Chapter 1:

60 7 8
                                    

Trixie's POV

Bakit ba kasi ang aga ng pasok namin eh. Huhuhuhu. Anong oras nako nagising lagot ako nito sa teacher. Ayoko mawala ang pagiging valedictorian ko. Fourth year high school student nako. May 30 minutes na lang ako. Sampung minutong ligo, wala ng suklay suklay. Sa kotse na lang. Kinuha ko na aga ang mga gamit ko at ang salamin ko. Patakbo akong bumaba.

"Oh? Baby girl? kumain ka muna" Aya ni mama. Kinuha ko ang tinapay at tumakbo na. Sumigaw pa si mama pero hindi na ako sumagot. Sobrang nagnanadali nako. Terror pa naman teacher ko ngayon. First day na first day trixie!!!! Napuyat ako kakabasa ng libro. Hindi yun subject book kundi mga romance mga nakakakilig na kwento.

"Tara na manong!" Pumasok na ka agad akong kotse. Umandar naman ka agad. *Tingin sa relo* ooohhhmmyyggaaddd 10 minutes na lang huhuhu. Nilagay ko sa bag ang ko ang sandwich ko. Mamaya ko na kakainin.



Pag karating bumaba ka agad ako at tumakbo sa room. Sana wala pa siya. Nakayuko ako habang tumatakbo kasi naman nagmamadali nga eh.


"Arouch!" Napahinto ako kasi may nakabangga ako. Malas! Late nako eh. Pinulot ko yung mga gamit na nahulog ko dahil sa lalaking nakabangga sakin.

"Sorry miss" Hindi ako sumagot. Tinulunungan niya ako sa pagpupulot. Hindi ko siya nilingon kasi nagmamadali na talaga ako eh. Pagkarating ko sakto namang wala pa. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa pinakadulo.




Naglalakad ako papunta
sa upuan ko ng mapatid ako. Kaya ending paharap dapa ko buti na lang di masyadong masakit. Nagtawanan naman lahat ng kaklase ko. Bakit ba ako laging trip nila? Porket nerd ako? First day na first day ko eh huhuhuhu.

"Nerd na nga tatanga tanga pa" Alyanna. Kilala ko na sila kasi last year sila din kaklase ko. Ang section pa rin namin ang magkakaklase. Tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad ka agad akong umupo at tumahimik. Ayoko namang mag ingay kasi nakakatamad yun. Kaya nga puro ako libro pero yung sa wattpad book binabasa ko nakakakilig kaya. HAHAHAHAHAHA :D

"Ms.Heather, can you please answer this? And show us your solution" Sabi nong teacher namin. Ako naman lagi. Naaasahan eh, di sa pagmamayabang pero matalino talaga ako. Matalino lang.

Tumayo ako at kinuha ang marker at nagsolve ng problem. Sobrang easy nga lang eh. Bored na bored pa ako magsagot samantalang yung mga kaklase ko parang dudugo mga utak. "Thankyou ms.heather" Tumango lang ako at umupo sa upuan. Ang sama naman ng tingin nila sakin. Nakakatakot talaga mga classmate ko huhuhuhu. Hindi ko nga alam kong bakit ako nakatiis eh. Siguro kailangan kong makuha ang valedictorian ko. Sayang naman kasi.






Nagpatuloy ang klase. At mabagal na lumipas ang oras pero buti breaktime na namin. Wala akong friend kahit isa, dati meron pero binubully din sila kaya lumalayo sila. Mag isa akong tumungo ng cafeteria. Mayaman naman kami e. Sobrang yaman kaso nga lang walang nakaka alam. Ang papa ko siya ang mayamana ay nali sobran yaman pala. Kaso iniwan niya kami at sumama sa ibang babae. Ayoko sanang magalit pero hindi ko mapigilan. Napapunas ako sa pisngi ko, may mga luha palang tumulo. 3 years ago na nong iniwan kami ni papa. Ang masaklap sa pangyayari mismong bestfriend ni mama ang kabit ng papa ko. Nakakatawa diba? Tadhana nga naman.





Umorder ako ng blueberry cheese cake at juice. Umupo ako sa pinakamalayo sa tao. Dalawang upuan lang meron magkaharap. Lagi naman akong nandito eh. Dito na ako kumakain mag isa. Nasanay na rin ako. Loner talaga ako. Hindi mahilig makisalamuha sa ibang tao. Ayoko rin magkaroon ng bestfriend na tinatawag kung sakali kasi baka matulad ako kay mama. Hindi aagawan ng jowa ah kasi walang magtatangkang manligaw sakin. Kundi sa tiwala, parang baso na nabasag kahit lagyan mo pa ng pinakamadikit na pandikit makikita mo pa rin ang biyak. Kaya mahalang wag sisirain ang tiwala.


I'm his nerdy girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon