Chapter 5

6.1K 76 3
                                    

hala? ano daw? bibisita? make-over? a big no-no. 

halahala naman! pinaka ayoko yung make over make over na yan eeeh. tignan niyo naman yung nangyari sakin dati nung minake-over ako ni fammie. Sobrang 180 yung make over. Kasama kilay, contacts, papakealamanan pa niya pimples ko. Magmumukha akong barbie doll!

Anyways, andito parin kami sa mall. naglalakad lakad tapos kausap ko si ate nadz. tapos si fammie may kausap sa phone. si Tristan and Enzo naman magkausap. usapang lalaki? oh nababakla? joke lang labs ko yan ;)

'Yuck labs daw. Mandiri ka nga' -Konsensya

"soooo, ano meron sainyo ni tristan?" tanong ni ate nadz.

"a-anong meron? wala ah. sa totoo lang, nakakainis kaya yan. walang pake sa grades niya." harsh ba? eh totoo naman kasi ehh. wala talaga siyang pake sa grades niya. ano nga ba? ayun! mister popular daw kasi siya. mister crush ng bayan. oh diba? nakakairita? pft.

"talaga?! enebeyen. nakakainis talaga yang lalakeng yan. may sinisiryoso na ba?" tanong ni ate nadz. bat puro tanong? hirap tuloy sumagot. sandali nga, di ko naman alam kung may sinisiryoso siya ngayon e. 

"a-e d-di ko alam eh." kasi totoo, hindi ko alam. at ayokong alamin. gwapo nga siya. WALA NAMANG MANNERS! peste. 

"hmm, sana naman yung kasing bait, ganda, talino, mo." sabi niya. hala? ganun raw ba? hahah, sana nga. sandali! ano raw? katulad ko? Edi? Ako kaya yun? Haha charot! Ang haliparot. Landot na kumekembot. Ew!

"sandali nga ate. parang may gusto kang iparating na hindi ko malaman." Painosente muna daw mga pare. Para hindi mapaghalataan ang kalandian. Joke lang! Pero seryoso, wag ganon. :(

"haha, ang slow mo parin. ang sinasabi ko. sana isang katulad mo ang seryosohin ng isang tulad nya." 

"ha?!" 

"haaaay, sana ikaw yung seseryosohin niya!!" 

Ako daw oh. Lol. Asa naman ding mangyari yun. Alam naman ng lahat na sa panaginip lang nangyayari yung mga ganito na isang gwapo ay papatol sa pangit. Diba? Sa movies.

"Ate,alam mong malabong mangyari.yun. Hindi naman kasi ako yung tipo ni tristan. Kaya ayun, pangit na nga e, papatulan pa? Sayang reputasyon nung monggoloid na yun ate."

"Sus. Malay mo ikaw na yung the one, and the only niya. Hindi mo lang alam. Diba? Buksan mo mga mata mo, baka ikaw na yun."

"nagbibiro ka ba? ayoko ng ganyang biro. Hindi nakakatuwa ate."

Tumango lang siya at kinain na yung fries niya. Wth is happening to the world? :(

--

Nasa dorm kami ngayon, si enzo at ate nadz nasa kabilang dorm. kami ni fammie nandito sa dorm namin ni madz. wala parin hanggang ngayon si madz. eh kasi maaga kami umuwi. 

nakahiga lang ako sa kama ko at naka tingin sa ceiling. iniisip ko parin hanggang ngayon kung aayusin ko na ba yung sarili ko o hindi. i'll give myself until sunday kung aayusin ko na ba talaga yung sarili ko. pero for now, bukas tatanggalin ko na yung glasses ko. at magcocontacs muna ako. 

"ate, you've been like that for an hour. are you daydreaming or something? don't tell me you're going to sleep. it's like, 4:30 and you're going to sleep?!"

Eto talagang batang 'to andaming alam. Ang sarap sipain nito minsan e. Hindi mo alam kung may kasalanan to, napapraning o sadyang nakaweeds na siya.

"go and call your bestfriend tippy something and hang around the dorm or go to the mall." Magdusa ka. Nakakairita ka e. Daldal mo.

"fine! i'll call her!" sabi niya at padabog na kinuha yung cellphone niya.

TNBTG (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon