[34] Her First Crush

1.9K 23 8
                                    

Dedicated to one of my best friends in real life, also the prettiest and isa sa mga pinaka-true friend at book buddy ko, @ehmgee03. (: HAHA. Hi Mary Grace! Here’s a dedic for you. :P Stay nice! Thanks for being a good friend to me. :] Mwa :*

 

P.S- Sorry pala kung ngayon lang po nakaUD :[ Busy kasi these past few days dahil exam po namin.

Kung sino ‘yang nasa multimedia? Malalaman sa last part ng chap na ‘to :) Sige, ang dami na nito masyado. Haha. ^_^ Happy reading guys!

 

 

Skyler’s POV

 

 

Nagpahinga muna kami dun sa grass ng ilan pang minuto at nagkuwentuhan ng kung anu-ano. Wala eh, ‘di na namin namalayan ‘yung oras kasi nag-eenjoy talaga kaming magtsismisan. Imagine, game din ‘yung mga boys? Nababading na ‘ata ‘tong mga ‘to, kalalaking tao eh. Nakikipagtsismisan din. HAHA.

“Hey guys, 12:00 na pala. Let’s go eat our lunch. Text ko lang sila Kuya.” sabi ni Xander, tapos nagtungo nga kami sa isang restaurant. Buti nga medyo nakahinga na din ako ng maluwag kasi kumasya naman ‘yung budget ko. Kala niyo nagpalibre ako kay Xander? Hindi ah. Masyado na akong lubog sa utang. Masyado ng nakakahiya. Tsaka ang kapal na naman ‘ata masyado ng mukha ko niyan. xD

After that, nagpunta kami sa Metropolitan Museum of Art. Grabe. Suggestion lang ‘to ni Kiel actually. Did I mention mahilig siya sa mga paintings? Yeah, mahilig din siyang mag-drawing eh. Nakita ko nga ‘yung mga sketches niya nun eh. Galing. Ang daming mga iconic art dun promise. Ang gaganda talaga. Nakakamangha. Now I adore art na. Ang ganda eh.

Siguro an hour and a half kami dun, ang dami kaya. After looking at the paintings and strolling, nag-meryenda kami. Grabe, puro kain kami ah. 70% ‘ata ‘yun, 30% lang ‘yung gala namin. HAHA.

Then after that, nagpunta naman kami sa Brighton Beach. Grabe, kakaiba din dito ah. Napakafresh ng hangin at napaka-peaceful din. Ayun, maghapon na kami dun, siyempre with foods kami noh. Nag-barbecue pa nga kami eh. Ayun si Xander, ang sinabi kong peaceful, naging loud nung makita nila ‘yung best friend ko. Grabe ah. Ang sikat niya talaga. Halos lahat na ng pinuntahan namin eh pinagkakaguluhan siya.

At ayun, ‘yung sinabi kong hapon, umabot sa gabi. Grabe rin eh noh? Hindi niyo rin kami masisisi. Eh sa ang ganda dito eh, gusto ko na ngang tumira. Joke. Mas gusto ko pa rin sa bahay siyempre. HAHA. Pero basta, nacaca-calm kasi ng nerves dito eh. Halos kami na nga lang natira dito, nagsipag-uwian na ‘yung mga ibang bagets na andito kanina.

Nag-marshmallow rin kami at madami pang food trip. Tapos naghabulan kami sa beach. Parang mga engot lang. Tapos nag-sand castle. Tapos umupo kami dun sa buhanginan nung napagod na kami. 

My Best Friend is Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon