Tuesday nun, maaga akong nagising kaya petiks lang ako papuntang school. Feel na feel ko maglakad sa gitna ng kalsada kasi kokonti pa yung sasakyan. Ineenjoy ko din yung malamig na atmosphere tsaka yung heels ko. First time ko magheels, ipush natin to.
"HOY ate Allie!" Kinulbit ako nung pinsan kong si Dana. Papasok na din pala sya sa school.
"Oh? 7 am din class mo?"
"Oo, tara na..ayun oh tricycle"
Sumakay na kaming dalawa. Habang nasa byahe sumulyap ako sa salamin, baka kasi magulo na yung buhok ko or may muta pa ko. Sayang naman ang ayos ko ngayon :D Diba girls? Alam nyo tong feeling na to e, parang ikaw ang bida ng araw na to. Kaya magmamaganda ka all the way! Tsaka college nako kaya dapat magmukha nakong dalaga.
Pagdating namin sa mismong sakayan ng jeep papuntang school natanaw ko na agad na isa palang yung sakay..kaya nagdalawang isip ako kung sasakay kami sa jeep na yun. Tagal kaya nung mapuno.
"Dun nalang tayo sa ibang jeep, matagal pa mapupuno yaaaan" Bulong ko kay Dana na kebs lang naman kaya lumagpas kami.
Medyo lalagpas na kami sa jeep na yun nang mapalingon ako at nakita ko yung itsura nung nag-iisang sakay..
"WAIT! DANA!!" Tinawag ko yung pinsan kong nauuna na sakin.
"BAKIT?!" Bumalik sya.
"Dito nalang pala tayo :D"
Sabay sakay agad sa loob ng jeep kung saan nandoon si Harvey..
ANG KINABABALIWAN KO <3 CHOS
Sinasabi na nga ba araw ko to e. I knew it!
Dun ako sa left side umupo, andun din kasi sya..malapit sa driver. Yung pinsan ko naman katapat ko lang..
Nakangiti ako sa pinsan ko kaya alam kong nawiweirdohan na sya sakin. Shet kinikilig ako! :">
Sumusulyap ako sa kanya..haaayyy ang ganda ng lips nya oh tas ang tangos ng ilong. Di naman sya ganun kagwapo pero basta, may something. Ang linis pati nyang tingnan, parang kahit di sya naligo mukha parin syang mabango..super turn on.
Tapos maya-maya nagdatingan na yung pasahero. OMG. Nagdalawang isip ako kung uusad ba ko papunta sa kanya o palayo..kaya ang ginawa ko,
"Dana dito kana sa tabi ko.." tas nung lumipat sya nagmove ako ng konti palapit kay Harvey. Saktong may mga umupo na rin sa left side kaya mas napalapit na talaga ko sa kanya. Yung tipong 2 inches nalang yung pagitan ng mga hita namin :3
"Makikilapat-lapat na nga ho jan sa kaliwa!! Isa pa jan!"
Manong naman e..edi push! Lapat kung lapat! XD
Yung kamay ko nanlalamig na pinapawis tas di ko mapigilang mapangiti. Yung pinsan ko feeling ko nakakahalata.
Buong byahe akong GV. It was the best 10 mins of my life. CHOS. Feel na feel ko mag-abot ng bayad sa kanya. Tapos iaabot nya naman sakin yung sukli. Ang saya-saya ko po,swear! :)))))))
Hanggang sa nakarating na kami sa school. Nagsibabaan na yung mga estudyante.
Bababa na sana kami kaya lang nahulog yung cellphone ni Dana, ayun nauna na tuloy bumaba si Harvey, medyo late na rin kasi.
Pero bago ko bumaba, nakita kong naiwan ni Harvey yung ID nya, nakakabit pa yung putol na part ng ID lace nya.
THIS IS GOLD. JOKE.
Pinulot ko yun saka bumaba para hanapin sya, pero di ko na sya naabutan..Ang layo na kasi nya. Buti nalang hindi mahigpit ngayon yung guard, nagpapasok ng walang ID.