Chapter 1

10.4K 157 37
                                    

"Tams naman eh! Gising na!." sigaw ng roommate ko. oo, roommate. may dorms kasi kami. mayaman ako pero ayoko manirahan dun sa pamamahay ng magulang ko. kasi masyado na kong na spospoil kapag nandun ako. tipid po ako pagdating sa pera. and fyi, babae po ang roommate ko. 

"Eh! Ayokoo." ang sabi ko kay madelaine, o madz for short. sabay takip ko ng unan sa mukha ko. tapos natulog uli. 

"gusto mo patawag ko pa si Tristan sa kabilang Dorm Room?!" oo, nasa kabilang dorm room lang si tristan. nakakainis nga eh, laging may party diyan tuwing friday kaya wala kaming masyadong tulog ni madz. 

biglaan akong napaupo dahil sa sinabi ni madz. ang pinaka ayoko yung tinatawag niya si tristan sa kabila para lang gisingin ako, at sinasabi ko sainyo hindi magandang experience ang gisingin ng isang katulad niya. 

"oo na oo na, gising na nga eh." 

"gigising ka naman pala eh!" sigaw niya sakin. nang dinilat ko na yung mga mata ko, nakita ko siya sa dining table, nagaaral. himala!, ngayon ko lang siya nakitang nagaaral ng ganun. mukha tuloy siyang innocent girl. 

nung lumapit ako sa kanya tapos tinignan kung ano ang binabasa niya, hindi naman pala siya nagaaral eh. nagbabasa lang siya ng kung anong story na nahalungkat niya sa gamit ko. 

"ano pang tinitingin tingin mo jan? maligo ka na!" hala? ang sungit naman ni room mate. baka naman meron siya ngayon? o baka naman kaka break lang nila ng boyfriend niya. hmm, ewan. 

kumuha ako ng tuwalya at pumasok na sa loob ng banyo. nakalipas na ng 5 minuto natapos na ko maligo. at nagbihis nakaayos na ko. nang biglang tumunog yung cellphone ko. tinext lang pala ko ng mommy ko. 

"From Mommy: Braces. Off, NextWeek." 

ay talaga naman. ang tipid tipid sa letters. anyways, siguro naman alam niyo na kung ano meaning ng text ni mama di ba? kung hindi. intindihin niyo nalang, wala nang time para magexplain. 

"oh ano? ready ka na? katukin mo na si tristan dun." hala ano daw? bakit ako pa? pwede namang siya nalang kumatok dun kay tristan. hay ewan! kasi lagi kaming sabay tatlo pumasok. pero minsan laging may kasama yung mokong na yun kaya hindi na rin natutuloy.

"eh bat ako? pwede namang ikaw?" 

"eh sabi niya ikaw raw eh." 

tama ba narinig ko? sabi niya ako raw? eh bakit naman? haaaaaaaaaaaaa?! ang sakit naman sa bangs netong si tristan. hay! kakatok nalang ako sabay alis. pero kapag yun lang talaga lasing pa dahil sa party kahapon ay nako. 

wala na kong choice, kaya lumabas nalang ako ng dorm dala dala yung bag ko at kumatok nalang ako sa pintuan. walang sumagot kaya kumatok nalang ulit ako. eh wala talagang sumasagot, kaya bye bye tristan. bahala ka sa buhay mo. 

 paalis na sana ko nang biglang bumukas yung pinto. napalingon ako at siya yung nakita ko, at eto pa. hindi siya mukhang lasing, at reading ready na siya para  sa school. haaay ang gwapo talaga, ay! ano bang pinagsasasabi ko? ERASE ERASE ERASE!

"hoi betty la fea! ano pang tinitingin tingin mo jan?" natauhan ako bigla nung inasar niya ko. ano banaman kasi tong iniisip ko? siya? gwapo? as if naman noh! 

"Wala! LECHE. pasalamat ka kumatok ako. BWISET." inayos ko yung pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at tinawag na si madelaine. lumabas naman siya kaagad, pero may katext. kaya nung lumingon siya ngumiti nalang siya sakin at naglakad. sabay parin naman kami kaso ako pa yung naglock ng pintuan. 

biglang may sumundot sa tagiliran ko. so natamaan ko si madz. si madz naman parang walang pakielam kung may nakatama sakanya. todo text parin siya. biglang umulit. NAKIKILITI nako at NAIIRITA!. lumingon ako kay tristan at binigyan ko siya ng isang death glare."ano?!" sigaw ko sakanya. tapos bigla naman siyang natawa na parang baliw."anong ginawa ko?" 

TNBTG (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon