IV

34 1 0
                                    

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ang paligid namin ni Aaron. And it kinda feels... awkward. Syempre, ex-crush ko ba naman kasama ko. Nilingon ko naman si Aaron na seryosong nagdadrive. 

"Buksan ko muna yung radio ha?" Paalam ko sakanya. Baka kasi biglang magalit kung mangialam naman ako bigla.

Tumingin naman sya sakin at tumango. "Sige lang." Kinagat ko ang labi ko at binuksan yung radio. 

..

Nagulat ako ng biglang nagring ang cellphone ko. Nakita ko na si Hunter ang tumatawag. Kelan ba sya nagkaroon ng number sa cellphone ko? Kumunot ang noo ko at inaccept ang tawag niya.

"Hello?" 

[Where are you?] aniya. Halata sa boses nito ang galit. 

Sumandal ako sa may bintana. "None of your business." bored kong sabi sakanya. 

[I said, where are you?] Mas lalong lumakas ang boses nito.

Umirap ako sa kawalan. "Fine! Papunta ako sa bahay ng kaklase ko. Happy?" pagpapaliwanag ko. Ang kulit naman!

Napatingin naman si Aaron sa gawi ko. "Sino yan?" tanong nya. Nakita ko na papasok na kami sa isang subdivision.

[Who the fuck is that guy?! Are you two alone? Dammit!] 

"Hunter! Sinabi ko naman sayo diba na papunta kami sa bahay ng kaklase ko diba? Why are you acting like that! You're not even my boyfriend." And there I said it. 

[For now, I'm not. But soon, I will be.] sabi niya. I can even imagine him smirking when he said that. Nababaliw na yata ako.

"We're here." sabi ni Aaron. Pinatay ko na ang tawag, bahala na si Hunter diyan. Bumaba ako ng kotse and stood at a 3 storey house in front of me. It's simple but it's elegant.

Nakita ko si Cathy, classmate ko, na lumabas ng bahay. She waved at us. "Uy! Andiyan na pala kayo!" She smiled and waved at us.

Kumaway din ako and mouthed mamaya. Tumingin ako kay Aaron na nakasunod sakin. "Nauna pala sila?" tanong ko sakanya.

Tumango siya at inakbayan ako. "Yep. May practice pa kasi kami sa Math Club eh anong oras pa yun kaya I decided to just give you a ride."

"Right..."

Pagpasok namin ng bahay nila, tumambad agad sakin ang mga magugulong paperworks. Woah. Lahat sila ay seryoso sa ginagawa at tahimik.

"Guys, sorry nalate kami. Medyo traffic." sabi ni Aaron kaya naman ay napatingin silang lahat samin. Ngumisi si Lea. "Naks, magkasama ha!" at binigyan kami ng mapanuksong titig. 

Lumapit sakin si Vivienne, ang leader namin at binigyan ako ng paperworks. Agad akong umupo sa mat kung saan nakaupo silang lahat.

Sinimulan ko na ang paggawa ng inassign na tasks samin. Medyo marami-rami pa naman to. Maya maya ay may biglang kumatok. Tumayo si Cathy at binuksan ang pinto. 

Niluwa non ay ang dalawang taong pinakainiinisan ko. Briana and Hunter. Nice naman, magkasama talaga sila ha. Pero ano nga bang pake ko? 

Pucha! Don't tell me na kagrupo ko sila?! Napapikit ako sa inis. "Sorry guys, late kami. Hunter is so makulit kasi eh." paconyong sinabi ni Briana. Ang arte!

Napairap ako ng palihim. Lumapit si Briana sa may mat at nakiusyoso samin. Inassist naman siya ni Vivienne at binigyan din ng tasks. Unang tingin pa lang ni Briana ay nagreklamo na agad ito. 

"Ohmygosh. So hirap naman this!" maarteng sabi nito. Lumingon siya kay Hunter na nakatayo parin sa may pintuan at nakatingin sakin.

"Hunter babe, sit here." at tinuro niya ang bakanteng space sa tabi niya.

My Jerk BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon