABRIELL’S POV’S
*hikab*
Ang sarap matulog pag busog.. ang dami kong nakain kagabi… hindi naman bumaba si Alexis kaya inubos ko na lang yung mga niluto ni Tita Carol kahapon habang nanunuod … pagbaba ko … naghilamos muna ako at magluluto sana ako kaso.. pagbukas ko ng cabinet ng mga pagkain kung saan nakalagay yung mga noodles at canton at mga stock nila…….
" asan yung mga pagkain dito? "
Wala akong makitang pagkain , tinignan ko rin yung ref,.. hindi ko alam lutuin yung mga nandun,, prito pwede pa pero wala akong makitang ipriprito..
BINABASA MO ANG
Bye Bye Old Me : COMPLETED
Teen FictionYour heart decides who it likes and who it doesn't. You can't tell your heart what to do, it does it on its own when you least expects it, or even if you don't want it to...