Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. "Bakit naman ako magseselos?" tanong ko habang diretsong nakatingin sakanya.


"Well, you sounded like one.." sabi niya. Napairap na lang ako. "Mag drive ka na nga lang! Kainis 'to! Kung saan saan ako pinagsasama." I said, murmuring.


Humalakhak lamang siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Siguro mga 30 mins. din yung byahe at nakarating na kami sa pupuntahan. Bumaba si Hunter at may kinuha sa backseat ng kotse. Mga 2-3 plastic bags din iyon.


Nilingon ko siya. "Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya. "You'll see." sabi niya sakin at naglakad. No choice naman ako kundi sundan siya. Napunta kami sa isang kagubatan? Hindi ko alam kung naliligaw na kami o ano pero nakangiti lang si Hunter habang naglalakad.


Hinagilap ko ang cellphone ko at napagtantong wala palang signal. Shit. Baka hinahanap na ako ni Dad! Nakita naman ni Hunter ang pagfifreak out ko.

"Easy there, baby.. Pinaalam na kita sa Daddy mo." sabi niya sakin at nagwink. Napanganga naman ako. What?


Huminto si Hunter sa paglalakad kaya naman ay napahinto na rin ako. Tumingala ako sa taas at nakita ko ang isang treehouse. (photo below)

Tinuro ni Hunter ang treehouse at sinasabi na umakyat na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinuro ni Hunter ang treehouse at sinasabi na umakyat na ako. "Ladies first." sabi niya. Napatingin naman ako sa suot ko, nakapalda ako na uniform namin. Agad akong umiling sakanya. Ayokong masilipan no! Lalo na manyak pa naman 'tong kasama ko.


Napabuntong hininga na lang siya. "Fine, I'll be the one to go up." sabi niya at umakyat. Kinuha ko muna ang plastic bags na hawak niya para mas mabilis na makaakyat. Nung ako naman ay aakyat ay tinulungan niya din ako.


"Thanks..." sabi ko at nang makaakyat ako ay namangha ako sa kabuuan ng loob ng treehouse. This place is so relaxing!

Nang makakita ako ng kama ay agad akong sumalampak at pumikit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makakita ako ng kama ay agad akong sumalampak at pumikit. I never thought that I would fine peaceful place like in here.


"You like it?" tanong niya.


"Yes!" 

I can literally imagine myself with sparkling eyes.  I smiled. "Mukhang ang saya saya mo ah?" nangaasar na tanong niya. Sumimangot ako. "Wag kang KJ." sabi ko sakanya.


Sumandal siya sa may table at nakatukod ang kamay niya ng tumingin sakin. "Actually, this is my secret place." sabi niya. Napatango na lang ako. 


"May dinala ka na bang ibang babae dito?"


"None. It was only you."


Nagiwas ako ng tingin at humiga na lang ulit. Napatingin ako sa relo ko, it's 5:12 pm. Agad akong napabalikwas ng may naalala ako. "Yung girlfriend mo? Iniwan mo dun?" tanong ko sakanya. His playful smirk is on again.


"Jealous?"


Agad akong umiling at inirapan siya. "Of course not!" sabi ko. Nagaassume na naman ang loko. Pumunta siya sa veranda ng treehouse, sinundan ko naman siya. "Kinakausap pa kita, bigla ka na lang lumalayas." tumayo ako at humalukipkip sa harap niya.

Humiga siya sa may duyan at pumikit. "She has her own car. Don't mind her." sabi niya. Naguluhan naman ako bigla. So, hindi sila magkasabay na pumunta? Edi ano yon, inantay lang siya ni Briana?
Wow. That bitch must be so sooooo desperate.


"Stop being jealous.." sabi niya at ngumiti. 

"I'm not!"


"Hmm okay.." sabi niya at nagkibit balikat.

Tiningnan ko siya ng masama. Nakakafrustrate talaga ang isang to! "Lumapit ka." sabi niya. Ano nanaman bang pakulo nitong si Hunter?


"Please check if I have a fever or something.." pakikiusap niya.


At ako naman 'tong si uto-uto, lumapit ako at hinawakan sa leeg si Hunter. Nagulat ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko kaya naman ay napatumba ako at napahiga sakanya. Pinilit kong kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.



"Hunter! Ano nanaman ba to?!" tanong ko habang nakahiga sa dibdib niya at pinagpapalo siya. I can smell his manly scent that can peacefully send me to sleep. Ano kayang pabango nito? Teka, dapat umiisip ako ng plano para makatakas dito pero trinataydor ako ng puso ko.



Naramdaman ko na inamoy niya ang buhok ko. Tiningala ko siya at nakitang nakapikit siya. From his messy brown hair,  to his thick defined eyebrows and down to his pouting lips. He also got the dark brown eyes that makes me weak at the knees. Kaya pala maraming nagkakandarapa dito sa lalaking 'to.


Pinagmasdan ko na lang ang buong paligid tutal wala naman akong kawala dito. 'Sus, Selene. Gusto mo din naman eh.'  at the back of my mind said. Pwe, di ko kaya to gusto. Konti lang. Magsusunset na pala.


"Bakit mo nga pala ako dinala dito, Hunter?" 


"Wala lang..."



Napangiwi ako. "Heh, seriously?" 



"Date."



"Ha?"


"Date natin 'to diba?"


"Hindi ko alam na seseryosohin mo pala." sabi ko at tumawa. Naramdaman ko na tumatawa din siya. "Yeah, I never thought that I would be serious..." aniya.


And there, we watched the sunset together. I guess being with Hunter isn't bad at all.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Jerk BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon