[26] Confirmed

2.1K 22 2
                                    

Skyler's POV

Dahil sa sobrang stressed kami sa dami ng activities at lessons na i-rereview, nag-desisyon kaming pumunta muna sa Vanilla Café after classes. Kasama siyempre si Xander, 'yung STwins, si (ehem) Ivan, at saka 'yung isa pang malapit na kaibigan ni Xander na si Kiel. Oo, first time na magkakasama kaming lahat kaya naman super excited ako sa aking newfound barkada. O, 'di ba, ang saya lang.

Mabuti na lang at walang masyadong tao nang dumating kami du'n kundi baka maulit na naman 'yung nangyari noon. Baka may lumapit na naman na dalawang teenagers kay Alexander tapos makiki-selfie tapos dudumugin na naman kami, este siya, ng media tapos tatakbo na naman kami palayo hanggang sa mawala na namin sila. Hay, iniisip ko palang, nakakapagod na. Considering the fact na sobrang busy pa sa school nitong hapon, hay, 'di ko keri. Pero malayo naman 'atang mangyari 'yun dahil wala namang masyadong teenagers na nakatambay dito, karamihan eh mga mommies na tini-treat ang mga anak nila or mga couples so good sign naman siguro ito.

Nang makahanap na kami ng mga seats, lumapit sa'min 'yung isang waiter at binigyan kami ng tig-iisang menu. Nang makapili na kami ng makakain, pinalista na namin 'yung mga orders pagkatapos nag-usap usap muna kami habang naghihintay.

"Guys, sino sa inyo ang friends na sa new student?" Biglang tanong ni Shayne. Lahat ng tingin ay napunta kay Xander. Eh kasi, obvious naman na friends na sila 'nuh. 'Di man sila aware ay center of attention sila kanina sa canteen. Tapos parang ang komportable pa nila sa isa't-isa. Pero 'di naman na ako naiinis, 'nuh. Wala naman akong karapatang pagbawalan si Xander na makipagkaibigan sa ibang babae dahil gaya nga ng sinabi ko, 'di ko siya pag-aari, tsaka friendly lang naman talaga siya eh. Okay, ba't ba ang defensive ko, move on na nga.

 "What? Ba't kayo nakatingin sa'kin?" Inosenteng tanong ni Xander at tinaas pa ang dalawang kamay na tila walang ka-ide-ideya.

"Diba tinatanong ko kung sino ng friends sa new student? Ikaw, hindi ba?" Sabi ni Shayne. Jusmiyo, baka another lecture na naman ang matanggap ni Xander nito. Alam niyo naman 'tong bespren ko, may pagka-protective din 'yan tsaka siguro napansin niya na nawala ako sa mood kanina dahil sa scenario sa canteen. Hay, ang oa talaga nito kahit kailan.

Napakibit-balikat si Xander, "I guess."

 

Nag-make face si Shayne, "Sus, I guess I guess ka diyan. Hindi mo ba alam na nasasaktan si—-" Sure na sure akong pangalan ko na ang susunod niyang babanggitin kaya sumabat na ako sa usapan nila bago pa magkaroon ng argumento sa pagitan ng dalawang 'to. May pagka-amazona pa naman 'tong si Shayne kung minsan.

"Ah, ayan na 'yung drinks natin oh." Phew, buti na lang dumating na 'yung waiter kundi—Ah okay, hindi rin. Sa ibang table pala niya ibibigay 'yung drinks. Awkward.

"Ay, 'di pala. Okay." Nahihiyang sabi ko at nag-peace sign.

Tumingin sa'kin si Ivan habang nagpipigil ng tawa. Isa pa 'to, ba't 'di na lang subukang palitan ang topic eh. Gusto ko na tuloy lumubog sa kinauupuan ko.

"Okay naman na kami ni Skyler, Shayne. Tsaka mabait naman si Jessica eh, wala naman siyang masamang intensyon." Depensa ni Xander.

My Best Friend is Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon