Katherine POV
Fear is the most powerful yet dangerous thing in the world. Takot. Isang salitang marami ang maaaring maapektuhan. Humans are naturally born coward. Yes admit it or not duwag tayo, we are coward enough to face the realities, to face the challenges and even to face the feeling of being loved and to love. Wala pa man iniisip na natin ang mga maaaring balakid kaya madalas hindi pa man natin nasusubukan ay umaayaw na tayo agad. 'Ayan tuloy mas lalo lang dumadami ang what ifs at could have beens.
Maging sa pag ibig ay duwag tayo minsan nga kaharap mo lang ngunit di mo pa masabi ang nararamdaman mo. Bakit? Dahil sa takot tayo sa salitang rejections. Ayaw natin mabalewala. Again, FEAR. Takot na naman ang namamayani saatin. We, humans, always seek for PEOPLE's APPROVAL. Dapat tama sa paningin nila, dapat ganto ganon, gusto natin lagi maging ideal kahit na minsan nagpapaka trying hard na tayo. Kahit na minsan pati sarili natin naloloko na natin. Yun ay dahil gusto natin ng pagtanggap ng lipunan.
Sabi nga ni Bear Crylls and I quote. '' Being brave isn't absence of fear. Being brave is having that fear but finding way through it''. Harapin mo. Kayanin mo. Kung talagang gusto mo ipaglaban mo. Make a way and not an excuse.
''Aba at andito lang pala ang mahal na prinsesa.'' I woke up to my own reverie when someone spoke behind me. Sino pa ba? Aba kung sinuswerte ka nga naman ano
''Ano na naman problema mo?'' walang gana kong tanong sabay irap. Aba sorry na hindi ako sanay maging mabait sa gantong klaseng nilalang pero wala lang ako sa mood ngayon. Lowbat
''Aba may milagro hindi ata nakapag charge ang radar mo Malds?'' ang hinayupak biglang upo sa tapat ko and straightly GRINNING at my face.. Oo grin. May yabang at oo malds ang endearment este pet name nya sakin. MALDITA daw ako. Bwisit. Ilang linggo lang kami magkakilala feeling close si Koya kasalanan to ng Philosophy class na yan e hindi ko magawang tarayan ng todo ewan ko ba pero feeling ko may sumpa ata ang hinayupak na ito at di tinatablan ng angas ko. Siya lang ang bukod tanging maglakas loob lapitan at I trashtalk ako umpisa palang. E kung itapon ko kaya to sa trash?
''Che'' I answered in a sarcastic way with my brows raised up.
''Hindi talaga ako sanay.. Anywayy malds hinahanap kita kasi sabi ni Ms Montellano kakausapin ka daw nya mamayang dismisal about our *wink* project in Philosophy pero dahil mukha kang pinagbagsakan ng byernes santo at daig pa si kristong ipapako sa krus sa sama ng mukha mo mind to share? Ano ba ang bumabagabag sa prinsesa? '' Pa cute pa di naman cute leche
Hindi ko lang sya pinapansin pero hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa utak ko yung nabasa few days ago. I built a lot of questions inside. Magulo pala talaga ang buhay, hindi ito simpleng logic problem or scientific experiment na kailangan lang ng hypothesis to solve.
''Pake mo? Close ba tayo? Wag ka. Masyado ng feeler kuya huh baka nakakalimutan mo PARTNER lang kita sa PROJECT KO '' I emphasized the word partner bahala kayo basta tinatamad ako mag maldita today.
''Sino naman nagsabing close tayo? Ayoko lang magka partner na baliw kaya sige na spill it out'' Lumayo pa siya ng konti na animo'y nagmamaarte
Hindi ko alam kung ano bang nangyari sakin at bigla na lang lumabas sa bibig ko ang sumunod kong nasabi
'' ''Bakit ang kumplikado ng pagibig?''
Jawdropped. Nganga. Laki Mata. Yan ang nakita ko sa mga mata nya
Anyare?
Pero teka, Ano? Ano nga ulit yung nasabi ko?
_____________________
Paul POV
''Bakit ang kumplikado ng pagibig?''
Totoo ba tong naririnig ko? Napanganga ako. Literal. Bakit? Anong nangyayari sa mundo? Ganito. Ganitong ganito rin ang tinanong saakin ni Kuya last night when I caught him being drank again. Minsan lang malasing utol ko at madalas nagiinom sya kapag may pinagdadaanan siya na hindi niya masabi saakin pero nakita ko siya. Umiinom. Pero hindi lang basta inom may luhang pumatak sa mga mata nya ng gabing iyon at saka nya tinanong eksaktong eksaktong tanong nitong babae sa harap ko.
Patay nakita ni Malds ang reaksyon ko! Epic. Sigurado pagtatawanan ako ng bruha pero teka bakit yun ba ang iniisip ko? Hays ewan nakakabobo!
' ''Bakit ang kumplikado ng pagibig?'' pag uulit nya pero this time nakatingin sya ng diretso sa aking mga mata na animo tuluyan naghihintay ng isang konkretong kasagutan.
Bakit nga ba ang kumplikado ng pagibig? Ang hirap sagutin lalo na kung ang isang taong tatanungin mo ay wala pang gaanong karanasan pero may nabasa ako na para daw itong yosi inimbento lang para patayin ka. Para saktan ka. Para pasuin ka.
Pero ang paniniwala ko wala naman kumplikado sa mundo, TAO lang ang gumagawa ng mga bagay na nagpapahirap dito. Kasi nga sabi nila, mas masarap daw ang bawal. Kaya madalas marami saatin ang ipinipilit pa rin ang isang bagay na bawal na nga. Dun na nagsisimula ang kumplikasyon na minsan mahirap na o wala na talagang solusyon.
Huminga ako ng malalim bago magsalita muli, This time nakatitig na rin ako sa kanyang mga mata ewan ko ba pero bigla na lang pumasok sa isip ko itong nasabi ko
''Simple, It is a complicated world. People have a hard time finding each other and when they do, They are scared to take the risk''
Potek. Napa english na ako! Engeng tissue. Uwian na mga tol! Hahaha.
******************************
AN: Hi. A very short and random update for you guys but I hope you got the message. small tip: read between the lines! Something just popped up in my weird imagination haha. .
BINABASA MO ANG
You're Mine, I'm Yours (An AshBoo FanFiction)
Fanfiction''Do not let the shadows of your past darken the doorstep of your future. You can't reach for anything new if your hands are still full of yesterday's junk''