Yiee. After 1234567890 years, may one shot na ulet ako. Haha. This is dedicated to Ate Gail. Our gorgeous founder from neverland. Haha. Hello Ate Gail! Sana magustuhan mo to tsaka sorry talaga at ngayon lang ako nakagawa. Sobrang busy eh.
Sorry rin sa Typos. Ganyan na ang tamad. Haha
PS: VOTE AND DO LEAVE SOME COMMENTS. CAPS YAN PARA INTENSE! SALAMAT :*
--
Heartbreak Girl
“Ang sakit. Bakit ganun, Matt? Prket mas maganda, mabait at matalino yung bago niya, ganun niya lang ako kadaling palitan? Ako yung una niyang nakilala. Ako.” Gabi=gabi na lang kaming ganito. Tatawagan niya ako, makikinig ako. Kahit ang totoo niya, gustong suto kong basagin ang pagmumukha ng lalaking yun. Dahil sa kanya, nasasaktan ng sobra ang bestfriend ko.
“Baki, ako naman yung una mong nakilala ah. Mas lamang ba siya kaya siya na lang?” pajoke kong sabi. Kahit yun naman rin talaga ang gusto kong sabihin.
“Haha. Shunga ka talaga Matthew. Magkaibang bagay naman yung sa atin nuh. Adik ka masyado.” She’s right. Magkaiba nga yung sa amin. Kaibigan lang pala ako at eto, nastuck sa FRIENDZONE. Di ko alam kung makakaalis pa ba ako dito.
“To naman, nagjojoke nga lang eh. Atleast napatawa kita.” Kahit marinig ko lang naman ang tawa mo, okay na okay na yun sa akin.
“You never fail to make me smile Matt. Thank you dahil andyan ka parati para sa akin. You really are my bestfriend. Osha. Next time na lang ulet, antok na ako eh. Bye!”
*TOOT*
Hayy. Ganito kasi yan, liligawan na sana siya nung lalakeng sinasayangan niya ng luha niya ngayon kaso ayun. May nakiatang mas nakakalamang kesa sa bestfriend ko. Kaya iniwan ito sa ere, pinaasaat ayan na nga. Iyak ng iyak at sobrang nasasaktan.
Pero masakit naman talaga eh. Dahil ganun rin ang nararamdaman ko. Kasi ako yung una nyang nakilala. Siya ang una kong minahal. Yung lalake na yun ang una niyang napansin. Kami, hanggang magkaibigan lang talaga.
“Haay. Ang corny ko na. bading na ata ako.” Nagbuntong hininga na lang ako at isinalampak ang sarili sa higaan. Di ko parin maiwasan na isipin siya.
She’s Abigail. Maganda, matalino, mabait, masayahin, matakaw, matatakutin, makulit at aabutin tayo ng isang taon kung iisa-isahin ko pa ang mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. I love all of her, flaws and everything. Just the way she is.
At ako naman si Matthew. Ang bestfriend na parating shoulders to cry on ni Gail. In short at para mas klaro, na’friendzoned. Matagal ko na siyang gusto. Simula nung una ko siyang makita.
Ginawa ko ang lahat. Nakipagkaibigan ako at nung naging maging magkaibigan na kami, di ko inaasahan na magiging close pa kami. Naging magbestfriends kami at yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Akala ko kasi may pag-asa na pero yun pala, hanggang dun lang pala talaga ako.
***
Ang ganda niya. Naglalakad siya papunta sa direksyon ko ngayon. Parang slow motion ang lahat. Sabayan mo pa ng napakaganda niyang ngiti at ang paglipad ng kanyang buhok gawa ng malakas na hangin.
Corny ba masyado? Pasensya, inlove lang. Haha
“Anong ginagawa mo?” sabi niya habang nakatingin sa notebook ko.
“Ahh, wala. Nangongopya lang ng notes.” Agad agad ko namang kuniha yung notebook at isinuksok sa bag ko. Ayaw kong makita niya ang surpresa ko para sa kanya.
“Psh. Napakatamad mo talaga.” At pinalo naman niya ng braso ko. Tong babaeng to,napakasadista talagaga kahit kelan.
“Atleast, di napapagod na mahalin ka.” Mahina kong sabi.
“Anong sabi mo?”
“Wala. Sabi ko, mag-move on ka na.” di ako nakatingin sa kanya nun. Inayos ko na lang ang gamit ko. Tae. Nadulas pa ata ako. Buti wala siyang narinig.
“Sabihin mo nga Matt. Paano ka nga ba magmu-move on ung mahal mo pa rin yung tao?”
“Di ko alam Gail.” Siguro natamaan rin ako dun. Ako nga yung di makamove on dito eh. Sa isang simpleng dahila. Mahal ko pa rin siya.
“Nga pala, malapit na yung contest ah. Ano, may kakantahin na ba kayo?” pag-iiba naman niya ng usapan. Eto yung gusto ko sa kanya eh. Di ka mabobored na kausap siya kasi napakarandom niya.
“Ahh. Oo, meron na. malapit na kami matapos.” Yun na yung surpresa ko sa kanya. Yung contest kasi eh parang battle of the bands kaso dapat ang performance niyo o ang kakantahin niyo eh ang sarili niyong composition. In short, gumawa ako ng kanta para sa kanya at kailangan niyang marinig yun.
“Punta ka ah. Sa sabado na yan.”sabi ko ng nakngiti sabay bigay sa kanya yung ticket.
“Di ata ako makakapunta Matt.Mag-uusap kami ni Drew eh. Sorry.” Bigla namang sumimangot ang mukha ko. Pero ngumiti naman ako agad para di halata. Grabe. Siya nanaman. Mahal niya parin talaga ang lalaki na yun. Sht.
“Ahh. Ayos lang. itago mo na lang yan. Para sayo naman talaga yan eh.”
SATURDAY.
“Pre, tara na. tayo na sunod.”sabi sa akin nung kabanda ko. Wala akong gana na kumanta pa. di naman maririnig ni Gail yung ginawa ko para sa kanya.
Tumayo ako sa harap ng maraming tao at hinawakan ang stand ng Mic. Andaming tao pero isang tao lang naman ang gusto kong makita.
Wala. Di ko siya makita. Eh wala tayong magagawa. Mas pinili niya ang lalaking yun kesa sa bestfriend niya.
Pero ito na lang ang pag-asa ko. I worked hard for this. Kaya kahit di niya man ito marinig..
“I dedicate this song to my bestfriend, Abigail Chua. Gail, mahal kita.Sobrang tagal na. Kaso mukhang di mo maramdaman eh. Eto rin naman kasi ako, sobrang torpe. Pero sana masaya ka na sa kanya. I love you Gail. You’ll always be my Heartbreak Girl” at nagsimula na akong kumanta.
<lyrics>
Natapos na akong kumanta pero di ko pa rin siya nakita. It’s over. Wala na talagang pag-asa.
Nagbuntong hininga na lang ako pababa ng stage. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang may kumalabit sa akin.
“Pare, sulat. Pinapaabot sayo.”inabot niya sa akin ang isang nakatiklop na papel. Sino naman kaya ang magpapadala nito. Pagbukas ko…
Matt,
Hindi ako nakipagkita kay Drew. Wala namang talaga Drew eh.Gawa gawa ko lang yun. Ang totoo nga niyan,ikaw yung palagi kong iniiyakan. Yun nalang yung naiisip kong paran para masabi sayo ang nararamdaman ko eh.Habang kumakanta ka kanina, ang saya ko dahil mahal mo rin pala ako. Akala ko kasi, gusto mo yung bestfriend ko. Mas nakakalamang naman talaga siya sa akin eh. Pero alam mo napakasaya ko. I love you Matt. I’ll always be your heartbreak girl.
PS: Napakabulag mo. Hinahanap mo ako, di mo naman kinukumpleto ang tingin mo.. Ang liit ko kaya di mo ko nakita. Andun lang naman ako sa gilid, kanina ka pa pinapanuod. ^_____^V
Gail.
---
Nagustuhan ba? Feeling ko may part two pa to. Yung POV pa ni Gail. Hihi. Pero di pa yun sure. Busy eh :)
Vote and comment lang po :)
-simatakawnawriter.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Teen FictionDifferent people. Different stories. Different Shots of love. Written by: miraabella