Chapter 10 ~ Gay or Not?

173 5 2
                                    

[A/N: Sorry sa matagal na UD. Eto na po… Isha is BACK…..]

Chapter 10

Isha’s POV:

“Ano ba! Ang ingay-ingay mong bakla ka! Lumayas ka nga sa maganda kong kwarto!” Sigaw ko sa kanya. Ang aga-aga nag-iingay. Bwisit!

“At ikaw ang aga-aga nagmamaldita na naman! Ang ganda-ganda ng umaga pero sinasayang mo ng kamalditahan mo.” –Jonas. Sumasagot pa ha! Sarap lagyan ng masking tape ang bibig ng baklang to nang matahimik dito sa kwarto ko!

“Maganda naman talaga ang umaga ko pero nung marinig ko ang palaka mong boses at muka mong NAPAKA pangit, pumangit na ang umaga ko. Ano bang problema at nandito ka? Binigyan ba kita ng permiso na pumunta dito sa Condo KO?” mataray kong litanya.

“Grabe ka talaga. Hayy… Kung hindi lang kita love at hindi lang kita sobrang kilala baka kanina pa ako nag walk out. I’m here kasi hindi ko na kaya na hindi mo pinapansin ang mga tawag at text ko. I know, you’re still mad at me because of Ervin. And I just realized now na may past nga pala between you and that car racer boy. Huh! May past?! Ee kung sabunutan ko kaya tong bakla na to. Sorry na Isha. Hindi ko sya sinagot. Bahala sya sa buhay nya. Anyway,  nakipag-usap na ako kay Mr. Chan. Sabi ko , baka hindi natin matanggap yung offer nila na new endorsement for you kasi medyo busy ka ngayon at hindi maisisingit sa oras mo ang pagkakaroon ng bagong endorsement. Lalo na’t babalik ka na ulit sa school.” –Jonas. I rolled my eyes.

Oo nga pala. I’m going back to school again. I studied in New York naman kaya lang mas nag focus na ako sa modelling career ko nun kaya hindi ko na rin natapos.

Tiningnan ko si Jonas. Malungkot sya. Ayyy…. Dinadaan nya na naman ako sa pagpapaamo nya ng kanyang mukha.

“Bwisit! Oo na! Wag mo na akong daanin sa paggaganyan mo. Sige na, tatanggapin na natin yung offer! Err! Alam na alam mo talaga ang weakness ko.” ngiting ngiti naman ang bakla dahil sa sinabi ko.

“Totoo? As in? Kyaaaahhhh….. napahawak ako sa tenga ko dahil sa nakakarindi nyang sigaw. Thank you! Thank you! Thank you! Alam ko namang hindi mo talaga ako matitiis.” –Jonas. Yinakap nya ako. tinulak ko naman sya. Eww! Kadiri!

“Pwede ba lumayas ka na nga bago pa magbago ang isip ko! Tsupii! Tumayo sya. Ano pang tinatayu-tayo mo dyan? Lumayas ka na sabi!” nakangiti lang ang bwisit!

“Oo na nga! PERO hindi ako lalayas dito sa Condo mo. Hihintayin kita sa labas ng kwarto mo dahil tayo’y lalabas! Kaya maligo ka na! Go! Pinilit nya akong tumayo. Ano ba naman! Tss… Wait! Nasan na nga pala ang magaling mong alalay?!” –Jonas. I raised my left eyebrow.

“Correction she’s my best of friend not my alalay! So, don’t call her like that.” Nag grin sya.

“Whatevs! Sige na, bilisan mo na dyan!” –Jonas. Lumabas sya ng kwarto ko.

I have no choice.

“What are we doing here?”

“Baka mag-e-enroll!” –Jonas. Tiningnan ko sya ng masama.

Oo. Sa kanya talaga ako natuto ng lahat-lahat. Sya talaga ang dahilan kaya ako naging ganito. Kaya sya talaga ang dapat nyong sisihin.

Naglalakad kami papuntang Admission para mag-inquire.

Syempre pinatitinginan kami ng mga tao. Aba! Ang kagandahan ko ba naman ay parang Nescafe, Nangingibabaw.

Si Isha Montes yan diba? Ang ganda nya pala talaga sa personal. Parang ang perfect nya no?Mamatay kayo sa inggit sa sobrang kagandahan ko.

The SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon