Prologue

12 0 0
                                    

Daniella.

Oh?

Anong pangalan? Tanong ko

Akin na note book mo. Binigay ko naman ang math notebook ko.

At may sinulat sya doon.

Ito oh.

Yes, alam mo na pala! . Medyo napalakas ang bulong ko sa kanya kaya napatingin si Ma'am Epiz sa amin.

Anong Alam, Miss Flores? Tanong ni ma'am sakin. Patay na talaga.

Tinuturuan ko po kasi si Daniella, at ayun nga po nakuha na nya. Syempre nasiyahan naman ako, kaya napalakas. Hehehe.

Nakatutok lang si Ma'am sakin, hindi naman matagal kasi tumalikod na sya para magsolve.

Whew~

Nice one:) bulong ng lalaking katabi ko na may topak ata sa mukha. Naka-smile pero seryoso ang mukha, ah basta kayo ng bahalang mag-isip.

Pag-bukas ko sa Note book hinanap ko agad ang page kung saan sinulatan ni Daniella. Nang nahanap ko na, isang pangalan.

David Ferrer.

Dali-dali akong tumalikod, at humarap kay Daniella.

Ito pangalan nya? Tas tinuro ko yung notebook ko.

U-huh.

San mo nakuha?

Tsk. Mamaya na, vacant naman natin eh. Nakikinig pa ako.

Ok,ok,ok,ok.

Yeeeeiiii. Eee. May pangalan na ako sa kanya. Yes!

David. Ferrer.
David. Ferrer.
David. Ferrer.

∞∞
Ganito kasi yun. May cousin kasi ako, then may ka-MU sya. Ang ka-MU naman nya. Isa sa barkada ng crush mo. Lumapit ako sa kanya at ayun na nga't nakuha ko na ang pangalan ng ever-ever loving crush mo.

DANIELLLLLAAAAA I realy-realy love youuu. Waaaaa, woooohh. Yess.
Salamat talaga Dan. Isang bwan ko tong hintay, ang malaman ang pangalan nya. Malakas-lakas at masayang sabi ko kay Daniella. I owe her his name.

Kaylan mo ba sya nagustuhan? Tanong nya.

Ngumiti ako ng malaki.

Nung christmas party naten.

Grabe ka. Diba crush mo pa nung time nayun si Christian at yung isang barkada nya?

Oo, pero napalitan na eh. Ewan ko ba't nawala ang feelings ko sa dalawang yun. At bigla-bigla pumangit ang mga mukha nila sa paningin ko.

Hahaha. So evicted na pala yung dalawa. At meaning lang nun.... dalawa nalang ang crush mo?

Hinde

Eh ano?

Sya nalang.

Huh? Sino sa kanila?

Si David, ano kaba. Na-realize ko kasi na wala na akong pag-asa kay James at ang bata pa nun. Tingnan mo, tinuro ko ang gwapong mukha ni James at ang gf nya na nasa screen ng phone ko.

1 year ang pagitan namin, grade 8sya 9 naman ako. Kaya ang gagawin?

Pinakita ko sa kanya kung p-paano ko dinelete ang folder kung saan makita ang lahat ng pictures na nakuha ko kay James at iba ko pang crush.

Iba na ang ilalagay ko dito, mukha na ni David.

Ay grabe sya. Sayang naman ang effort mo na mag-stalk sa kanilang lahat, tas ide-delete mo lang?

Eh sa wala na akong feeling sa kanila eh. Nakakafull lang yun ng space sa phone ko.

Ahh ok, desisyon mo naman yun eh.
...... teka Mae,

Oh?

Search his name now... may wifi akong dala.

Sige-sige

∞∞∞
Nakakapagod.

Kanina pa kami ni Daniella. Kanina pa kami search ng search. Mapa fb, ig, tweeter,at iba pa.

Maski nga sa google wala eh, pinaglo-loko lang ata kami ng pinsan ni Daniella eh.

May nakita naman kami sa fb kaparehas ng pangalan ni David. Pero wala man lang picture. Nafu-futrate ako, paano ko ii-stalkin si David. Pano, PANO?

HUHUHU wala akong bagong wallpaper, wala akong bagong folder sa phone na naglalaman ng mga pictures nya. Wala.. WALA.

Oh ba't simangot mukha nya?

Bumungad sakin ang mukha ni Fatima, at sunod-sunod ng nagsi-upoan ang mga bestfriends ko.

Walang Acc. Si David. Sagot ni Daniella

Sinong David?

Yung bago nyang crush,... Yung tinuturo nyang lalaking nagp-perform sa christmas party natin. Parang bored na sagot ni Dan.

Yung naka-blue? Yung matangkad na mataas din ang ilong? Sunod-sunod na tanong ni Jocelyn.

Oo.

Yeeeiiiiiii, mabuti pa yun pang Artista ang mukha. Yung EX-crush mo kasi pang heartthrob lang, tas may mga gf narin-- ayy teka, yang si?

Si David.

Oo David, may gf din yan noh? Tanong ni Jocelyn.

Wala~... diba Dan? WALA÷>.pinag-dilatan ko pa ng mata. Hahaha sure din naman na akong wala talagang gf NGAYON si David, at SOON magkaka-gf na sya...and AKO yun:)

Wag mo nga ako pagdi-dilat-dilatan dyan, at yang ngiti mong malaki. Bawas-bawasan mo ng space ang pangit kaya ng ngipin mo---

Oy grabe ka, kahit hindi masyadong pantay tong ngipin ko, maganda naman ang ngiti ko't maganda pa din ako noh? At paki sagot nga ng tanong?,wag ng madaming sat-sat. Kahit kailan talaga tong si Daniell, nakaka---naahhh~ manggi-gigil talaga ako pag nagiging honest sya, sumo-sobra eh.

Ok-ok grabe sya. Ok, sa pagkaka-alam ko... Manhid daw sya, NGSB,silent type,serious palagi. ANG BORING, yan ang magiging crush mo? Gwapo nga, para namang mag-papari. Eh kung naging seminarian na lang kaya sya?

To talagang bibig nito, nakakapikon. Prangka talaga eh, kaya walang laman ang utak kundi pagdu-duda. Maganda pa naman sya,

Ang Bobo mo, sa mga sinabi mo... syempre mas lalo akong mafa-fall sa kanya. Eh sa mga salitang yun, copliment na yun para sakin.

Iba huh? Wow, nagsalita si Ate Ainna.

Anong iba? Tanong ko

Ibang level ang pakaka-crush mo dun sa David. Sa mga na-unang crush mo nga, hindi mo pinaglalaban sa mga pang-iinsulto namin sa kanila. Ay grabe si ate ainn kanina lang ang tamlay-tamlay tas ngayon may kaunting energy na agad? Bipolar?

Ayyy, di ko din naman sya masi-sisi, sino bang hindi ba-baba ang enerhiya kung ang math na ang kalaban? Diba? Ok lang naman sa solving, solutions. Pero sa mga shapes? Seriously? Nakakafustrate talaga.

Buti bumalik ka na sa dati, para kang katabi ko sa math. Si Raffer pero ang pagkaka-iba nga lang sa kanya su-mobra yung tipong naka-drugs na?, sayo sumobra sa kakulangan ng enerhiya.

Kulang ako sa tulog eh.

Pwes ako, hindi ata makakatulog mamaya. Problemadong tugon ko sa kanya.

Bakit naman?

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon