Chapter 2: First Kiss

49 7 16
                                    

Trixie's POV

Pangalawang araw ko na ngayon bilang fourth year. Wala namang bago eh. Magulo buhok, walang powder sa mukha o haggard. Yung labi ko tuyong tuyo tapos yung malaking salamin ko sa mata. Im comfortable of this. Mas gusto ko ng hindi napapansin para walang problema. Pero pwera sa pambbully ni alyanna sakin.

Nasa room na ako lahat sila may kanya kanyang mundo. Nagkakantahan, kwentuhan, may naka earphone, nambbully din? Tapos may natutulog. Bakit kaya ganito sila? Anong meron. Yung iba nga tahimik lang eh. Nilingon ko si alyanna pero wala pa pala siya. Umupo na lang ako wala akong mapapala kakaisip kung bakit weird sila ngayon. Makapagbasa na nga lang ng libro. Wala pa first class teacher namin eh.

Bakit ba hindi ako mapakali? Parang may kakaiba? Parang nakatingin sila sakin? Binaba ko yung libro ko tapos nakatingin silang lahat? Nagtatakang tinignan ko sila.

Umiwas sila ng tingin at nagpipigil ng tawa. Ano bang meron? Parang natatakot tuloy ako. Bakit kaya ganyan kilos nila ngayon? May kutob akong may gagawin silang di mabuti. Ano na naman kaya yun? Wag naman sobra. Nagpatuloy ako sa pagbabasa hihintayin ko na lang ang gagawin nila. Wala naman akong laban eh .

Natapos yung tatlong subject at break time na namin. Gutom na gutom na ako hindi na naman kasi ako nag almusal eh. Syempre late na naman ako magising -.- lagi naman eh. Weird kong nerd noh? Pangit na mukha medyo pangit pa ugali? Medyo lang naman ah. Huhuhuhu wala ng maganda sakin.

Naglalakad ako sa cafeteria. Bakit ba nagtatawanan sila? Tapos nakatingin pa sakin? Okay........Sanay naman akong pagtawanan pero wala naman nakakatawa ah? Nababaliw naba sila? Bakit kaya?

Nasa gitna na ako mg cafeteria ng may lumapit saking lalaki? Tinignan niya ako ng natatawa. Bakit ba kasi sila tumatawa? Sana sinishare nila para sana natatawa din ako.

"B-bakit? A-anong kailangan m-mo?" Natatakot ako kasi bigla bigla na lang siyang lalapit sakin. Fourth year na din siya taga kabilang section. Gwapo din at matalino tsaka mayaman. Pero bakit siya natatawa?

"Napkin" Inilabas niya ang napkin na walang balot yung nakalabas na. Tinaas niya katapat ng mukha ko. Nagtawanan lalo lahat. Ang daming bulungan. Sobrang ingay.

"May tagos ka kasi mukhang kailangan mo yan" Tapos sobrang lakas ng tawa niya. Biglang namula yung mukha ko. Tagos? Ako? Tinignan ko yung palda ko at oo nga may tagos? Pero teka? Hinawakan ko.

Hindi tagos parang paint. Pero mukha ngang tagos. Napayuko ako at tumulo na lang bigla yung mga luha ko. Nakakahiya. Sobrang daming tao sa paligid. Ang daming nakakita. Umalis na yung lalaki at naglakad paalis. Naiwan akong nakayuko habang tinitignan at pinagtatawanan.

Nakakahiya!! Sobrang nakakahiya. Pinunasan ko yung luha ko pero tumutulo pa rin. Ilang minuto akong nanatili sa posisyon na yun at tumakbo. Tumakbo nadapa pa nga ako kaya nagtawanan ulit sila. Bago ako maka alis sa lugar na yun. Narinig ko pa mga bulungan nila.

"Hahahaha nerd na bobo"

"May tagos yung nerd hahaha nakakahiya siya"

"OMG! So nakakahiya talaga. She got stein on her palda hahaha"

"Hahahahah yeah girls. Nakunan ba ng video?"

"Yup"

"HAHAHAHAHAHA"

Grabe sila. Kinuhanan pa talaga nila ng video? Hindi ba sila naawa sakin? Kung sa kanila kaya to mangyari? Tumakbo akong C.R kelangan kong basain at patuyuin tong palda ko.

kinuskos ko ng kinuskos. Ang hirap tanggalin. Ano kaya tong pintura nato? Sobrang tigas. Habang tinatanggal ko ang pintura. Naiisip ko pa rin ang nangyari sa cafeteria. Nakakahiya talaga. Bakit? Bakit ba lagi nila akong nakikita at pinagttripan? Wala naba silang mahanap na mapaglaruan kundi ako na lang lagi? Hindi ba sila naaawa? Naiyak na naman ako.

I'm his nerdy girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon