Let's Travel

83 3 0
                                    

Mallow’s Note:

Hollaaa! Wala munang part II ang Heartbreak Girl kasi di ko pa alam paano sisimulan. Hihi. So here it is, another one shot for everyone. Nakakatawa nga eh. Nasulat ko to nung mga time na nag-iimagine ako kung ano ang mangyayari sa retreat namin. Anyway, ngayon lang ako nakaUD kasi nagretreat nga ako. Haha. Andaming nangyare. Well, sa kasamaang palad, di naman nangyari tong inimagine ko na to, at kung nangyari man to, abay ang haba na ng hairrr ko. Muahahaha. v(^___^)v

Vote and comment people!! :)

Let’s Travel

“Ano bang ginagawa mo?”

“Psst. Wag ka ngang maingay, nasa climax na ako.”

“Kasi naman, parang baliw ka na kakatingin dyan sa phone mo. Kanina pa—“

“Kyaaaaaaaaaaa.” Nagulat ako nang bigka niya akong niyakap. Ano bang nagyayari sa kanya?

At okayyyyy. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa loob ng bus. Akala nila siguro binabastos ko tong si Aly. Ako nga tong namomolestya oh.kanina pa nga nakayakap tong babaeng to.

“Huy, Aly! Tsk! Ano ba kasi ang nangyari at tili ka ng tili dyan?” napakamot naman ako sa ulo ko.

“Waaa. Nakakakilig kasi.” Sabi niya habang pinapalo-palo pa ako sa braso. Psh. Sadista.

“Ang alin naman?” napakunot naman yung kilay ko. Siya naman, inirapan lang ako at saka pinakita ang phone niya.

“Oh,  wattpad nanaman.” Hay. Adik talaga tong babaeng to. Di na nagsawang magbasa.

“Bakit, masama bang magbasa?”tinaasan naman niya ako ng kilay. Oh, ano nanaman ba problema nito?

“Oo, masama.parang baliw ka na kasi diyan. Kung di ka natatawa o kinikilg, naiiyak ka naman. Ang OA lang.”

“Di kaya yun OA. Atleast sa mga binabasa ko, nabubuhay yung mga matitinong lalake. Wala  na kasing ganyan ngayon. Iwas boredom na rin, matatagalan pa tayo sa byahe eh.” At nagbasa naman siya ulet. Sus. Nagdrama nanaman. Mukhang naalala ata yung ex niya.

Napatingin na lang ako sa bintana at tinignan ang bawat gusali, tinadahan at mga taong nalalagpasan ng bus.

“Ang sweet naman nung boy.”

“Ha?” napatingin naman ako bigla sa kanya. Bigla kasing nagsasalita, wala naming kausap.

“Ang sweet naman niya kasi nung nakatulog na yung babae, pinarest niya yung ulo nung girl sa balikat niya tapos hinalikan sa noo. Grabe, ang sweet talaga.” Medyo natatawa pa ako habang nagsto-story telling siya. Eh kasi nakapikit tapos hinahawak yung phone niya ng kanyang dalawang kamay.

In short, parang nagdadasal. Hahaha. >:)

“Oi, Mikmik! Ba’t ka tumatawa,ha?” Lagot. Nahuli ata ako.

“Ha? Ako?” tinuro turo ko pa ang yung sarili ko. Parang anytime, sasabog na ako kakatawa

“Hmph. Bahala ka nga dyan.” At nagbasa nanaman siya. Hay, mga babae talaga, hirap ma-gets.

Pinasok ko na lang sa tenga ko yung earphone ko at tumingin ulit sa bintana. Mahaba habanng biyahe pa to. Baka gabihin kami.

Papunta kami ngayon ni Aly sa bahay ng Tita naming. Tita ni Aly dahil kapatid siya ng nanay niya at Tita ko, dahil kaibigan siya ni Mama. Birthday niya kasi bukas tsaka maghahanda daw siya eh.

Kakabata ko nga pala si Aly. Lahat ng baho niya, alam ko. Lahat ng kaabnormalan niya, kinatatakutan at kung ano ano pa.ang di ko lang alam eh kung nakamove on nab a to sa childhood years niya. Sobrang isip bata kasi pero ang cute naman niya.

Napatingin ako sa kanya. Ayy, tulog na pala. Yan kasi, pinapagod ang mata kakabasa.

“Ang sweet naman nung boy.”

Naalala ko bigla yung kunukwento niya kanina. Napatawa naman ako bigla. Haha. Ano ba naman kasi ang itsura niya, feel na fell eh.

Pinatong ko naman yung ulo niya sa balikat ko at napansin ko naming mas lalong naging maayos ang pagtulog niya.

Napangiti ako habang tinititigan siya.  I can’t do that too Aly, I can be your wattpad character too.

*tsup*

Bigla naman siyang nagising at kinusot kusot yung mata niya.

“Teka, Mikimki! Alam mo ba, napanaginipan ko kung kinukwento ko sayo kanina. Hihi. Pinarest niya yung ulo ko sa balikat niya tapos kyaahhhh! Hinalikaan niya ako sa noo!!Pero medyo iba lang eh. Ba’t parang totoo? Feeling ko, di lang basat panaginip yun. Parang totoong nagyari.”

Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing..

“Let’s Travel!”

I’ll travel to your heart.

--

Yieeeeeeeeeee. Haha. Sana may ganito boy. O di kaya magswap ang boys sa watty at sa real life kahit 1 year lang. Haha. Ang adik ko na. :)

xoxo

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon