Chapter 4 Encounter

251 9 0
                                    


''ano bang nangyari sayo aber at ang dungis dungis mo? Nawala ka lang saglit sa paningin ko kung ano ng kababalaghan ang nangyari'' litanya ni Sarah nang makauwi na sila ng kapatid sa bahay

''long story ate. Kung alam mo lang, hay nako meron kasing bwisit na lalaking antipatikong hindi nag iingat at natapunan ako like duh? He doesn't even know how much is this premium dress I bought in Italy when we visited last year'' saad ni Katherine habang nag aalis ng kanyang heels at accessories at papuntang banyo

''Ah yun lalaking pogi ba na nakita kong kasigawan mo? Oh sya sya sige na maligo ka na at after mo dyan papahanda na ko ng dinner kay Nanay Meding''

''Ate, one more thing, He is not handsome like duh''

''sige na sige na hindi na handsome kung hindi na, asus, mag ayos ka na dyan bababa na ako..''

Yun gwapo? Eeeeww, mukha nga siyang gangster, ani ni Katherine sa sarili at nagtuloy na sa banyo upang makapagpalit

Paul Jefferson POV

Kung hindi ba naman talagang ubod ng ganda ng araw na ito. Unang una may nakaaway akong impakta sa convenient store, magandang babae sana kaso impakta talaga nyemas parang boomerang ang bunganga pagbintangan ba naman akong tinapon ko daw sakanya ang kape niya e siya nga tong di nagiingat e malay ko bang nandun siya e sa busy nga ako maghanap ng makakain din tapos ayun na dada na ng dada, at speaking of another swerte, nakauwi na kami ng mga bagets wala pa ang utol ko pero may bumungad saamin dito sa bahay. Naman, tagal ko ng di siya nakikita, I mean hindi pala nagpapakita. Si Tita M.....

''Kids, go to your room now, Kuya Paul will just fix something here then I'll follow you both okay?'' sinabi ko yan kina Lucius at Isabelle

''NO!!! Akin na ang mga anak ko paul'' nakaluhod pa ko kausap ko ang mga bata ng marinig kong magsalita si Tita M mula sa harapan

''Tita?? Ha? Ano pong ginagawa nyo dito?''

''Ang mga anak ko. Paul....'' matigas ngunit bakas ang kalungkutan niyang saad. Malungkot?

''Tita pwede bang hintayin muna natin si Kuya natraffic lang yun, ano a ehh, gusto mo juice, anong makakain mo? Tita baka pwedeng wag muna tayo umano ah eee hanggang wala si kuya'' tinatry kong i divert siya kahit di ko na alam ang gagawin kasi gusto ko talagang dumating na si kuya

Kuya Francisco Hurry up, please I said to my mind

''Paul. Kaya nga ako pumunta ditto dahil alam kong wala siya, Ibigay mo na ang mga bata saakin, anak ko sila, ina nila ako, I have all the rights to them o gusto nyo pang korte ang magdesisyon nito, Paul, hindi ko na kaya mawalay sa mga anak ko''

''Ate, ikaw.. iniwan mo si kuya, tapos pati mga bata aalisan mo siya ng karapatan, pag usapan niyo to ni Kuya, Ate don't be unfair to him after all may karapatan din siya kasi nga anak din niya yan, at bakit ngayon pa? Ngayon ka lang ulit nagpakita tapos ganito pa''

''TITO POGI WHATS HAPPENING??Mmm-om?'' Umiiyak na sagot ni Isabelle

''Nothing baby, Your mom and Tito pogi needs to talk about some important matters okay? Dun muna kayo ni Lucius sa taas pasama kayo kina yaya ha? Wait lang .. YAYA!!! YAYA'' tawag ko kay yaya na nasa may paligid lang naman namin

'' yes sir?''

''paki dala muna sandali ang mga bata sa kwarto nila, please, Yaya''

''sige po sir.. Tara na muna kids''

''Ate, katulad nga ng sinabi ko, sana magusap muna kayo ni Kuya, don't be unfair to him''

''Paul hindi mo alam ang sinasabi mo, SIYA! SIYA ang naging unfair saakin, Once na pinili niyang mahalin ang babaeng yun, pinili na rin niyang sirain ang pamilyang ito, hindi ba pagiging unfair yun? Paul, nakiusap ako sa kanya, nagmakaawa ako, nanglimos ako ng pagmamahal sakanya, wala na nga akong tinira sa sarili ko, ang sinabi ko lang wag siyang umalis, wag nya akong iwan, ayusin naming to pero ano? Paul, unfair din siya.. Sorry, pero this time, hindi naman ata tamang pati mga anak ko ipagkait nya parang pagkakait niya ng hinihingi kong pagmamahal. Paul tama na ang limang taon, palagi bang ako na lang ang kailangan magsakripisyo, maiwanan at masaktan? Paul, una nawalan na ako ng asawa ayoko naman na pati mga anak ko ay ilayo saakin, gustong gusto ko ng makasama ang mga bata, aalagaan ko sila Paul, mahal na mahal ko sila, Parang awa mo na, ibigay mo na ang mga anak ko saakin'' dun ako tinamaan, para akong na static, umiiyak siya.. si Tita M, all this time kampi ako kay kuya pero may nasasaktan pala talaga, nasaktan at patuloy din nasasaktan ang babaeng ito, ang babaing nasa harapan ko.. anong gagawin ko?

You're Mine, I'm Yours (An AshBoo FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon