ch3✔

168 3 0
                                    


sabi nila walang aasa
Kung walang taong paasa.

Sa bawat kilos mo
Ako'y kinikilig.
Simula nung umamin ako
Ikaw ay nag bago.

Masama bang ikaw ibigin?
Sana minsan ako ay iyong isipin.
Hanggang pangarap na lang ba ako?
Siguro itigil ko na dapat ito.

Pasensya ka na di na mauulit
Linabas ko lang ang aking damdamin.
pero sana malaman mo na
Ikaw ang aking iniibig.

Ikaw ang unang iniisip sa umaga.
Ikaw ang tumatakbo sa isip kong nalilito.
Ikaw ang tinitibok ng aking puso.
Ikaw ang irog ko.

Lahat ng sakit tatapusin ko
Pero sana ikaw parin ang taong nakilala ko.
Di ko alam kung ano na ang sasabihin
Para saakin
"AKO ANG NARARAPAT NA IYONG IBIGIN."

Spoken words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon