Chapter 12
Kat's POV
One word to describe him. "MOODY!"
Daig nya pa ang babae. Kanina lang ang sungit sungit tapos bigla na lang tumahimik.
Ang Moody nya.
Tahimik lang kami ngayong nakaupo. Di ako sanay na nagsusungit siya. Mas maganda pang magsungit ka na lang buong araw kesa manahimik. Nakonsensya tuloy ako. Masyadong napalakas ang kurot ko. Dumugo pa at hanggang ngayon mapula pa rin.
Ahhhh! I can't take this!
Tumayo ako para pumuntang clinic. Hindi pa naman kami ang susunod na papasok. May time pa. Humiram ako sa nurse ng alcohol, cotton at band aid. Pagkahiram ko, bumalik agad ako sa kinauupuan namin kanina. Nakapikit siya. Ganyan-Ganyan yan kanina. Malamang gising yan. Nilagyan ko ng alcohol ang Bulak saka ito pinunas sa kanya. Bahala na kung magalit siya, basta malinisan lang yan. Konsensya ko pa kung magka tetano yan! Haha :)
Nang malinisan ko na ang medyo namumula niyang pisngi, nilagyan ko ito ng band aid. Aba! Tulog nga ata ito. Sige matulog ka na lang. Mas mabait ka kapag tulog.
"MASTER! ANG PANGET PANGET MO! Hahaha"
Oh di ba. Walang React. Mabait talaga siya kapag tulog. Hindi ako Sinungitan. ^.^
Binalik ko na ang Alcohol at bulak sa Clinic. Nagthank you ako sa nurse. At nagsalita siya
"Ang Swerte ng boyfriend mo sayo"
Anudawwww? Boyfriend? Wala po akong Boyfriend. Inosente pa po ako! Hahaha
"Oo nga po Ang swerte swerte nya kung nageexist man siya"
"Hindi mo yun boyfriend?"
"Po?Sino po?"
"Yung Nilagyan mo ng band aid. Sinundan kasi kita.. Baka kailangan mo kasi ng tulong ko. Kaya lang nakita ko medyo maliit lang naman pala yung natamo niya.."
Yung Sungit na yun? Boyfriend ko? In your Dreams ate nurse ^.^
"Di ko po sya Boyfriend "
"Weh? "
Ay di naniwala ><
"Kung magkakaboyfriend po ako.. Sisiguraduhin kong mabait at Lalong hindi masungit.. ^.^"
"Ay hindi nga kayo? Sayang bagay pa naman kayo.."
"Hindi naman po.. Ah.. Sige po Una na po ako. Baka Kami na ang susunod na magpeperform.. Sige po thank you."
Bat Ganito? Ang Bilis ng tibok ng puso ko.
ABNORMAL NA PUSO. BALIW NA PUSO.
Ay anu ba yan napapagaya na ako kay Mr. Sungit.
Erase.Erase.
Bumalik na ako sa kinauupuan namin. Tulog pa rin tong sungit na to? Wala namang masama kung kakausapin ko ang tulog di ba? Haha Kesa naman mapanis ang laway ko dito.
"Master Sungit.. Alam mo? Gwapo ka sana eh.. Kung di ka lang naging masungit! Kung naging mabait ka lang crush na kita.. Sayang.. Kamukha mo pa naman yung crush ko.. "
"Sabi ng Nurse.. Bagay daw tayo! As if naman gusto mo ko. Di ba?"
"Pano kung sabihin ko sayong OO.."
Hala.. Nagsasalita ang tulog.. Nananaginip ba to?
"Hahaha. Ang Cute mo pala kapag nananaginip.."
Hahaha. Ang cute nya! Mavideohan nga sya. ^.^
Itinapat ko ang camera sa kanya. Ang Cute Cute nya ^.^
Malagay nga to sa youtube! hahaha :)
Bigla nyang hawakan ang Right Arm ko habang nakatapat parin sa kanya yung camera. Nakapikit pa rin siya. Hindi nga siya tulog? Teka. Mainit yung kamay niya. Hinawakan ko yung forehead nya. May Lagnat nga siya.
What To Do? What To Do? ><
BINABASA MO ANG
My Freakin Lover
HumorSi kat.. YES! Sikat ang crush/dreamboy ni KAT. Magiging sila kaya o iba ang nakatadhana para sa kanya. She doesn't believe in happy ending before until she met "Prince Charming" of her life.