Chapter 15

4.3K 42 6
                                    

Pagkatapos ng lahat, binayaran na ni tammy yung bill para sa haircut and all. pinatanggal na rin niya yung braces niya and magpapacheckup sa doctor after nila mag shopping. 

nagshoshopping na sila ngayon. namimili ng damit para kay tammy. madami silang pinamili pero madami pang time to spare. kaya pumunta na sila sa De Guzman Hospital para magpacheck up. nung naglalakad lakad sila sa loob ng hospital, may naririnig silang sumisigaw sa isang room. 

"Palabasin niyo ko dito! Gusto ko nang umalis!" sigaw nung babae sa loob. nagulat sila lahat sa narinig nila. kaya linapitan nila yung kwarto at sumilip sa loob. 

"Pero Miss, Hindi ka pa pwedeng madischarge." sabi nung nurse na nasa loob. nagulat sila sa nakita nila. dahil naka cast yung babae at parang kakaopera palang sa kanya. 

"Wala.Akong.Pakielam!" sigaw nung babae. napaisip si Tammy, at nung may naisip na siya pumasok siya kaagad sa loob ng kwarto na iyon. 

"Ako na po dito." sabi ni tammy sa nurse na nasa loob ng kwarto. nagbugtong hininga ito at lumabas na ng kwarto. 

"What do you want?" tanong nito kay tammy. 

**TAMMY'S POV**

aba ang taray ni ate ah! pero maganda siya, sino kaya ang swerteng lalaki na makakaangkin sakanya. pero anyways, ANG TARAY!

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ko sa kanya. kanina lang nakatingin siya sa dingding pero ngayon bigla siyang napatingin sakin. 

"Sorry, Naistorbo ba kita?" tanong niya sakin. may pagkamabait naman pala siya. akala ko masama siyang tao. 

"Hindi naman. ang lakas lang kasi ng boses mo." sabi ko. 

"sorry talaga ha. kasi gusto ko na talaga umalis dito. gusto kong pumunta sa PARIS. o kaya sa NEW YORK. kahit ISANG araw lang sa NEW YORK. okay na ko." sabi niya. pero aalis ako bukas, papuntang NEW YORK then PARIS sa monday. isama ko kaya siya? pero hindi ko pa siya kilala.

"Okay lang. Ano nga pala name mo?" tanong ko sa kanya. 

"Audrey. nickname, Drey." sabi niya sakin.

"Well, Drey. Gusto mo bang sumama samin papuntang NEW YORK bukas?" tanong ko sa kanya. bigla siyang ngumiti ng sobrang lapad.

"Talaga? Sige Sama ko!. pero kaylangan ko nang umalis dito bago mag 4pm" sabi niya sakin. ano kayang meron sa 4? ano kayang meron? 

"Sige. Ako Na Magpapadischarge sayo. sandali ah." sabi ko sa kanya. nagsmile siya tapos lumabas na ko ng kwarto. 

Nakita kong nakaupo sila Ate Nadz at Annie dun sa labas. parang may nalalaman sila na hindi ko alam eh. parang may sekreto sila na hindi ko alam. 

TNBTG (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon