Medyo harness tong storya na to. Napakasabaw ko eh. Haha.
Holdap 'to
by: Simatakawnawriter
--
Pauwi na ako galing eskwela. Medyo nagmamadali nga ako dahil pasado alas’syete na ng gabi. Natagalan kasi kami sa pagsasanay ng sayaw para sa intramurals na ipapalabas na naming bukas. Nakakatakot pa naman ang daan ko pauwi. Puro mga lasenggo kasi ang mga gumagala roon at pag minalas ka, ikaw pa ang mapagdidiskitahan ng mga suntok na sa buwan ang tama. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakalagpas na ako sa mga lasenggong patuloy pa rin sa pagtagay sa tindahan ni Aling Chona. Di pa lang ako tuluyang nakakalayo, naramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Sa tuwing lilingon ako, wala naman akong nakikitang tao sa likuran pero pagnalakad na akong muli, bumabalik yung mga hkbang na sa tingin ko’y palapit na ng palapit sa akin. Nagsimula na akong kabahan. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero naalala kong naiwan pala ito sa bahay. Ang malas naman. Ang tumakbo na lang ang tanging paraan na naisip ko. Ihahanda ko n asana ang sarili ko sa pagtakbo pero huli na ang lahat. Nakagapos na ako sa kanya at pilit akong nagpupumiglas. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin at bumulong, “Holdap to. Akin na yang puso mo. Pramis, di kita sasaktan.”
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Novela JuvenilDifferent people. Different stories. Different Shots of love. Written by: miraabella