Is This Their Last Happy Moment?

4.1K 151 14
                                    

pagkatapos kumain ng magpinsan nagpaalam na sila sa isa't isa.

deritso ng uwi si Jason para makapagpahinga ng maaga.

habang nag dadrive si Claire inaalala niya ang tungkol sa pinag usapan nila ni Jason about sa plano nila.

pangiti ngiti siya na iniisip ang binabalak nila. she grabbed her phone para tumawag ngunit nadulas ito sa kanyang kamay kaya nahulog sa bandang paanan niya. dahil gabi kinapa niya ito gamit ang kanang kamay habang ang left hand naman niya nasa manibela at ginaguide ang way.

maya maya pa nahagip ito ng kamay niya. yumuko siya para kunin. ngunit hindi niya namamalayan na may nakasulubong siyang sasakyan.

mabilis ang takbo at sa hindi inaasahang pangyayari bigla na lang nagkasalpukan ang kani-kanilang kotse. nabundol ang kanyang noo sa steering wheel at biglang nawalan ng malay

....

samantala, pagkatapos magkita nina Bianca at Rhian at nasabi ang lahat ng mga nangyari pansamantala munang dinamayan ni Bianca ang kaibigan. sa bahay ni Nadine muna sila pansamantalang umuwi dahil nasa bakasyon naman ang buo niyang pamilya nito.

"Bestie thank you ha dahil sinamahan mo ako dito. pasensya ka na rin kung nadamay pa kita sa sitwasyong 'to." ~ Rhian

" ano ka ba bestie, tama na nga yang drama mo. sino pa ba ang magdadamayan? tsaka para na rin kitang kapatid kaya kung ano man ang problema mo nandito lang ako sa tabi mo.. di kita pababayaan kahit kelan." nakangiting sabi naman ni Bianca

napangiti naman si Rhian sa sinabi ng kaibigan. " yeah, i know. and thankful din ako kasi ikaw ang naging bestfriend ko."

pagkatapos ng lahat ng nangyari di pa rin maiwasan ni Rhian na isipin si Glaiza. katulad niya alam din niya kung gaano nasaktan ang girlfriend ng maiwan niya ito sa condo. naisip niyang tawagan si Chynna. kinuha niya ang kanyang phone na kanina pa hindi nabubuksan simula ng itext niya si Chynna.

calling Chynna

ring...

ring...

ring...

("hello tsong. buti naman at tumawag ka kanina pa kita tinatawagan pero di kita makontak")

"oh, Chynna bakit anong nangyari?"

(si Glaiza umalis di ko alam kung nasaan siya ngayon. pwede ba magkita tayo saka ko na ipaliwanag sayo ang lahat. natatakot ako baka may masamang nanyari sa kanya. ")

bigla namang kinabahan si Rhian sa narinig na ipinagtaka naman ni Bianca.

"what?! okay nasan ka ba ngayon pupuntahan kita."

("bumalik ako sa condo niya nagbabakasakaling nakauwi siya pero wala pa rin siya dito.")

"okay uuwi ako ngayon na. bye"

pagkatapos maibaba ang telepono dali-daling kinuha ni Rhian ang bag at lumakad palabas. sa kabila man ng lahat ng mga nangyari hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may nangyaring masama sa taong mahal niya.

"Bestie, teka lang! where are you going? ba't ka nagmamadali, what happened?" nagtatakang tanong ni Bianca.

"kelangan kong umuwi. si Glaiza umalis kelangan ko siyang mahanap. bestie natatakot ako baka may masamang mangyari sa kanya." Rhian said in trembling voice

"wait sasama na ako." ~ Bianca

labis ang pag alala ni Chynna sa kaibigan. lahat na lang tinawagan niya na pero walang ni isa man sa kanila ang pinuntahan ni Glaiza. hindi niya rin makontak si Glaiza dahil naiwan ang cellphone nito bago umalis. parito-paroon ang ginagawa niya sa loob ng condo ni Glaiza habang hinihintay na dumating si Rhian. ilang minuto pa ang nakalipas bumukas ang pintuan.

I'm Officially Missing You (completed) RaStro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon