*Jaycee
Naglalakad ako. Paalis na ng shop. Kakatapos ko lang makipagpustahan. Dumayo pako dito. Hinamon nila ko eh. Pinagbigyan ko naman kawawa naman. Haha. Pag labas ko nga may nakita kong babae Ang ganda nya tumigil ako sa paglakad kase parang papunta sya sa direksyon ko. Angelic face sya. Pero parang ang lalim ng iniisip nya. Sobra. Nung malapit na sya saken nagulat ako akala ko nakita nya ko Pero Hindi pala kaya
OUCH! BAT DI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO! Sigaw nya sakin. Ang cute nya hahaha.
Miss teka lang eh ikaw tong tuloy tuloy sa paglalakad eh. Sabay ngiti ko sa kanya.
Bigla nman syang namula. Sabi na isang ngiti ko lng blush na agad. Sa gwapo ko na bato. Haha. Bigla ulit syang nagsalita.
A-Ay. S-Sorry po K-Kuya. P-Pasensya na. Sge U-Una napo ko. Haha nauutal pa. Sabay alis na sya. Nagulat ako pumasok sya sa shop. Nacurious naman ako sakanya. Maglalaro sya? Eh alam ko puro dota lang jan. Imposible namang mag fafacebook sya kasi mukha syang mayaman haggard nga lang haha. Sinundan ko sya. Nagulat ako. Huminto sya sa harap ng kalaban ko kanina. Tapos nag salita na sya.
Kurt ko!
Aww. Taken na pala. Kaya umalis na lang ako. Ang weird ng nararamdaman ko parang dinurog ung puso ko. Hoy jaycee magtigil ka nga . Kalalaki mong tao maka emote ka.
Umalis na nga ako. Nagdadrive ako kahit saan. Halos kalahating oras na rin ng bigla akong nakakita ng babae. Malamang may buhok tska nakapandamit babae. Alam mo naman lalaki yan jaycee. Bugok ka rin no. Pero parang pamilyar sya sakin. Lumapit ako pero di nya ko napansin. Oo sya nga yung kanina. Yung babaeng kapag kaharap ko halos gustong kumawala ng sawa sa tyan ko. Hanggang ngayon na tinitignan ko sya.
Lumapit nako may dalang payong at.
Miss! Baliw kana ba? Magpapakamatay kaba? Eto nalang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabhin ko.
Pero nakita ko sya na parang nanghihina na parang hindi makahinga pero nagsalita pa sya ngOo baliw nako. Baliw nak-- BOGSH!
Nagulat ako na bigla syang nahimatay syempre sakin bumagsak alangan naman di ko saluhin haha. Pero huy jaycee ano gagawin mo. Hospital. Oo hospital. Dali dali ko nga syang pinunta na sa ospital. Habang papunta kame. Kitang kita ko na nahihirapan sya. Ano kaya nangyare? Kanina lang eh. Halos tuwang tuwa sya nung makita nya ung. Sino nga ba yun? Basta yung boyfriend nya. Bakit kaya? Ayst. Jaycee relax okay. Para ka nang timang Oo kase kinakausap mo na yung sarili mo. Hanggang sa makarating na kami sa hospital. Kinakabahan ako. Tska ngayon lang ako nagdala ng babae sa hospital.
Halos kalahating oras na din ako nagiintay. Its already 4:00. May Gimik nga pala kami ng barkada ko. Tatawagan ko na muna sila na cancel muna yung gig namin.
At sakto naman na paglabas ng doktor nakangiti. Parang nabunutan ako ng tinik.She's fine. Pwede ka nang pumasok
Doc..ano ba nangyari sakanya? Bakit ganun?
Meron syang asthma. At stress pa at sobrang pagod. Bakit ba sya umiyak? Dahil kase dun kaya nawalan na sya ng air sa katawan nya. At nagpaulan pa.
Ah. Ganun ba doc. Hindi ko rin po alam sige po Salamat.
At pumasok na nga ako sa loob nakita ko nanaman yung angelic face nya. Bigla nanaman tumibok ng pagkalakas lakas at parang nag galawan ang sawa sa tyan ko. Haha Hindi ko na maipagkakaila na Hindi sya Mahirap magustuhan.
*CINDY
Unti unti kong dinilat yung mata ko. Andito ko sa lugar na kinakatakutan ko. Yung lugar na ayoko. Lugar na bumabalik sa alaala ko. Bumibigat nanaman ang pakiramdam ko. At inaalala kung bakit ako nandito. Napaiyak nalang ako dahil nagawa sa akin yun ni kurt. Hindi ko alam. Ang sakit sakit. May tumulo nanamang luha sa mata ko. Bat nya ginawa sakin to. Wala namn akong pagkakamali eh. Wala. Halos ibigay ko na ang panahon at ang mundo ko sa kanya pero nagawa nya yun sakin.
BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT?
AléatoireSino nga ba pipiliin mo? Yung lalaking Sobrang Minahal mo pero nagawa kang iwanan at saktan etc. Pero mahal mo pa din. O ang Lalaking tumulong sayo na Makalimutan at Minahal mo na din ngayon ng Sobra. Pano ka nga ba makakapamili kung parehas silang...