Chapter 28//

1.2K 46 10
                                    


VOTE AND COMMENT PARA SA AKING PAGBABALIK!!! HAHA

sorry!! medyo maikli 'to hinati ko siya sa dalawa. 


Chapter 28//

Apparently our "date" will be on his house. Dahil kung lalabas pa kami wala nang masyadong magagawa dahil nagsasara na yung malls ng 10pm eh 6pm na rin. Hindi ko pa alam yung plano eh. Umalis siya saglit. Tapos naligo ako at nag-ayos. Naka shorts, shirt na pinatungan ko nang sweater at slippers lang nga ako eh. Sabi niya hindi naman daw kami aalis. Bumalik siya sa bahay ng mga 7pm. Akala ko naligo din siya or something pero hindi naman.. ano kayang ginawa niya?

"Hi, Liza. Are you ready?" tumango lang ako, careful na hindi ko mapakita kung gaano ako kaexcited. Syempre naman, makakasama ko nanaman siya. Kahit saan pa yan, okay lang. Gusto ko lang siya makasama, kahit nakasama ko na siya buong araw, nakaka-excite na makakasama ko nanaman siya. Feeling ko never akong magsasawa sa mukha niya. Hay. Ang cute cute niya kasi!

Lumabas na kami ng house nila Pia at dumiretso sa kanila. Madilim nanaman yung bahay nila. Siguro wala pa yung mama niya. Pumasok kami tapos umakyat sa kwarto niya.

"Dahil hindi tayo naka-alis, dito nalang tayo sa bahay. Magmovie marathon tayo ng Filipino films. Sorry, wala masyadong magawa dito.. Wait, kuhain ko lang sa baba yung pagkain." Bumaba siya at ako naman umupo na sa sofa. Ang cute talaga ni Quen kahit kailan. Haha. Nakakatuwa siya grabe at nakakakilig. Haha. Pagka-akyat niya, may dala siyang tray, nilapag niya sa coffee table sa harap ng sofa.

Ang daming food!

"Anong gusto mong unang panoorin?" Syempre pinili ko yung one more chance, all-time favorite ko yun eh. Sobrang nakakaiyak kasi eh.

We watched it and of course I cried.

"Ang cute mo naman Liza! Wag ka na umiyak!" Hindi niya mapigilan yung tawa niya. "Para ka namang sira eh, nakakaiyak kaya sila! Wag mo na nga ako pagtawanan." nilagay niya yung ulo ko sa balikat niya at inakbayan ako. He just rubbed my shoulders and kissed my forehead. "Oh, sorry na. Shh.. don't cry."

I feel safe in his arms.

It feels like home.

Nanood lang kami nang iba-iba pang movies. He just kept his arms around me. Sobrang sarap sa feeling.  I mean, naakbayan naman na ako dati, pero sa kanya lang ako at sa mga akbay lang niya ako sobrang natuwa. Ang weird. Ewan ko nagiging cheesy ako pagdating sa kanya.

"Liza, are you awake?" bulong niya sa akin habang nasa kalagitnaan kami nang panonood nang My Amnesia Girl ni Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, isa 'to sa mga favorite kong movie eh.

"Yes, why?" tumingala ako para tignan siya tapos nanood na ako ulit.

"Nag-eenjoy ka ba kapag kasama mo ako?"  Ooh, serious talk. "Of course, sa tingin mo ba, makikipag date pa ako ulit sayo kung hindi ako nageenjoy?" 

"Really? Baka kasi napipilitan ka -" I held his hand at napatigil siya sa pagsasalita. Tinignan ko siya at nakatingin siya sa hands naming magka-intertwined. "Why did you stop?" 

"Wala, you're holding my hand." He said with a big grin. Ang weird at ang cute! "Wag ka masyadong mag-isip. I want to be with you, okay?"

"Okay." he grinned and hinawakan pa nang mas mahigpit yung kamay ko. "I have a question." i said.

"Ano yun?"

"Mamimiss mo ba ako pag umalis na kami?"

"Of course yes, saglit lang nga tayong maghiwalay, namimiss na kita eh. Paano pa yung mahigit isang buwan?" 

Three Month Rule (LizQuen) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon