Chapter 3: Friends

45 7 17
                                    

Trixie's POV

Nasa bahay na ako. Hindi talaga ako makatulog. Nakakainis kasi eh. Walangya yung lalaking yun. Manloloko! Tarantado! Walanghiya! At MANYAK!!! Fine. May kasalanan din ako pumayag akong halikan siya. Pero kasi akala ko patay na ako at yun na lang ang paraan para mabuhay. Aish!! Nakakainis talaga. Nakakagigil yung demonyong manyak na yun. Humanda lang siya sakin pag nakita ko siya. Akala mo kung sinong gwapo.......okay gwapo na siya. Yun lang. Manyak siya! Manyak!!

Itulog ko na lang talaga to.












———KINABUKASAN———

Naglalakad na ako sa hallway ng building. Lahat na ata ng estudyante nakatingin sakin? Ano kayang problema nila? Sanay naman ako na tignan ng napakasama yung tipong pinapatay nila ako sa isip nila. At talagang nakakakilbot sila. Napayuko ako at naglakad na. Nakakatakot talaga sila. Huhuhuhu help me lord.

"Simpleng landi"

"Akala mo nerd pero mas malandi pa pala siya kesa sa malandi!!"

"Ang sarap niyang tirisin!"

"Si skie pa talaga ang nilandi nitong nerd nato!!"

"Aarrgghhh. Humanda talaga siya satin!"


Natatakot na talaga ako. Yung bulungan nila yung tingin nila. Tsaka nilalandi? Pero ako ba talaga tinutukoy nila? Baka hindi naman. Kakain muna ako sa cafeteria. Maaga pa naman, napaaga ako ng pasok.

Nakayuko lang ako habang papasok pero ang daming bulungan. Nakakabingi.

"Ayan na!"

"May gana pa siyang pumasok?"

"Ang landi! Mas maganda naman ako sa kanya. Hello?"

Umorder ako at umupo sa walang taong table. Kumakain lang ako habang nagbabasa ng libro. Ang sarap talaga ng blueberry cheese cake nila dito. Nakakailang lang kasi ramdam na ramdam ko yung tingin nilang nakakamatay. Nakakadiatract tuloy. Huhuhuhuhu baka mamaya tuluyan nila ako. Huwag naman.

"Hoy, nerd na malandi!" Isang nakakatakot na boses ang nagsalita. Nerd? Ako yun ah. Pero......Malandi? Hindi ako yun. Baka iba. Tama iba yung kinakausap niya.

"Bastos kaba?" Hala? Nagagalit si alyanna. Dapat manahimik lang ako. Baka mamaya ako pagbuntungan niya ng galit eh. Nakakatakot siya kahit hindi ko nakikita. Huhuhuhu. Nanginginig yung kamay ko habang nagbabasa. Parang malapit lang kasi siya eh.

"Abat!!!! Ikaw!!" Nagulat ako dahil sa humila sa buhok ko. Sobrang lakas. Ang sakit. Sobrang sakit. Parang matatanggal ata sa anit ko yung hibla ng buhok ko. Bat ba ako sinasabunutan ni alyanna? May nagawa ba ako?

"Tama lang yan!"

"Malandi kasi at dapat lang yan sa kanya"

"Ang nerd hindi bagay sa isang anghel"






Ang sama naman nila sakin. Bakit ba ganun sila? Dahil ba yun dun sa lalaking manyak? Pero tatlo lang kaming nakakaalam nun. Imposible namang si ms.prinsipal. E yung demonyon manyak kaya? Pero siya na nga nagsabi na wag daw ipagsabi. Sino ba kasi? Nakakainis naman.




"T-teka? San m-moko dadalhin?" Hila hila niya pa rin ang buhok ko. Ang sakit na talaga. Bruha na nga ako e. Yung daan namin papunta sa lugar kung nasaan nilalagay ang mga announcement. Malaking board yun.


"A-aray!" Tinulak ako ni alyanna sa board. Nakaharap ako sa kanya at nakasandal ako sa board. Nakakatakot siya. Ang dami din palang nakasunod samin. Nakapalubot sila at nagbubulungan. Parang may tinitignan sa likuran ko. Bat kaya?

I'm his nerdy girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon