Bliss and Gratitude

6.6K 213 6
                                    

Glaiza's POV

nandito ako ngayon sa aming resthouse sa Batangas. i am now sitting in veranda. kitang kita at masaya kong pinagmamasdan ang papalubog na araw mula dito. hindi ko alintana ang mga panahon na dati pakiramdam ko nababalot ng kadiliman ang mundong tinatahak ko, na akala ko noon wala nang pag asa ang buhay ko na maging masaya. sa bawat paglubog ng araw kasama din nito ang unti unting pagkalimot ko sa masasakit na nakaraan. hindi ko inaasahan na sa isang iglap muling magkakaroon ng kulay ang aking buhay dahil ngayon kasama ko na ang isang taong muling nagpapasaya at kumumpleto sa aking pagkatao. after a long time, muli niyang ibinalik ang liwanag sa madilim kong mundo at dahil sa kanya muli niyang ibinalik ang ngiti sa aking mga labi. lubos akong nagpapasalamat sa panginoon dahil muli niyang binigay ang taong nagpapasaya sa akin araw araw, ang taong gusto kong makasama habambuhay, ang taong minahal at mamahalin ko pa sa mahabang panahon hanggang sa huling hininga.

ang bilis ng panahon parang kelan lang simula na naging official ang relation namin at two months from now magwa-one year na pala kami. yes, we're living in a same roof for ten months. sa loob ng sampung buwan naming pagsasama masasabi ko na wala na akong hahanapin pang iba, makasama at masilayan ko lang siya sa bawat minuto, bawat oras, buong buo na nag araw ko. pakiramdam ko ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerteng tao sa buong mundo dahil may katulad niyang dumating sa buhay ko. at hindi ako nagkamali na mahalin siya dahil buong puso niyang pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka importante sa kanya, at kung gaano niya ako kamahal.

biglang naputol ang aking pagmumuni-muni when someone kissed on my cheek.

"hi love.." Rhian said and sat on my lap while her arms wrapping around my nape. "mukhang malalim yata ang iniisip mo love." she added and gave a sweet smile.

"alam mo love hanggang ngayon i can't beleive that we're together at sabay na bumubuo ng matatamis na alaala. thank you love for coming in my life. " i gave back a sweet smile and i gave her a peck on lips.

simula nong inamin sa akin ni Rhian na gusto niya ako, hindi ako nagsayang ng sandali at araw araw ko siyang nililigawan. hindi naman nasayang ang effort ko dahil sa loob ng isang linggo na panliligaw ko sinagot niya ako kaagad. and now, we are officially together as girlfriends.

"yeah, same here. di ko nga lubos akalain na dito ko lang pala mahahanap sa Pilipinas ang taong pinakamamahal ko. thank you so much love for always making me happy and thank you for loving me unconditionally. I love you so much love and i will always love you for the rest of my life" she said in teary eyed.

"mas mahal na mahal na mahal kita love.. pinapangako ko sayo kahit anong mangyari hinding hindi ko hahayaang magkalayo tayo." i cupped her face and i gave her a long passionate kiss.

masaya na kami sa aming relasyon ngayon pero ang tangi ko lang paghandaan ay kung paano namin haharapin ang bukas lalo na pagnalaman ng parents ni Rhian ang tungkol sa amin. walang problema kay ate Nadine dahil tanggap niya kung ano ang meron kami ni Rhian. ate Nadine went back to Australia last two months together with her husband kuya Luke and her son Nathan. Pero bago siya umalis nangako siya sa amin ni Rhian na hindi niya muna sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin at hintayin na lang ang tamang panahon para handa na kami kung sakali.

if you are asking about the rest of a friends, si sheenna may stable job na kinuha siyang manager ni ate Nadine sa kanyang bar sa BGC at meron na rin siyang boyfriend si Andrew mabait naman kaso mahiyain. si Katrina nasa kompanya ko rin. parang aso't pusa nga sila ni Chynna hindi lagi magkakasundo dahil si Chynna mapang asar at lagi naman napipikon si Kat. Pagdating naman sa pag ibig laging sawi si Katrina sa loob ng sampung buwan nakailang boyfriends na siya. si Megan naman pansamantang nagbakasyon sa states. alam kong nasaktan siya nong nalaman niya na kami na ni Rhian. medyo nalungkot ako sa nangyari sa kanya pero nag usap naman kami bago siya umalis at inamin niya na tanggap niya din ang lahat and now we're still a good friends.

I'm Officially Missing You (completed) RaStro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon